"RAVEN!" Sigaw ko. Kumikirot na naman kasi ang tiyan ko. Ewan ko ba naman kung malupit lang sumipa yung anak ko o talagang brutal rin siya katulad ko. Pakiramdam ko mawawasak ang tiyan ko.
"Sumisigaw ka na naman. Ano na naman bang problema?!" Sigaw niya sa akin pabalik, habang patakbo siyang pumapasok sa kwarto namin.
"Masakit na naman." Sabi ko sa kanya. Napakamot siya ng ulo, para bang iritang irita sa sinabi ko.
"Hindi nga ba, according to my research ay normal lang ang contractions habang nagbubuntis ka? Lalo na malapit ka na manganak."
Hindi ko alam kung bakit, hindi talaga ako kumbinsido sa sinasabi niya. Siguro kasi, minsan hindi naman reliable ang internet na yan o kaya ay kabisado ko ang katawan ko, alam ko kung kailan may problema o wala.
"Dalhin mo na kasi ako sa ospital, para matapos na to. Hindi yung putak ka ng putak e sa internet lang naman galing yang mga sinasabi mo"
And then my water broke. Nag-panic na rin siya. Aligaga na siya. Hindi na alam ang gagawin. Hindi na niya alam kung anong unang dadamputin.
"Oh ano na? Ako na lang maghahatid sa sariki ko sa hospital? Makapag-panic ka, ikaw manganganak? Kunin mo na yung bag, naka prepare naman na yon tapos yung susi ng kotse nandun sa mesa malapit sa pinto. Hintayin kita sa labas."
Inalalayan naman muna niya ako palabas ng bahay. Aba dapat lang naman siguro. Manganganak ako? May lalabas na tao sa katawan ko. Deserve ko naman to.
Hinintay ko siyang kumalma bago kami tuluyang umalis sa bahay. Kaya naman, sumasakit lang talaga every - hindi ko na sure yung interval. Bahala na! E pag lumabas siya dito sa kotse edi papangalanan ko na lang siyang "backseat".
"OKAY KA LANG BA? KAYA MO PA? MALAPIT NA TAYO SA OSPITAL." Pasigaw na sabi niya.
"Okay lang ako, bakit ka nakasigaw? Galit ka?" Sarcastic na tanong ko sa kanya.
"HINDI. KINAKABAHAN LANG AKO. " Nakasigaw pa rin na sabi niya.
Sinapok ko siya sa batok so bale binatukan ko siya. HAHAHAHA. Hindi masyadong malakas, sapat lang para maubo siya.
"Aray. Masakit ha." Sabi niya ng malumanay.
Edi natauhan siya.
"Kumalma ka kasi. Feeling mo naman ikaw manganganak e."
Sabi ko sa kanya."Alam kong masasaktan ka kasi, hindi ka pwedeng mag CS kasi maghihilom agad yung hiwa. Wala kang option kundi normal delivery kasi yung hiwa doon hindi naghihilom." Natatawa niyang sabi.
"Bastos ka." Pero natatawa rin ako.
Yung 15 minutes na byahe mula bahay hanggang sa ospital, parang isang oras. Hindi ko alam kung bakit? Dahil ba may sakit akong nararamdaman o dahil gusto kong isiping bumabagal lang yung oras.
Kasi pagkatapos nito, hindi na lang basta kaming dalawa ni Raven. May baby na kami. Puta, ang baduy sabihin pero nakakatakot pala kapag nandito na.
RAVEN'S POV
Kinikilabutan ako. Natatakot. Mapapalaki kaya namin ng maayos yung baby namin. Ito pala yung naiisip niya nung simula. Nakakatakot pala talaga.
Hindi niya ako pinasama sa loob, gusto niyang siya lang ang nandoon. Ayoko namang makipagtalo kasi baka bugbogin niya ako kapag okay na siya.
Namamawis yung kamay ko, hindi naman ako pasmado.
Parang humihiwalay yung kaluluwa ko sa katawan ko kung totoo mang may kaluluwa ako.Pero ano naman yon kumpara sa actual na may humihiwalay talaga sa katawan mo.
Sana okay siya. Saka sana lalaki talaga.
We never took the test kung babae o lalaki. Gusto niya daw masurprise. Wala pa nga kami naiisip na pangalan, gusto rin niya on the spot namin bibigyan.
Baka kulay na naman ipangalan niya dito, yung unang kulay na makikita niya. Paano pag buhok ni doc yung nakita niya, black na pangalan ng anak ko.
Siraulo pa naman mag-isip si Red. Parang hindi nga nag iisip.
Natigil ako sa paglalakad ng pabalik balik nang bumukas ang pinto ng delivery room.
"Pwede ka na pumasok"
Buti na lang dito lang din naman nanganak si Red sa ospital na hawak namin. Wala na magiging tanong kung meron mang kakaiba sa anak namin pero sana wala.
Dahan dahan akong pumasok sa delivery room. Nakita ko siyang nakangiti. Parang walang nangyari. Parang anytime pwede na naman niya akong mura-murahin.
Buhat niya na rin si baby.
"He or she?"
"Lumapit ka naman, kakainin ka ba niya? Titingnan mo lang ang tamad mo naman. "
See? Okay na talaga siya. Sa bagay okay naman talaga siya kahit naman noon ganyan na yan. Kahit noong nagbuntis yan pa rin.
Lumapit ako sa kanya, tinanggal niya yung telang nakabalot sa baby na - Babae. Babae siya and she's the prettiest girl I've ever seen. Mas maganda siya kay Red. Siyempre may halong dugo ko na to.
"Mas maganda siya sayo. Sadnu?" Pang aasar ko sa kanya.
"Hahahaha. Okay lang. She deserves to be beautiful. She's my child" Mahinang sabi niya.
"Our child. Sinarili mo naman na" Pabiro kong sagot sa kanya.
Ngumiti lang siya. The baby made a little sound, yung parang naririnig sa commercial ng diaper. My heart melted. Naiyak ako.
"Ang bading naman, Raven. Iyak talaga" Pang-aasar niya sa akin.
Feeling ko nga may silent na mura yon sa simula, hindi lang niya sinabi kasi nga may baby. Baka biglang "tangina" yung first word niya.
"Anong ipapangalan natin?" Seryosong tanong ko sa kanya.
"Green, gusto ko kasi talagang kumpletohin yung colors sa traffic light." Pabirong sabi niya.
"Ano nga, seryoso? Ayaw mo ba ng Armeria Maritima?" Pabiro ko ding sabi.
Kumunot ang noo niya.
"Scientific name naman yan. Siraulo ka talaga" inis na sabi niya.
The baby slowly open her eyes and we both look at her. Suddenly, umiyak si Red.
Hagulgol.
Iyak na nasasaktan. I hugged her tight.
"She'll be fine. She's perfect. We'll name her after a flower. Iris Lilac"
Tumango lang siya, still crying.
"Tahan na" mahinang sabi ko. Hinalikan ko ang noo niya.
"But her eyes." Sabi niya
"I know I can see her eyes." Sabi ko sa kanya, I wiped her tears. "She's perfect"
Kaya siya umiiyak, kaya siya nasasaktan.
Iris Lilac's eyes, magkaiba ng kulay.
"Her left eye is green and her right eye is violet. Iris Lilac is the perfect name"
Author's Note:
There you have it my dear readers, after 2 years. Na-upload ko na ang last special chapter.
No book 2 but I'll be writing Iris' own story. Keep in touch.
Stigma will not be uploaded anymore.
Iris' story - The Untamed Flower, please check it out
Spread the love!
BINABASA MO ANG
Life of an Extraordinary
ActionIsang babaeng nagngangalang Red na may kakaibang kakayahan lalo na sa pakikipaglaban. Ano ang gagawin niya kapag nalaman niya ang katotohanan sa buhay niya. The reason why she has an special ability. And why is she an extraordinary. April 05, 2014...