" Red, are you sure about this? Baka padalos dalos lang tayo? Ayaw mo bang mailibing muna si Papsy bago gawin ang plano mo? " sunod sunod na tanong sa akin ni Raven.
Nandito pa rin kami sa training room, parehong nakaupo sa sahig at nag-iisip nang kung ano ang tamang gawin. Wala na kasing ibang solusyon na pumapasok sa utak ko bukod sa labang dapat naman talagang mangyari.
" Yun naman talaga ang plano ng Phoenix, ang sugudin tayo. Babaliktadin lang natin dahil tayo ang susugod. " sagot ko sa kanya.
Kung gusto nila ng gulo, ibibigay ko. Sawang sawa na ako sa komplikadong buhay ko kaya naman dapat ng matapos to. Mamatay ang dapat mamatay! Matira matibay!
Nag-angat ng ulo si Raven para tingnan ako sa mata. Normal na muli siya, hindi na nag-aapoy ang mata niya sa galit.
" Siguradong ito na ang inaasahan nilang gagawin natin, napaghandaan na nila to. Can't we think of other move? " sabi niya.
Tumayo ako at pinagpag ang damit ko, kumuha ng dart, hinagis papunta sa dartboard. Bullseye! Paulit ulit kong ginawa yun, nang maubos ang mga dart ay ang mga kutsilyong nakakalat naman ang ginawa kong pantira. Noong tinamad na akong humanap ng kutsilyo, ang dalawang baril ko na ang ginamit ko. Napangunahan ng galit ang isip ko kaya hindi ko.na pinansin pa kung saan tumama ang mga bala. Basta ang alam ko, gigil na gigil akong wasakin ang Phoenix.
" This is all my fault! Kung hindi ako naimbento wala sanang ganito! I want to kill the person.who made me! SANA HINDI NA LANG NILA AKO GINAWA!NAKAKAPAGOD NA! GUSTO KO NG MAMATAY "
Hindi pa ako hihinto kakabaril kung hindi lang hinawakan ni Raven ang braso ko, doon lang ako natauhan.
" Tama na. Kung hindi nila ginawa hindi ka namin makikilala. Red, think of the positive side, hindi ka ba masayang nakasama mo kami? Kami masayang masaya. Lalo ako!" pagpapakalma niya sa akin. Hindi ko napigilan ang pagbagsak ng mga luha kong kanina pa gustong tumulo. Para akong batang humihikbi habang nakatitig sa butas butas at wasak na dartboard.
" I want to die pero bago yun mauuna muna ang pagbagsak ng Phoenix. Nakikita mo ba yan! Ganyan ang gagawin ko sa Phoenix! I'll kill anyone that will get in my way. Kahit sino pa siya! My goal now is to destroy that god damn organization! Wala akong sasantuhin! "
Kahit ako ay natakot sa sarili ko dahil sa mga sinasabi ko. Hindi ko na talaga mapigilan ang galit na nararamdaman ko.
" If you really think this is the right thing to do. I'll support you. " sabi niya sa akin.
Pinunasan ko ang mga luha kong nag-uunahan pa rin sa pagpatak. I tried to get my composure saka ako huminga ng malalim.
" F-fix yourself. Pupunta tayong building to inform them. "
Sabay na kaming lumabas ng training room at nagpunta sa kanya kanyang kwarto para ayusin ang sarili. Ang bilis ba naming magluksa? Hindi! Wala lang talagang puwang sa buhay ng isang mamamatay tao ang matinding pagluluksa. Sa sitwasyong to, kailangan wala muna kaming puso.
Pagkalabas namin ng bahay, automatic na sa motor kami sumakay para mas mabilis makarating sa Serpents. Bungad pa lang ng building ay nakatingin na ang lahat sa pamilyar na motor na gamit namin. Ako lang naman ang may-ari ng ganoong klaseng motor sa Serpents. Pagbaba ko pa lang ng motor ay nakatitig na lahat.
The monster is back.
By the looks of them, yun talaga ang gusto nilang iparating. Hindi naman lingid sa akin na alam na nila ang tungkol sa pagiging original member ko sa Phoenix dahil nitong mga nakalipas na araw ay hindi na naitago nila Raven ang problema dahil na rin sa biglang pagkawala ko.
BINABASA MO ANG
Life of an Extraordinary
AcciónIsang babaeng nagngangalang Red na may kakaibang kakayahan lalo na sa pakikipaglaban. Ano ang gagawin niya kapag nalaman niya ang katotohanan sa buhay niya. The reason why she has an special ability. And why is she an extraordinary. April 05, 2014...