Scene 9

13.6K 353 13
                                    

Parang nauubos na yung battery nung flashlight na hawak ko, aba madaling araw na hindi pa namin nakikita yung pinakamaliit na bahay, di kaya nagtrip lang si kuya?

Pinapasok kasi namin lahat ng bahay para sigurado, malay ba kasi namin sa sizes ng bahay dito?

Nasabi ko bang tumutungga si Fox ng kwatro kantos ngayon, binalikan pa namin yun para lang makainom siya. Tanggera talaga.

" Napipikon na ako, baka naman inuuto lang tayo nun " inis na sabi ni Raven.

" Sino ba kasi nagsabi na maniwala ka sa sinabi niya? Ikaw lang yung uto-uto dito. " pangbabara ko. Kahit anong pigil ko, kusang lumalabas yan sa bibig ko.

Nakatikim naman ako ng death glare mula kay Raven at Fox.

" Ohh pati na rin daw si Fox uto-uto " ang sama kasi ng tingin dahil sabi ko si Raven lang ang uto-uto kaya sinama ko na rin siya para meant to be sila.

" You're so nakakainis! " sabi ni Fox, hindi ako kumibo, nginitian ko lamang siya ng nakakainis.

" Nagsisimula na naman kayo, ayun oh may bahay doon tara . " ani Raven habang itinuturo ang malaking bahay sa di kalayuan.

Napaface palm ako, bakit ako na-stuck sa dalawang to?!

" Yung totoo Raven, inaantok ka na noh? Hindi mo na kasi iniisip ang sinasabi mo. Maliit daw na bahay, hindi mansyon! "

Napakamot siya ng ulo parang natangahan din siya sa sarili niya. Naglakad lakad pa kami hanggang sa may matanaw kaming bahay.

Parang malaking box lang kung titingnan, may ilaw sa loob pero wala naman akong naaninag na tao.

Dumiretso kami ng lakad papunta sa bahay, nung nasa tapat na kami ng pinto ay nagsalita si Fox.

" I'll go, masyadong maliit ang bahay for the three of us "

Akala ko pa man din siya na lang muna ang papasok, sesenyas na lang kapag may tao sa loob. Kaartehan na naman pala.

Sinipa niya ang pinto para bumukas yun at makapasok siya, sumandal si Raven sa gilid na pintuan at umupo naman ako.

Kaya na siguro nila yan, hindi na ako sasali baka kung ano na naman magawa ko. Pero dahil curious ako sa nangyayari sa loob ay sumilip ako. Nakita ko ang isang lalaki, nanlalaki ang mga mata niya at nakangiti.

SHET! Mukha siyang clown na walang make up. Tsinek ko ang picture na binigay ni Papsy.

No doubt, siya nga yung mukhang clown sa loob ng bahay. Napatingin kami sa loob ng may marinig kaming kalabog.

Si Fox, nakikipagsipaan na naman sa kalaban. Ang hilig manipa nito.

" Why are you making this difficult? I'll just shoot you na so you'll be dead para makauwi na ako " maarteng sabi ni Fox habang nakikipag iwasan ng sipa at sapak sa kalaban.

Tumawa ng parang baliw yung lalaki, nairita si Fox kaya parang nawala ang atensyon niya dahilan para masuntok ang boobs niya.

OO! BOOBS AS IN JOGA! YUN NGA!

" OUCH! " maarteng inda niya, nanlisik ang mga tingin niya.

" WAHAHAHA, PEKE! " humahalakhak na sabi nung lalaki kaya hindi ko napigilang matawa pero agad ko din tinakpan ang bibig ko.

" Son of a bitch! This is not fake! " sabi niya saka hinampas hampas ang lalaki gamit ang baril niya, yung babaeng parang nagagalit sa boyfriend? Parang ganun.

Kaya nahawakan siya nito sa braso at pinilipit papunta sa likod niya.

" Oh ang tanga! May baril naman siya! " sabi ko na lang at tiningnan si Raven " Pumasok ka sa loob, tulungan mo " sabi ko sa kanya.

Life of an ExtraordinaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon