Scene 13

13.1K 336 10
                                    

Kinaumagahan ay bumaba muna ako para mag-almusal, nakasabay ko naman si Raven sa kusina. Tumingin siya sa wall clock saka nagsalita.

" 7 Am tayo aalis. " sabi niya sa akin.

Isang oras pa naman bago mag alas syete ng umaga, maihahanda ko pa lahat ng kailangan ko.

Pagkatapos naming mag-almusal ay pumasok na agad ako sa kwarto ko, naligo sa banyo. Sa sobrang pag ooverthink ko ay hindi ko man lang maramdaman na yung heater ang ginagamit ko.

After ko maligo ay pumasok ako sa extention ng kwarto ko, my walk in closet. Sa loob noon ay may kulay itim na aparador. Hindi ko pa nabubuksan to simula ng ibigay ni Papsy noong 15 years old ako.

I never imagined myself opening this cabinet.

Flashback.

" Papsy, para saan yung itim na cabinet? Ang laki laki na ng damitan ko. " sabi ko kay Papsy.

Ehh kasi naman ang aga aga, binulabog ako nung mga nag-deliver na mukhang member ng serpents.

" Red, para sayo yun. Si Raven at Natasha meron ding ganun. Kailangan mo yan kapag naging miyembro ka na ng serpents. " pagpapaliwanag niya sa akin.

Napakamot ako ng ulo, ang kulit talaga ni Papsy. Sinabi ko naman na hindi ako sasali kahit anong mangyari pero ipinipilit pa rin niya.

" Papsy -- " magrereklamo pa lang sana ako pero pinutol niya ang sasabihin ko sa pagsasalita niya.

" Di wag mong buksan, buksan mo na lang kapag talagang kailangan. " sabi niya.

End of Flashback.

At nandito nga ako ngayon sa harap ng itim na cabinet, siguro ito ung tinutukoy ni Papsy na buksan ko na lang kapag kailangan na talaga.

Unti unti kong ibinuka ang pinto ng aparador, sa pinto nun ay may mga baril at kutsilyo.

Rifles, Pistols, Revolvers, pero ang pinaka pumukaw ng atensyon ko ay ang set ng Blackhawk knives. Kung alam ko lang na may ganto sa loob ng cabinet ko, baka binuksan ko agad nung unang dating dito.

Blackhawk knives are made of black pearl, kaya ever since namulat ako sa gantong klaseng pamumuhay ay pinangarap ko talagang magkaroon ng ganitong kutsilyo.

Natigil ako sa pagtitig sa mga baril at kutsilyo ng may marinig akong kumakatok sa pinto. Tinatawag na ako ni Raven kaya nagmadali na ako magbihis.

Agad akong dumampot ng isang undertech concealment shorts na kulay puti, red concealment tank top at caramel colored jacket na umaabot sa hita ang haba.

Isinuot ko ang short at nilagay ang isa sa dessert eagle ko sa gun holster sa bandang likod ng waistband, isinuot ko ang red concealment tank top at inilagay ang isa ko pang dessert eagle sa gun holster sa bandang tagiliran. Kumuha ako ng knives pouch, knives holder at isinuot ang black lace ankle holster. Hinawakan ko muna ang jacket at lumabas ng pinto. Naka abang naman doon si Raven.

" Tara? " tanong niya sa akin, naka pure black siya at hula ko ay marami ring tinatagong armas yan sa damit niya.

" Kukuha ako ng knives sa weapons hall " sagot ko sa kanya, nagtaka siya sa sinabi ko.

" Sigurado ako na lahat ng suot mo galing sa assassin's wardrobe, bakit hindi mo pa kinuha ang knives doon? " tanong niya sa akin.

Nahihibang na ba siya? Ang tanging set of knives na nandoon ay ang Blackhawk knives na hinding hindi ko gagamitin. Umiling lang ako at dumiretso na sa weapons hall. Kumuha ako ng set of knives. Inipit ko sa lace wrist knives holder ang ilan sa mga kutsilyo. Isinuot ko ang jacket, naglagay rin ako ng set of knives sa secret pockets ng jacket. Kumuha na rin ako ng extrang bala ng pistol ko.

Life of an ExtraordinaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon