“Bakit ba ang aga natin dito sa airport… two hours pa naman bago ang flight natin.” (Mich)
“Mukhang hindi ka sanay mag-travel… advisable na two to three hours before ng flight ay dapat nandito na.” (Matt)
“Bakit ba puro reklamo ka? Ikaw na nga ang sasama,puro reklamo.” (Gerwin)
“Kasi, sumama si Mandy. Syempre dapat may kasama syang babae, hindi naman sa hindi ko kayo pinagkakatiwalaan..pero mas maganda na rin na kasama ako.” (Mich)
“Sus, gusto mo lang talagang sumama…hahaha!” (Erik)
“Para…” (Jason)
“Panuorin ang performance ni Gerwin!” (Jason at Erik)
“Ano bang sinasabi nyo…. Masama bang sumama hah?” (Mich)
“Okay tama na yan. Pagdating natin sa Korea, may susundo sa atin sa airport. Titigil din tayo sa hotel kung saan titigil si Gerwin as requested.” (Dylan)
“Talaga? Salamat pare. Ayoko kasi na mag-isa lang ako dun.” (Gerwin)
Calling all passengers of *** Airlines going to Seoul, Korea….. (blah blah blah)
“O, tinatawag na tayo. Tara na.” (Jason – nagsimula nang lumakad)
“Mandy, ano kaya ang mga mapupuntahan natin sa Korea at anu-anong pagkain ang kakainin natin dun?” (Mich)
“Tingnan na lang natin pagdating dun. Excited?” (Mandy)
“Oo naman. Hindi pa kasi ako nakakapunta sa Korea. Ang napuntahan ko lang ay Hongkong, Singapore at Malaysia kaya excited na ako.” (Mich)
*** Sa eroplano…
“What the? Bakit ikaw?” (Mich)
“Anong bakit ako? Malay ko bang ikaw ang makakatabi ko.” (Gerwin)
“Bakit hindi ko katabi si Mandy?” (Mich)
“Ewan… kung nagrereklamo ka, tumayo ka na lang hanggang sa makarating tayo sa Seoul.” (Gerwin)
“Hindi na lang kita kakausapin.” (Mich sabay upo)
“Kung si Gerwin ang katabi ni Mich, sino ang katabi ko dito?” (Mandy)
“Hi seatmate.” (Dylan)
“Hey, you look spaced out.” (Dylan kay Mandy)
“Kanina ko lang nalaman na nasa Korea din si Jaslyn. Kahapon sya umalis kasama ang iba nyang kaibigan.” (Mandy)
“Talaga? Saan sa Korea?” (Dylan)
“Sa Gangwon-do.” (Mandy)
“Ah, sa isa sa mga province ng Korea ang pinuntahan nila. Don’t worry, sa Seoul naman tayo, ang capital ng Korea at considered as city. Siguro 50-50 chances ang pagpunta nila sa Seoul, kaya don’t worry.” (Dylan)
“Bakit nga pala guest sa isang show sa Korea si Gerwin? I mean paano sya napili?” (Mandy)
“Hindi mo pa ba napapanuod yung videong inapload ni Gerwin sa youtube? Yung nagda-drums tapos kumanta tapos sumayaw? Pfft. Para syang baliw dun. Pero yun ang videong nagpasikat sa kanya sa Korea. Nagustuhan ito ng iba kaya naman tinawagan sya ng isa sa mga producers ng isang show sa Korea kung pwede syang mag-guest, agad naman nyang tinangap ang alok. Hindi din ito pabasta-basta. Anniversary kasi ng show na ito at gagawin itong live sa open ground, kaya na-pressure din kahit paano si Gerwin. haha” (Dylan)
“Talaga? Wow.Eh anong ipe-perform nya?” (Mandy)
“Ahm, dance. Pero habang nagsasayaw sya, kumakanta din sya kaso yung mahina lang parang lipsing na din. At hulaan mo kung sino ang nagturo…” (Dylan)
BINABASA MO ANG
Hate Me or Love Me? [Completed]
Teen Fiction[on editing process] Nang dahil sa isang simpleng kasalanan na ginawa ni Dylan kay Mandy noong elementary ito, malaki ang naipagbago nito (Mandy) nang muli silang nagkita nung college. Pagkatapos magkapatawaran ng dalawa, anong susunod na magyayari...