Flashback…
[the time na hindi pa sina Jek, Luke, Xander at Dylan ang leader ng gang]
When they were still in highschool, naging close sina Paul at Luke. Parehas kasi sila ng interes……. Ang hindi nila alam, iisa lang pala sila ng babaeng gusto.
Si Patricia… childhood friend ni Paul at itinuturing namang bestfriend ni Luke.
Mala-anghel ang itsura ni Patricia… matalino at mabait din ito, kaya hindi mo masisisi na madami ang nagkakagusto sa kanya.
Pero kahit na madaming nagkakagusto sa kanya, wala pa ring maglakas loob na lumapit dito. Ito ay dahil tinatakot sila nina Paul at Luke.
Magkasundong magkasundo sila sa ginagawa nilang ito.
Ang alam na dahilan ni Paul kung bakit tinatakot ni Luke ang mga lalaking may planong manligaw kay Patricia ay dahil bestfriend ito ni Paul.
Ang alam namang dahilan ni Luke kung bakit tinatakot ni Paul ang mga lalaking may planong manligaw kay Patricia ay dahil kababata ito ni Paul.
Ni hindi nila inisip na iisa lang sila ng babaeng gusto.
Isang lingo na lang at JS prom na nila… Juniors na sila. Parehas na nakaupo sa iisang bench sina Paul at Luke. Parehas din na tahimik at tila malalim ang iniisip.
“Pare… mukhang malalim ang iniisip ah.” Biglang sabi ni Paul kay Luke.
“Kinakabahan lang.” (Luke)
“Bakit naman? Anong meron?” (Paul)
“Sana pumayag syang maging date ko sa prom..” (Luke)
“Whoa! Parehas pala tayo ng iniisip. Pinapapunta ko nga sya dito.” (Paul)
“Talaga? Ako din.” (Luke)
“O, Paul, Luke… nandito lang pala kayo.” (Patricia)
Nakatayo si Patricia sa harap nila. Sabay pa silang tumayo at saka nagsalita…
“Patricia, will you be my date?” (Paul at Luke)
Nagulat si Patricia… pati na rin sina Paul at Luke…
Sa unang pagkakataon, nakaramdam sila ng inis sa isa’t isa.
Dumating na ang prom day nila. Parehas tinanggihan ni Patricia ang alok. Para daw kasi walang magagalit. Kaya napagdesisyunan ni Paul na hindi na lang umattend, samantalang si Luke ay kahit na walang partner o date ay pumunta pa rin.
Hindi inaalis ni Luke ang tingin nya kay Patricia. At nung nakita na sya ng tiyempo, nilapitan nya agad nito at sandaling dinala ito sa sa garden ng venue kung saan makakapag-usap silang dalawa.
Dito inamin ni Luke ang nararamdaman nya kay Patricia… ang kinagulat din nya,gusto rin sya ni Patricia……. At ito ang pinakamasayang araw ni Luke.
Pagkatapos ng prom, kumalat na ito sa buong campus. Madaming nagulat, madaming kinilig at madaming nainis o nagalit… kasama na dito si Paul…
Agad nyang hinanap si Luke sa buong campus. At nang mahanap nya ito, malakas nya itong sinuntok. Napahiga si Luke dahil dito.
“Akala ko ba kaibigan kita! Niloko mo ako! Bakit si Patricia pa!!!! (Paul)
“Mahal ko si Patricia… mahal din nya ako… parehas kami ng nararamdaman. Yung ang totoo!” (Luke)
“Hindi!!!” (Paul at sinuntok ulit si Luke)
BINABASA MO ANG
Hate Me or Love Me? [Completed]
Roman pour Adolescents[on editing process] Nang dahil sa isang simpleng kasalanan na ginawa ni Dylan kay Mandy noong elementary ito, malaki ang naipagbago nito (Mandy) nang muli silang nagkita nung college. Pagkatapos magkapatawaran ng dalawa, anong susunod na magyayari...