Special Chapter: Courtship?

9.5K 232 31
                                    

It's been 2 months mula nung magising si Raven from his three year coma and I'm so thankful na hindi niya narinig ang ibinulong ko sa kanya that day. Labis labis na kahihiyan yun. Medyo nalungkot siya nung ibinalita ko na maraming nawala sa Serpents lalo na nung sabihin kong namatay si Fox. Nagtanong rin siya if may contact na ako kay Natasha and I said yes pero hindi masyadong connected sa isa't isa kasi gusto kong hayaan siyang maging normal. Bothered siya sa mga death threats na natatanggap ko kahit na puchu puchu lang naman. Ever since magising siya, nagpaka body guard siya.

" Bakit ba kasi kailangan pang tayo ang sumundo sa kanya? Wala ba siyang pamilya! " reklamo ni Raven habang nasa airport kami at iniintay si Larkin. 3 days raw siya dito sa Pilipinas, sa akin nagpasundo dahil may sasabihin raw na importante.

" Ang linaw ng sinabi ko kanina di ba? Sabi ko nagpapasundo sa AKIN si Larkin hindi sa ATIN! Ikaw tong nagpupumilit na sumama tapos magrereklamo ka? Nacoma ka lang maarte ka na. " sabi ko sa kanya.

Hindi pa rin nagbago ang treatment namin sa isa't isa. Consistent ang sigawan at bulyawan namin kapag may hindi kami napagkakasunduan. Balik organization rin siya, medyo nainis siya nung nalaman niya co-founder na si Darkon kasi dapat daw siya yun. Sabi ko eh ang tanga niya tatlong taong natulog, sugapa sa tulog .

Biglang may kumakaway sa gawi namin kaya naman napatingin ako at siya nga si Larkin nga. Bumaboy ata siya ah. Lumapit siya sa amin ni Raven.

" Red, I missed you. " sabi niya akmanh yayakap pero mabilis na iniharang ni Raven ang baril niya sa pagitan namin ni Larkin.

Nagtaas ng kamay si Larkin, yung parang sumusuko.

" Chill. " sabi niya kay Raven saka muling tumingin sa akin na parang tinatanong kung napaano si Raven.

" Normal yan. May mens lang ata ngayon. " biro ko at gaya ng dati kapag napagtutulungan si Raven, nag-aapir kaming dalawa.

Sumakay na kami sa kotse, sa backseat ako sumakay pati si Larkin.

" Tangina?! Ano ko driver?! " reklamo niya ulit.

" Wag kang nagmumura! Baka macoma ka ulit. Sige ka! "

Nagtawanan at nagkwentuhan kami ni Larkin habang nasa byahe, minsan binabara ko rin siya hanggang makarating na kami bahay nila.

" Ano nga pala yung sasabihin mo? " tanong ko dahil naalala ko na.may sasabihin nga pala siya. Tumingin siya kay Raven na kasalukuyang iginagala ang paningin sa loob ng bahay ni Larkin saka siya ngumisi.

" Yung tungkol sa panliligaw ko sa'yo. Kailan mo ba ako sasagutin? Umuwi ako kasi ineexpect ko na sasagutin mo na ako. Im waiting for you to say yes matagal na. " he said seriously, punong puno ng sincerity ang mga yun kaya I looked at him, puzzled.

Ang unggoy na to! Ang sabi sa akin nung isang buwan meron nang nililigawan sa America, reto raw ng Papa niyang medyo baliw tapos ako na naman ang pinagtritripan ngayon.

" Anong ligaw? Sinong nagsabing pinayagan ko siya magpaligaw? Hindi ka pwedeng manligaw. " Diretsong sabi ni Raven. Oiii alert siya.

" Tatay ka?! Tatay?! " pambabara ni Larkin kaya natawa ako. Nahahawa na siya sa mga pambabara ko.

" No, but I won't let you court her. I'm courting her! " bulyaw ni Raven.

Wait. What? Siya nililigawan ako? Kailan pa? Hindi ako nainform.

" So what? I'm courting her too. " Pang-iinis lalo ni Larkin. Now, I get it. Iniinis niya lang si Raven.

" Ako ang nanliligaw sa kanya. Hindi ka na pwede. " sabi ni Raven.

Life of an ExtraordinaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon