Third Person's Pov
Tahimik sa loob ng opisina. Lahat ay nagulat sa ginawa ni Red. Lumabas siya ng opisina na hindi sinasagot ang tanong.
" I guess, she made her decision. " sambit ni Papsy sa mga nasa loob ng opisina.
Umiiyak lamang si Natasha, si Raven naman ay niyuyukom ang mga palad niya at si Darkon nakangisi na akala mo tuwang tuwa sa nangyayari.
" Let's give her some time. Hindi niyo masisisi si Red sa reaksyon.niya, niloko niyo siya eh. Nilihim niyo sa kanya yung malaking parte ng pagkatao niya."
Lalong humagulgol si Natasha sa sinabing iyon ni Raven dahil tama nga naman siya, kasalanan nila kung bakit ganun si Red.
" Well, well, well mukhang ikaw na ang dehado sa laban Peter, kaya mo pa ba? " pang-aasar ni Darkon kaya sinuntok siya ng malakas ni Raven.
" Lumabas ka! " bulyaw sa kanya ni Raven, ngumisi pa siyang muli bago tuluyang lumabas ng opisina.
" Bigyan niyo ng oras si Red para mag-isip, hayaan muna natin siya ngayon. " sabi ni Raven sa dalawa niyang kasama.
" Huwag mong kampihan si Red! " sigaw sa kanya ni Papsy pero nanatili siyang kalmado.
" Wala akong kinakampihan, nagkataon lang na sa sitwasyong to, ikaw talaga ang may kasalanan. Hindi mo inisip yung pwede niyang maramdaman? For your own sake ginawa mo yun! And you Natasha, I can't believe you can do something like this, alam kong tatay ang turing mo sa kanya pero ang lokohin si Red?! Ang baba mo naman ata. " pagkatapos niyang sabihin yun ay lumabas na siya ng opisina hindi na niya pinansin ang pagsigaw ni Papsy at nagmadaling sumakay sa elevator papuntang lobby, nagbabaka sakali na maabutan pa si Red.
Hindi nga siya nagkamali nasa labas pa ng building si Red nang may biglang tumigil na sasakyan. Nakipag-usap si Red sa driver ng sasakyan saka sumakay.
Gusto mang habulin ni Raven ay hindi na niya itinuloy pa, ano bang magagawa niya?
" Si Larkin na naman. "
Red's Pov
Hindi ko pa alam ang isasagot ko o kung tama ba na sumagot ako kaya lumabas na lang ako. Ang hirap isipin na niloko ako ng mga taong pinagkatiwalaan ko. Ganito ba talaga dapat ang buhay ko?
Sumakay ako ng elevator pababa ng lobby para tuluyang lumayo muna sa Serpents. Wala akong pinili, lalayo muna ako. Gusto ko munang mag-isip.
Pagdating ko sa lobby, diretso lang akong lumakad. Hindi ko na pinansin yung mga nagtatanong kung anong problema, yung mga tumititig. Wala lang. Kumbaga ginawa kong hangin ang sarili ko.
Tumigil ako nung makalabas na ako ng building. Ito na yun, lalayo na ako. Kailangan ko naman talagang gawin to e, hindi lang para sa akin. Para sa aming lahat.
May tumigil na kotse sa harapan ko, alam ko naman kung kanino pero nakakapagtaka talaga na bigla siyang sumusulpot kapag may kailangan ako.
" Sakay. " sabi ni Larkin, hindi naman ako nagdalawang isip kaya sumakay na agad ako. Nag-drive naman agad siya.
" Bakit ka nandito? " tanong ko sa kanya, pero hindi ko siya tinitingnan.
" You need me. " maiksing sagot niya.
" Don't tell me, tracked and bugged pa rin ang gamit ko?! " medyo tumaas ang boses ko.
" What?! Ofcourse not! Concern lang ako sayo that's why I followed you tapos hinintay kita sa labas ng building para makamusta?! Are you okay? " tumingin siya sa mata ko, umiwas ako ng tingin.
" No. " sagot ko sa tanong niya.
" Gusto mo bang ikwento? Makikinig ako. " he said pero umiling ako. Hindi ko pa kasi kayang ikwento sa iba ang nalaman ko. " Ikaw ang bahala. " sabi niya.
" Saan tayo pupunta? " out of nowhere na tanong ko.
" Saan mo ba gusto? " he asked.
" Kahit saan, basta malayo dito. " I honestly answered.
Ngumiti lamang siya at patuloy na nagdrive. Noong marealize ko kung saan kami pupunta ay nagtaka ako.
" Bakit tayo pupunta sa bahay niyo? " Tanong ko sa kanya.
" Kukuha lang ako ng gamit. Wag kang mag-alala ilalayo kita sa problema mo. " tumango naman ako.
Pagkarating namin sa bahay nila ay nanatili na lang ako sa kotse niya, baka kasi biglang makasalubong ko na naman yung adik niyang tatay.
" Sorry to keep you waiting. " sabi niya nung ipasok niya sa backseat ang bag niya saka siya ulit umupo sa driver seat.
" Ayos lang, pwede bang dumaan muna tayo sa bahay, kukuha lang rin ako ng gamit. " sabi ko sa kanya, nag alangan naman siya.
" Sigurado ka ba? " tanong niya na sinagot ko lamang ng tango.
Halos kalahating oras rin ang byahe bago kami nakarating sa bahay. Pumasok ako at dumiretso sa kwarto, nilagyan ko ng damit ang malaking backpack ko, hindi ko rin kinalimutang ang mga baril ko. Bago ako lumabas ng kwarto ko, tinitigan ko muna.
Lalayo muna ako.
Paglabas ko ng pinto ng kwarto ko, nandoon na si Raven. Nagpalipat lipat ang tingin niya sa bag at sa akin.
" Saan ka pupunta? " mahina pero halatang galit siya.
" Hindi ko pa alam. " sagot ko.
" Sinong kasama mo??! " tanong niya sa akin.
" Si Larkin. " maiksing sagot ko, bigla niya akong inambahan ng suntok pero sa pader niya yun pinatama.
" Siya na naman?! Red, nandito naman ako. Sasamahan naman kita! Bakit yun pa?! " madiing sabi niya.
Huminga ako ng malalim, gusto ko rin namang kasama si Raven kasi alam ko hindi niya ako lolokohin kaso lang nag- aalala ako.
" Hindi pwede. Dito ka lang bantayan mo si Papsy at Natasha, ayokong may mangyaring masama sa kanila. " humawak ako sa balikat niya, bigla niya akong niyakap.
" Babalik ka hah. " Alam kong hindi yun pakiusap. Alam ko rin naman na babalik ako.
" Babalik ako. Sandali lang akong lalayo. "
- - - - - - - - - - - - - -
Lame? Sarreh. Busy and stressed eh. Next chapter ay Larkin and Red scenes. LaRed! Magdiwang.
_chase
BINABASA MO ANG
Life of an Extraordinary
ActionIsang babaeng nagngangalang Red na may kakaibang kakayahan lalo na sa pakikipaglaban. Ano ang gagawin niya kapag nalaman niya ang katotohanan sa buhay niya. The reason why she has an special ability. And why is she an extraordinary. April 05, 2014...