***Tuesday... sa tambayan sa school nina Dylan...
“Hi guys. Nakita nyo ba si Mich?” bati ni Mandy kina Dylan, Matt, Jason at Erik.
“Hindi, baka kasama ni Gerwin.” Pabirong sagot ni Erik.
“Hah? Kasama ni Gerwin?” nagtatakang tanong ni Mandy. Si Mich at Gerwin magkasama? Talaga?
“Ito talaga, wag kang magpapaniwala sa sinasabi ni Erik… Upo ka muna, pupunta mamaya dito si Mich isasauli ko kasi ang calculator nya.” sabay alok ni Jasong ng upuan kay Mandy.
Pagkaupo ni Mandy…
“Hi.” Bati ni Dylan kay Mandy with matching pataas-taas ng kilay.
Ngumiti lang si Mandy dito…
“Parang meron kaming hindi alam…” (Jason)
“Usually wala namang batian ang nangyayari sa dalawang ito.” (Matt)
“Kayo na ba ni Mandy, Dylan?” (Erik)
Nagulat at parehas na nanlaki ang mga mata nina Mandy at Dylan.
Binatukan ni Dylan si Erik.
“Gago, pano magiging kami may boyfriend sya… Bati na kami nyan.” Sabay akbay ni Dylan kay Mandy. Agad namang tinanggal ni Mandy ang akbay ni Dylan.
Biglang dumating si Mich, nagdadabog… galit. Kasunod nito si Gerwin na nakangiti.
“Mich, what’s wrong?” nilapitan ni Mandy ang bestfriend nya.
“What’s wrong? Bakit hindi nyo tanungin ang loko nyong kaibigan.” Si Gerwin ang tinutukoy nya.
“Ano nanamang ginawa mo Gerwin?” bumaling si Dylan kay Gerwin
“Wala… Kasi, nag-audition kami kanina ni Mich sa teatro... Nang mag-o-audition na ako, nagrequest ako na kung pwedeng may kapartner… so si Mich ang ginawa kong partner. Ginawa ulit namin yung Romeo and Juliet, namiss ko kasi yun. Naalala ko nung highschool…” habang kinukwento ito ni Gerwin, nakangiti lang ito at para ngang inaalala ang past.
“Nakakainis ka… Tayo nung highschool… inlove tayo sa isa’t – isa kaya hindi ako naiilang. Ibahin mo ngayon.” mariin na sabi ni Mich kay Gerwin. Alam nyang matatamaan si Gerwin sa sasabihin nya pero wala syang pakielam.
Hindi na nakapagsalita si Gerwin, halatang naapektuhan sa sinabi ni Mich.
“Ibahin mo ang topic bilis.” Pabulong na sinabi ni Dylan kay Mandy.
BINABASA MO ANG
Hate Me or Love Me? [Completed]
Teen Fiction[on editing process] Nang dahil sa isang simpleng kasalanan na ginawa ni Dylan kay Mandy noong elementary ito, malaki ang naipagbago nito (Mandy) nang muli silang nagkita nung college. Pagkatapos magkapatawaran ng dalawa, anong susunod na magyayari...