Ito na po ang update.... lately naging magulo ang utak ko sa requirements and stuff... kailangan kasi bago mag-graduation *__*
thank you sa lahat ng naghintay... kung may typo po... i'll try to edit it tomorrow....
i hope you like it... *cross fingers
--------------------------------------------------------------------
“A… Jaslyn, okay na ba ang suot ko?” (Mandy)
“Oo naman… pero, yan ba talaga ang dapat mong suotin?” (Jaslyn)
“Oo… yun ang sabi sa akin ni Dylan.” (Mandy)
“O, bakit naman ganyan ang ngiti mo ngayon?” (Jaslyn)
“Hah? Anong ngiti? Lagi naman akong nakangiti ah.” (Mandy)
“Eh? Baka naman may naaalala ka…” (Jaslyn)
“Anong naaalala?” (Mandy)
“Yung time na may—“ (Jaslyn)
“Ah, Ms.Mandy… nandito na po si Sir Dylan”
Nagkatinginan sina Mandy at Jaslyn… pagkatapos nito, biglang tumakbo papuntang banyo si Mandy.
“Teka ate…….. bakit naman kaya yun pumasok sa banyo?” (Jaslyn)
“O Dylan, nandito ka na pala… hintayin mo nalang si ate hah…” (Jaslyn)
“Sige.” (Dylan)
Mandy’s POV
(sa wakas! POV hahahaha)
Dugdugdugdug…
Teka nga… bakit ganito ang nararamdaman ko…
Dapat sanay na ako… naka-ilang date na ako…. Siguro dahil unexpected ang pag-invite nya sa akin…
Siguro nga….
At yun na nga… lumabas ako sa banyo. Nakita kong naghihintay si Dylan sa salas….
Teka…
Parang may kamukha sya….
Sino nga ba? Hmmmmm
“O, lalabas ba kayo?” – daddy
Oh no!... nakalimutan kong magpaalam kay daddy… kasi every time na makikipag-date ako ay kailangang kong magpaalam sa kanya…
“Yes dad… bakit? Hindi po ba pwede?”
“Ano ka ba! Pwedeng pwede. Kung gusto kahit bukas ka na bumalik.” – daddy
“Hah?!”
Bakit ganito si daddy.
Well, I know na magkasundong – magkasundo sina Dylan at daddy. Minsan nga ay uuwi ako ng bahay na nandito si Dylan at nakikipaglaro ng chess kay daddy with matching kwentuhan pa… san ka pa…
“Hahahaha!!! Joke lang anak… nagpaalam na naman sa akin si Dylan… kaya okay lang.” – daddy
“Sige po tito… iuuwi ko din po sya mamaya.” (Dylan)
“Sige, sige… mag-enjoy kayo hah.” – daddy
***
Paglabas namin ng bahay, sa halip na kotse ang makita ko…
“Magmomotor tayo?”
“Yup… bakit, may problema ba?”
“Wala naman… kaya mo pala ako pinagsuot ng comfortable clothes.”
BINABASA MO ANG
Hate Me or Love Me? [Completed]
Fiksi Remaja[on editing process] Nang dahil sa isang simpleng kasalanan na ginawa ni Dylan kay Mandy noong elementary ito, malaki ang naipagbago nito (Mandy) nang muli silang nagkita nung college. Pagkatapos magkapatawaran ng dalawa, anong susunod na magyayari...