Copyright © 2014
Do not copy.
It's not right.
Prologue
Naglalakad ako papunta sa hindi ko alam kung saan suot ang red sleeveless na hanggang tyan lang so malamang labas pusod ko fitted pa toh, at black pants with matching black boots na may killer heels at ang sakit sakit na ng paa ko dahil halos magtatatlong oras na akong naglalakad, hawak hawak ko rin ang black leather jacket na suot ko kanina kaso nainitan ako kaya hinubad ko na. Kaninang umaga pa ako liwaliw at 10 pm na.
Ayoko pang bumalik sa bahay, kukulitin lang ako ni Papsy at ni Ate Natasha na pumasok sa organization tapos eepal lang si Raven, kokontrahin si Papsy at Ate Natasha tapos magsisigawan sila sa harap ko katulad nang nangyari kaninang umaga dahilan para mag walk out ako at magliwaliw.
Tuloy tuloy pa sana ang pagmumuni muni ko kung wala lang mga unggoy na humarang sa dinadaanan ko.
" Hi Miss, masama sa babae ang gabi na nasa labas pa tapos ganyan pa ang suot "
Kung hindi siya mukhang reypis na atat na atat mangreyp baka maniwala pa akong concern siya sa akin.
" Tss. Kuya pwede tumabi ka na lang kasi nakaharang ka sa dadaanan ko " sabi ko sa kanya kaya natawa siya at tumingin sa mga alipores niyang unggoy.
" Yan ang gusto ko matapang , Miss sa suot mong yan at sa oras ngayon alam kong pokpok ka na naghahanap ng customer kaya sumama ka na sakin, babayaran naman kita " sabi niya
Nagpanting ang tenga ko kaya inihampas ko sa kanya yung jacket ko. Lalapit pa sana yung dalawang unggoy niyang kasama pero inunahan ko na, sinipa ko kung saan sila masasaktan, alam niyo na kung saan kaya ayun namimilipit sa sakit yung dalawang unggoy. Lumapit sakin yung leader unggoy nila hinawakan ako sa kanang braso ko, siniko ko siya sa mukha gamit ang kaliwa kaya napabitaw siya sa akin, hinawakan ko ang braso niya saka pinilipit papunta sa likod niya.
" Aaray.. Tama na maawa ka " sabi.nung lalaking mukhang leader unggoy,
Buti na na lang talaga at wala ng tao sa daan bukod sa amin, kung hindi delikado pa ako sa ginagawa kong to.
Nahablot ng isa niyang kasama yung wristband sa kaliwang kamay ko. Lumitaw yung tattoo na pakatago tago ko buti na lang kalahati lang yung nakita niya.
" Pucha " sabi ko saka ko sinapak yung humablot sa kamay ko, bumagsak siya at nagdudugo yung basag niyang mukha.
" Se-ser-pents ka " mautal utal na sabi niya, sasagot pa lamang sana ako ng magtakbuhan sila.
Hindi ako serpents, pero pinipilit ako ni Papsy na ginagatungan ni Ate Natasha na tinututulan ni Raven.
Ang Serpent's Organization ay ang pinakamalaking black organization sa buong mundo at pinipilit akong sumali doon dahil sa kakaiba ko daw na kakayahan sa pakikipaglaban.
Nairita ako ng magvibrate ang phone ko nasa bulsa ko. Nung tinignan ko kung sino ang tumatawag si Ate Natasha pala. Nireject ko lang ang tawag niya.
10 missed calls kay Papsy
5 missed calls from Ate Natasha at nagmumurang 27 missed calls at 38 text from Raven. Hindi ko napansin dahil O.A ako sa pagliliwaliw kanina.
Nagvibrate ulit ang phone ko
Raven Calling..
Dahil napepeste na ako sinagot ko na.
(Red) yun pa lang ang nasasabi niya nakasigaw agad siya.
" Pucha naman, pangalan pa lang nakasigaw ka na. Oo uuwi na ". pagkasabi ko nun ay ibinaba ko na at pinatay ang cellphone ko. Epic ko talaga ngayon pa ako nag off ng phone.
I'm Red, no surname, 20 years old at babae ako, tunog lalaki lang ang pangalan ko.
I am born to be a fighter, I am aware of that. I don't want to kill anyone that's why I don't want to join the organization.
I have a special ability and this is my life.
The life of an extraordinary.
BINABASA MO ANG
Life of an Extraordinary
ActionIsang babaeng nagngangalang Red na may kakaibang kakayahan lalo na sa pakikipaglaban. Ano ang gagawin niya kapag nalaman niya ang katotohanan sa buhay niya. The reason why she has an special ability. And why is she an extraordinary. April 05, 2014...