sorry kung ngayon lang ako nakapag-update... nag-start na kasi ang second semester... mas mahirap na ang mga subjects... 3rd year psychology student kasi ako... Hindi pa naman ako naiistress (buti na lang)...
Sana magustuhan nyo (^_^)
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
*** Sa tambayan…
“Hahahahaha… nakakatuwa talaga ang ginawa mo kanina Dylan…” hanggang ngayon ay natawa pa rin si Gerwin. Nakita nya kasi ang expression nina Glitters.
“Para naman tayong celebrity kanina… yung may mga guard at hinahawi yung daan.” (Erik)
“Pansin nyo din kanina…yung reaksyon ng ibang royalties, mukhang na-insecure…” (Matt)
“Bahala sila…wala akong pakielam.” sumandal si Dylan sa upuan at nagcross arm.
“Pero bigyan mo din ng consideration na hindi sila naiiba sa atin… tandaan nyo, mga anak tayo ng pinakamayayamang businessman. Ibang category pa ang mga anak ng mayayamang doctor, pulitiko, abogado…” (Gerwin)
“Oh my gosh! Si Saturn de los Reyes!” nagulat ang lahat dahil biglang sumigaw si Mich. Ang sigaw nya ay parang kinikilig.
“Saturn? Di ba planeta yun?” inosenteng sagot ni Erik. Tunay naman di ba? planeta ang Saturn, pang-anim pa ito sa order ng planets.
Pinalo ni Mich si Erik. “Ano ka ba, ayun oh” sabay turo ni Mich.
“Paano mo nakilala si Kuya Saturn?” tanong ni Mandy kay Mich.
“Ah, yun ba… dun sa magazine… Kuya Saturn ba ang sabi mo? Kilala mo ba sya?" excited na tanong ni Mich sa bestfriend.
“Oo, anak sya ng family friend namin… isang taon lang ang tanda nya sa atin. Gusto mo, ipakilala kita?” ngumisi si Mandy kay Mich. Kilalang kilala na nya ang bestfriend nya. Tingin pa lang kasi ni Mich kay Saturn ay kakaiba na.
“Sige! Sige!” sabi ni Mich. Nabuhayan sya ng dugo. Ngayon pa lang, kinikilig na sya kahit na hindi pa nya nakikilala ito.
Pumunta na sina Mandy at Mich sa kinatatayuan ni Saturn.
“Hi Kuya Saturn.” (Mandy)
“O, Mandy ikaw pala… kamusta ka na? long time no see.” saglit nayumakap si Saturn kay Mandy.
“Okay lang ako… ay, Kuya Saturn si Mich bestfriend ko; Mich si Kuya Saturn.”
“Have we met before? Familiar kasi ang mukha mo.” naningkit ang mata ni Saturn. Nakita na nya ito pero hindi nya alam kung saan.
>////< (Mich)
“Ahm… ngayon lang kita nakita eh… sana nga nakilala na kita..hehe” mahinhin na sabi ni Mich kay Saturn. Pero sa loob nya, halos magwala lahat ng organs nya sa kilig.
“Huh?” pagtatakang sagot ni Saturn.
“I mean… baka naman nakita mo ako dun sa magazine… kasama ako sa royalties.” isang matamis na ngiti ang binigay ni Mich dito.
“Yeah, nakita nga kita sa magazine…haha… silly me” (Saturn)
Kitang kita ng lima mula sa tambayan nila ang pakikipag-usap nina Mich at Mandy kay Saturn.
“Saturn de los Reyes… bunsong anak ni Dr. Rustan de los Reyes… naalala ko tuloy yung ginawa natin dati…” nakangisi si Jason habang inaalala ang ginawa nila dati, ilang taon na din ang nakalipas.
BINABASA MO ANG
Hate Me or Love Me? [Completed]
Teen Fiction[on editing process] Nang dahil sa isang simpleng kasalanan na ginawa ni Dylan kay Mandy noong elementary ito, malaki ang naipagbago nito (Mandy) nang muli silang nagkita nung college. Pagkatapos magkapatawaran ng dalawa, anong susunod na magyayari...