Hindi ako nakatulog buong magdamag kakaisip sa kung anong klaseng tao ba ako, inumaga na nga ako. Sa pag-ooverthink nga ay nakagawa ako ng listahan ng mga nagagawa ko na hindi nagagawa ng ibang tao.
Una ay ang pagpatay ko noong six years old pa lang ako. Kinukumbinsi ko nga ang sarili ko na nagawa ko lang yun dahil kailangan.
Pangalawa, yung pagiging kaisa isang six headed serpent ko. Ano kayang meron sa Serpents Statue at ganoon ang nilagay niyang tattoo sa akin.
Pangatlo, yung mabilis na paghilom ng mga sugat ko. Kaya nga wala akong kapeklat peklat dahil yung mga gasgas agad nawawala, yung tama ng baril isang araw lang magaling na.
Pang-apat yung sobrang lakas kong makaramdam, alam ko kapag may aatake sa akin, nararamdaman ko rin kapag magtatago ang kalaban. Malalaman ko pa kung saan siya nagtatago.
Panglima, laging sapul ang target ko. Oo, alam kong nagagawa rin yun ng ibang well trained assassin pero iba yung sa akin. I never missed kahit noong sinisimulan pa lang ni Papsy ang pagtrain sa akin.
Pang-anim, yung pagkontrol ko ng bala. Kanina sinubukan kong kontrolin ang bala ng desert eagle. Gaya ng nagagawa ko sa Taurus PT92, parang nakikinig rin ang bala sa gusto kong mangyari.
At yung nangyari kagabi, dahil ba sa akin yun? Iniisip ko na pwede naman talagang mangyari yun dahil sa lakas at taas ng boses, pero sumigaw lang ako kay Raven kanina. Dahil ba sa galit ko? Dahil sa halo halong nararamdaman ko?
" Arrrghh " ginulo gulo ko ang buhok ko saka ko niyakap ang binti ko. Dinukdok ko ang mukha ko sa tuhod ko.
Sigurado naman akong hindi ako normal na tao, pero ano nga ba ako? Or tao ba talaga ako.
Baka cyborg? Prototype? naisip ko pero agad rin naman akong umiling. Hindi ako mukhang robot, saka may dugo ako, may emotion kaya hindi pwedeng cyborg ako o prototype.
Android? umiling ulit ako, hindi porke yung isang android sa Dragon Balls ay napangasawa yung isang character doon eh android na ako? Masyado yata akong nanonood ng anime.
" Red! Open the door! " sigaw ni Papsy habang kinakalabog ang pinto ng kwarto ko.
I ignored it, alam ko naman kung ano ang sasabihin niya eh. It's about me having a check-up sa laboratory ng serpents. He suggested the same idea noong malaman niyang six headed serpent ako.
" Kailangan ka ng matingnan sa laboratory Red. " he said.
See? Tama ako. Tungkol na naman ito sa gusto niyang mangyari.
" Raven, Natasha nasaan ang susi ng kwarto niya? " narinig kong tanong niya.
Hindi ko pa rin pinansin ang mga tao sa labas ng kwarto ko, kampante akong hindi nila mabubuksan ang pinto dahil nasa akin ang susi.
" Nasa kanya yung susi. " I heard Natasha said.
" Bahala na kayo jan " sabi ni Papsy, sa wakas ay sumuko na.
Tinanggal ko ang wristband sa left hand ko. Tiningnan ko ang nakakatakot kong tattoo. What if saksakin ko kaya ito? Babalik kaya sa itsurang ganto?
" Red, kausapin mo naman kami. Baka maloka ka dyan. Sige ka. " sabi ni Natasha habang mahinahon na kinakatok ang pinto.
Napangiti ako, 5 years ago, I remember her saying " Red, minsan nga try mo magkulong sa room mo so I can do this scene. " habang nanonoood kami nung Frozen. I guess nangyayari na yun ngayon, hindi lang siya aware. Hindi pa rin ako nagsalita.
" Tabi nga! " narinig kong sabi ni Raven. I know what he's going to do. Sisipain niya yang pinto.
Just like what I said, biglang bumukas ang pinto dahil sa pwersa ng sipa ni Raven, tapos naglakad siya ng mabilis papunta sa akin, he grabbed my shoulders.
" Ano bang problema mo?! Kakausapin ka daw ni Papsy! " sinisigawan niya ako.
Kung wala akong frustration at kung hindi ako depressed ngayon, sasapakin ko siya at sisigawan pabalik but I did exactly the opposite.
Hinawakan ko ang kamay niya at mahinahon na inalis ang pagkakahawak sa balikat ko, nagulat siya sa ginawa ko, alam kong gusto niyang gawin ko yung normal na routine ko sa tuwing sinisigawan niya ako.
" Raven, I'm tired. Can you please leave me alone? " sabi ko sa kanya at tumingin rin ako kay Natasha, nginitian ko siya kaya tumango siya at umalis na.
Ewan ko kung mababa talaga ang I.Q ni Raven dahil imbis na lumabas, umupo siya sa kama ko.
" Why can't you just follow Papsy? Para malaman natin kung bakit mo nagawa yun? " he calmly said.
Parang noong mga bata pa kami, ganito ang lagi niyang ginagawa sa tuwing nananaginip ako ng masama.
" Would you believe me kapag sinabi kong natatakot ako? " tanong ko sa kanya, ngumiti siya saka tumango.
Is he back? Yung Raven na nakakausap ko ng maayos.
" Naniniwala ako sa'yo. Pinapakita mo lang na sobrang tapang mo pero sa loob mo, natatakot ka pa rin. " he said.
Hinawakan niya yung kamay ko, tapos bigla na lang nag-unahan yung luha ko na kanina pa gustong bumagsak. Laging si Raven ang nakakakita ng weak side ko.
" Gawin mo na yung gusto ni Papsy. " sabi niya. Nakatingin siya sa mata ko. Naaawa siya sa akin.
" Ayoko. Ayokong malaman yung resulta? Paano kapag nalaman kong hindi pala ako tao? Raven, ayoko. Wag niyo na akong pilitin. " sabi ko habang patuloy na lumuluha. Lumapit siya sa akin at niyakap ako. Nagulat ako.
Kailan nga yung huling ginawa niya to. Noong 10 years old ako dahil sa panaginip ko.
" Ano naman kung ganoon ang malaman mo? Atleast alam mo sa sarili mong may puso ka, nakakaramdam ka. Hindi ka man normal, may emosyon ka. Kahit ano ka pa, matatanggap ka naming lahat. Pero kung ayaw mo talaga, okay lang. " hinigpitan niya ang pagyakap sa akin kaya niyakap ko na rin siya. Lalo akong napaiyak, this time humihikbi na ako.
Tumawa siya, yung malutong na tawa. Lakas mang-asar kaya binatukan ko siya.
" Ayan, brutal ka na ulit. Wag mo ng uulitin tong ganto. Ang sagwa kapag hindi mo ako binubulyawan. " kumalas siya sa yakap at tumingin sa mukha ko. Ngumiti siya ng nakakaloko. " Matulog ka na, mukha kang zombie. " sabi niya sa akin kaya binatukan ko ulit siya. Tumawa lang siya saka tumayo. Hinawakan ko yung kamay niya kaya nagulat siya.
" Dito ka muna. Pwede? " tanong ko sa kanya, tumango siya tapos umupo ulit sa kama ko, humiga na ako, nagtalukbong ng kumot.
Susulitin ko ng ganito si Raven. Baka pag-gising ko back to normal na kami pareho. Pumikit ako, saka ko lang narealize na gumaan ang pakiramdam ko. Minsan pala may sense din kausap si hinayupak.
- -
Nung magising ako, wala na si Raven sa kwarto ko. Alas tres na pala ng hapon, lumabas ako sa kwarto ko at hinanap ang mga tao sa bahay pero mukhang wala sila. Baka nasa heasquarters.
Kumain na ako ng almusal/tanghalian/meryenda ko. Habang kumakain ay tumunog ang doorbell ng bahay. Nagtaka naman ako, imposibleng isa sa mga kasama ko sa bahay ang nagdodoorbell. Lumabas ako ng bahay at binuksan ang gate. Nagula ako sa nakita ko, matangkad na lalaki na sobrang gwapo. Wearing the usual look on his face, yung halatang laging handa.
" Larkin? Anong ginagawa mo dito? "
- - - - - - - - - - - - - -
Si KimJongIn si Soul, si Lee Min Ho si Larkin, si Hayden Panettiere si Red. Guys, sino si Raven? Suggestion please.
Btw, dedicated to sa kanya dahil nagrequest sya ng kalmadong scene between Red and Raven. Medyo kalmado na ba?
Hmm bakit kaya nandoon si Larkin?
_chase
BINABASA MO ANG
Life of an Extraordinary
ActionIsang babaeng nagngangalang Red na may kakaibang kakayahan lalo na sa pakikipaglaban. Ano ang gagawin niya kapag nalaman niya ang katotohanan sa buhay niya. The reason why she has an special ability. And why is she an extraordinary. April 05, 2014...