“Anong ginagawa mo dito?” (Dylan)
“Di ba sabi mo sa akin, kapag kailangan ko ng tulong… nandyan ka para tulungan ako.” (Jaslyn)
Nasa bar na si Jaslyn ngayon. Umalis agad sya sa bahay pagkatapos syang komprontahin ni Mich.
“Si Mich, nasa bahay. May alam sya at sinabi nya ito kay Ate Mandz.” (Jaslyn)
“Ehem… ipakilala mo naman ako Dylan sa magandang babaeng yan.” (Jek – leader ng north)
“She’s Jaslyn.” (Dylan)
“So, sya pala si Jaslyn.” (Jek – tumingin lay Dylan at saka kay Xander)
“Hoy, alam ko ang iniisip mo Jek. Wag mo nang sabihin.” (Xander)
“Oo na. May nabanggit ka kanina… sinong Mich? At sino si Mandy?” (Jek)
“Si Mich ay girlfriend ng bestfriend kong si Gerwin at si Mandy ay kapatid ni Luke.” (Dylan)
“Ah okay… eh ano namang problema?” (Jek)
“Wala naman. Nalaman na daw kasi ni Mandy.” (Dylan)
“O, yun lang naman pala eh. Teka nga lang… di ba Luke, kapatid mo sya. Bakit hindi nya alam samantalang alam ni Jaslyn. At Dylan, ano naman ang problema kung malaman ni Mandy yun?” (Jek)
“Ayokong madamay sya dito.” (sabay na sabi ni Dylan at Luke)
Napatingin sina Xander, Jaslyn at Jek kina Luke at Dylan. Bigla na lang kumunot ang noo ni Luke at tumingin kay Dylan.
“Tell me Dylan, anong meron sa inyo ni Mandy?” (Luke)
“Gusto ko sya… mahal ko sya.” (Dylan)
Ito ang straightforwarded na sabi ni Dylan. Lahat nabigla maliban kay Xander na iniwas na lang ang tingin at uminom na lang ng beer.
“Tss… sabi ko na nga at meron. Ikaw na nga minsan ang bukang bibig ng aking ama. Pero kuya ako Dylan, and you know what big brothers do.” (Luke)
“Wow, gumaganun ka na Luke… hahaha.” (Jek)
“Hayyy… akala ko ba pag-uusapan nyo yung tungkol sa gang.” (Jaslyn)
“Tapos na.” (Xander)
“Tapos na? bakit parang ang bilis?” (Jaslyn)
“Well, ganun talaga. Magaling kasi kaming mga leader.” (Jek)
“Magaling? Eh bakit may away ulit kung magaling kayo?” (Jaslyn)
“Jaslyn, tama na.” (Dylan)
“Okay lang… hindi naman ako affected… kayo?” (Jek – tinutukoy sina Dylan, Luke at Xander)
“Jaslyn…. Bukas, makikipag-usap kami sa leader ng kabilang gang. Sana maayos na ito. At…. Kung masasabi mo na kay Mandy ngayon, sabihin mo na….. baka mamaya may magsabi sa kanyang iba, maiba pa ang istorya.” (Luke)
“Hindi naman magagawa ni Mich na baguhin ang mga sinabi sa kanya ni Gerwin. At tsaka bestfriends yung dalawa.” (Jaslyn)
“Hindi yun ang tinutukoy ko…. Si Paul….” (Luke)
“Pero…. Mabait si Kuya Paul….. kita mo nga, kinausap nya si Mandy… sabi nya ayaw nyang madamay sya.” (Jaslyn)
“Yeah right… para namang maniniwala ako sa hayop na yun.” (Luke)
Galit si Luke kay Paul. Dati silang pumasok sa iisang school at halos magkalaban sa lahat ng bagay… pati na rin sa iisang babae…
Riinnggg… Riiinggg…
“Hello….. Ano?!! Bakit—tsk! Sige, pupunta na kami. Humanda sila.” (Jek)
“O, bakit… anong meron?” (Xander)
“May away… sumugod yung kabilang grupo.” (Jek)
“Tara.” (Luke)
“Kuya……” (Jaslyn)
“Umuwi ka na hah… hayaan mo, I’ll be careful.” (Luke)
“O-okay… mag-iingat kayo.” (Jaslyn)
***
“Grrr. Bakit hindi sinasagot ni Gerwin ang phone nya.” (Mich)
“Baka naman-“ (Mandy)
“Busy? Sus, baka nakikipag-away ulit.” (Mich)
Nasa salas silang dalawa ngayon at kanina pang tinatawagan ni Mich si Gerwin dahil gusto nya itong pumunta dito para tanungin tungkol sa gang. Habang nakaupo sila, saktong dumating na din si Jaslyn sa bahay. Lumapit ito kay Mandy at niyakap ito.
“Bakit? May problema ba Jaslyn?” (Mandy)
“Ate Mandz……….. may…. May sasabihin ako sa’yo.” (Jaslyn)
“Anong sasabihin mo?” (Mandy)
“Alam ko lahat….. tungkol sa gang….. pati si kuya… sya ang leader ng south.” (Jaslyn)
***
“O Mich, Bakit ka nandito?” (Gerwin)
“Huh? Bakit masama? Syempre, kinausap ko si Mandy. bakit ka nandito? At tsaka kanina pa kitang tinatawagan, bait hindi mo sinasagot?” (Mich)
“Ah, nakatulog ako eh… gisingin mo ba naman ako kanina…. Pinapunta ako ni Dylan dito.” (Gerwin)
“Dylan? Bakit naman?” (Mandy)
Bigla na lang may nagsalita sa likod nila.
“Pare, we need back-up.” (Jason)
“Back-up? Don’t tell me…” (Mandy)
“Ahahaha! Hindi Mandy…. nasa labas na sina Matt… inaalalayan ang mga reckless leaders.” (Jason)
“Reckless leaders?” (Mich)
Sumabay sina Mandy at Mich sa paglabas nina Gerwin at Jason. Nabigla sila… unti – unting nilabas nina Matt ang apat na leader… lahat sila bugbog sarado at duguan. Dali-dali silang pinasok sa bahay at inupo.
“A-anong nangyari dito? Bakit kayo ganyan?” (Mandy)
“I will tell everything later Mandy…. for now, just get the first aid kit.” (Luke)
***
“No need to heal my wounds…… eh yun lang kung meron… hahahaha” (Jek habang hinahawakan ang mukha nito)
“Eh bakit nga wala syang sugat?” (Mich – tinuro si Jek)
“Magaling kasi akong umilag..hahaha!” (Jek)
“Jaslyn, gamutin mo naman ang sugat ko oh.” (Xander)
“Oo na.” (Jaslyn)
“A….ako na ang gagamot sa sugat mo Kuya Luke hah.” (Mich)
“Ako na ang gagamot sa sugat mo…..” (Mandy)
“O-okay.” (Dylan)
“Nakakainis ang Paul na yun! Humanda sya sa akin!” (Luke)
Natigilan si Mandy sa paggamot ng sugat ni Dylan dahil nabanggit nito ang pangalan ni Paul. Napatigin naman si Dylan kay Mandy.
“Kuya…… bakit ka ba galit na galit ka kay Kuya Paul?” (Mandy)
“Huh? Hindi mo alam? Hindi ba naikwento sa’yo ni Paul?” (Dylan)
------------------------------------------------------------------
Short update.....
next chapter will be longer than this... :))
BINABASA MO ANG
Hate Me or Love Me? [Completed]
Genç Kurgu[on editing process] Nang dahil sa isang simpleng kasalanan na ginawa ni Dylan kay Mandy noong elementary ito, malaki ang naipagbago nito (Mandy) nang muli silang nagkita nung college. Pagkatapos magkapatawaran ng dalawa, anong susunod na magyayari...