CHAPTER 8 (AUDITION)

866 8 2
                                    

***Friday – Audition Day sa Sayaw

“Dalian mo Mich, baka ma – late ako!” mabilis na tumakbo si Mandy samantalang nasa likod si Mich at kasunod nya. Ngayon kasi ang audition para sa mga possible na bagong dancers ng school nila.

“Oo na… eto talaga, excited…” pati si Mich at napasabak sa pagtakbo.

“O… nandito na.. tayo…” hingal pa rin si Mandy sa pagtakbo pero dumiretso sya sa table kung saan nagfifill-up ang magoaudition. At dito nya naabutan si Dylan.

“Uy, just in time… sign – up na.” nag-give way si Dylan kay Mandy para makapagsign up.

Pagkatapos magsign - up ang lahat ng mag-o-audition…

“Good afternoon guys, I’m Chicko the choreographer of this dance troupe… So, we’ll be having a different kind of audition. I will be calling two persons at a time, I will pick a song and they will both dance in the same time… in short, showdown.”

“Kaya yan… di ba Dylan?” tinapik ni Matt ang balikat ni Dylan. Nandito din ang mga kaibigan nya bilang suporta.

“Hmmm… interesting, bago…” (Dylan)

“Sh-sh-showdown?!” first time gagawin ito ni Mandy. Madalas kasi sa audition ay mag-isa lang or group kung magperform. Nakaramdam ng kaba at takot si Mandy.

“Waahhhh! Goodluck sa’yo” kung takot at kinakabahan si Mandy, si Mich naman ay excited at niyugyog na lang ang bestfriend nya. First time nya kasing makikitang magoaudition si Mandy sa sayaw since hindi naman sila parehas ng pinasukang school noong highschool.

“And by the way, ang matatanggap sa audition na ito ay magiging member na ng dance troupe next semester. Let’s start…” (Chicko the choreographer)

At nagsimula na ang audition.

----auditionees…. Sayaw…. Sayaw… showdown…..----

“Okay, next… Mandy Punzalan and Rhia Pagcaliwagan.”

“Go Mandy!!! Wooohhooooo!” (Mich)

“So, remix ang napili kong kanta for the two of you…” nilalaksan ni Chicko ang ang volume.

Remix ito ng mga kantang On the floor, Papi, Who run the world at Hold it against me.

Lord, kayo na ang bahala sa akin… basta gagalingan ko na lang…” ito na lang ang nasabi ni Mandy sa sarili. Huminga ito ng malalim at nagsimulang sumayaw.

Hate Me or Love Me? [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon