Scene 32

7.8K 231 47
                                    

Binasa kong muli ang nasa screen. Niyukom ko ang mga palad ko. Anong trip ba ang meron sa Shadow na to? Pero mabuti na rin siguro to para magkaalaman na kung sino ba talagang sumisira ng buhay ko.

Habang pinapasadahan ko ng basa yung message, lumapit si Raven sa akin at binasa rin yun. Nagalit siya at tumingin sa akin.

"We need to go." sabi niya sa akin.

Anong 'we'? Malinaw pa sa sikat ng araw na ako lang ang gustong makatuos ng Shadow na yan. Mas gusto ko rin namang ako ang tumapos sa buhay niya e. Aba pinepeste niya ang buhay ko, might as well sirain ko rin ang kanya.

"Ako lang!" I said.

Lumabas ako ng opisina ni Papsy at mabilis na nagkumpulan ang mga tao papalapit sa akin. Artista na ba ako ngayon? Magpapa-autograph ba sila sa akin?

De joke lang, alam ko naman kung bakit sila nagkukumpulan eh. Siyempre lumabas na ako ang six headed serpents with matching hot picture ko pa. Nakakaloka talaga!

Sabay sabay silang nagsasalita. Galit yung iba, yung iba naman natatakot. Sinasabi nilang dapat na patayin ako para maiwas na sa gulo ang serpents. Sinasabi rin ng iba na dapat ay huwag akong patayin dahil malaking weapon ako laban sa Phoenix. Nabwisit na ako sa ingay nila kaya hindi ko napigilan ang sarili ko.

"PUNYETA! MAMAYA NA KAYO MAG-BRAINSTORMING MAY GAGAWIN PA AKO KAYA PARAANIN NIYO KO!" sigaw ko sa kanila.

At parang nangyari ang nakasulat sa bibliya na nahati ang dagat. Ang kaibahan lang, kumpulan ng tao ang nahati para makadaan ako.

Padabog akong naglakad sa gitna, hindi mapigilan ng utak kong mag-assume kung sino ang nasa server room. Binalikan ko lahat ng mga pangyayari at lahat ng yun isang tao lang ang tinutukoy.

Si Larkin...

Siya talaga ang pumapasok sa isip ko. Yung bigla niyang pagsulpot nung nagiging matunog na yung tungkol sa issue na to.

Yung pagtulong niya sa akin sa Boracay at yung pagpilit niya sa plano niya.

Pagkatapos ng insidenteng yun biglang lumabas ang pangalan ni Erin Olivia. Naalala kong Erin ang itinawag niya sa akin, imbento lang daw niya pero nakakapangduda. Nagkataon na ang pangalan na naisip niya ay ang totoo kong pangalan tapos kinagabihan, lumabas ang article na yun sa internet?

Hindi ata tama yun.

Siya rin ang mahilig na magbigay ng mga pa-mysterious na message katulad na lang nung kanina. Kaya siya talaga ang naiisip ko.

May mapapala nga naman siya kapag nalantad na ang pagkatao ko e. NBI agent siya at malaking issue ang kinasasangkutan ng identity ko ngayon kaya siguradong big break to sa kanya.

Naglalakad pa rin ako padabog ng maalala ko ang isang bagay.

Saan nga pala located ang server room?

Ngayon pa ako nabobo! Nagpapadala kasi ako sa galit ko. Buti na lang at merong sakit si Raven na tinatawag na katigasan ng ulo dahil nakasunod siya sa akin.

"Nasaan ang server room?" tanong ko sa kanya, iritang irita ako sa katangahan ko.

"Sa basement." walang emosyong sabi niya kaya naman pumasok na ako sa pinakamalapit na elevator at pumindot papuntang ground floor, sasara na dapat ang elevator pero pinigil yun ni Raven saka siya pumasok sa loob.

"Ang kulit mo talaga!" sabi ko sa kanya.

Tumingin lang siya sa akin, naghahanap ng ewan ko sa mga mata ko.

"Do you have any idea kung sino si Shadow?" tanong niya sa akin.

Ibig bang sabihin nito ay mayroon rin siyang pinaghihinalaan? Baka siya naman si Shadow!

"May hinala ako." sabi ko sa kanya pero parang iba ang reaksyon na nakita ko.

"Magkaibang tao ata tayo ng nasa isip." mahinang sabi niya.

Ting.

Senyales na nasa ground floor na kami, mabilis akong lumabas ng elevator at hinanap ang hagdan pababa mg basement. Nagmadali akong bumaba, nakabuntot pa rin sa akin si Raven.

"Bakit ba sunod ka ng sunod sa akin?" I asked.

"Baka kasi kailangan mo ng tulong ko."

Bakit ko naman kakailanganin ng tulong niya? I want to do this on.my own. Wag nga siyang epal.

"Kaya ko to!" sabi ko sa kanya kaya naman umatras siya.

"Basta nandito ako sa labas kapag hindi mo kaya. Sumigaw ka lang." sabi niya ng matapat kami sa isang metal na pinto.

So dito na ang venue ng meet up namin ng Shadow na yun.

Minamaliit ata ako ng taong to? Nakakalimutan ata niyang ako ang kaharap niya.

"Are you underestimating my abilities Raven?" tanong ko sa kanya habang kinokondisyon ang mga baril ko.

"No. Pero wala akong tiwala sa emotions mo."

Hindi ko pinansin ang sinabing yun ni Raven, binuksan ko ang pinto gamit ang famous code ni Papsy. Yun kasi talaga ang code ng mga secured places ni Papsy.

Unti unting bumukas ang pinto.

"Kapag nakarinig ako ng gunshot. I'll enter. Sana kaya mo ngang patayin si-" I didnt let him finish, pumasok na ako sa loob ng server room at mabilis na sumara ang pinto.

I looked around, madilim ang lugar na ito. May mga parang LED lights ang paminsan minsan na umiilaw, hindi ko sure kung ano ang mga yun. Mayroon ding mga parang switch na whatsoever dahil wala akong paki. I'm not here admire and describe the place. I'm here to kill someone, I roamed my eyes aroung the room and it landed on someone.

Yep. I assumed na may tumatraydor sa akin. But I thought, si Larkin ang kumakalaban sa akin.

"Hi Red." sabi niya, parang ngayon ko lang narinig ang boses na yun pero isang pamilyar na mukha ang nakaharap sa akin.

Madilim man sa loob ng kwarto ay naaaninag ko naman ang mukha niya dahil sa nagbliblink na ilaw sa paligid namin.

Kaya pala sabi ni Raven ay wala siyang tiwala sa emotions ko because the moment I recognized the man meters away from me, parang gusto kong lumabas ng kwartong to at isiping nananaginip lang ako.

"Red, hindi ka ba magsasalita.." pagkatapos niyang sabihin yun ay sabay sabay na umilaw ang malilit na kung ano sa paligi namin kaya nakita ko ang pagngisi niya, natakot ako.

Binaggit ko ang pangalan niya na akala mo ay nauubusan ako ng hangin sa sobrang hina ng pagkakasabi ko.

"So..-soul"

- - - - - - - - - - - - - - - -

Lahat ng naghinala kay Fafa Soul. Siya po talaga si Shadow! Haha. Ang tanong ngayon ay.........

Do you think she can kill him?

_chase

Life of an ExtraordinaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon