Pucha! Help! Help! Yung left hand ko daw! Putulin ko na kaya to. Nakanang MaderPaker naman nitong kano na toh. Sipain ko kaya sa balls? Sabay takbo! Punyemas? Malulusotan ko pa ba toh? O ending na ng story toh? Wait lang naman! Hindi mo pa abutin ng 30 chapters?
"Ma'am let me see your left hand please?" ulit nung lalaking nagsasalita ng nakakanosebleed na language.
"Uhm. I have a scar here and uhh- hindi ko na natapos ang nakakadugong english na palusot ko dahil may humila sa akin pero nag-stop din siya.
"I believe, one hand is enough because the organization only allows one tattoo." sabi nung humila sa akin kaya napatingin ako sa kanya, tumango naman ang lalaking nakablack suit.
Si Soul pala!
Si Soul ang savior ko. Mabuhay!
Kinaladkad niya ako papunta sa rooftop ng building. Oo, as in nilakad takbo namin yun kahit na sandamakmak naman ang elevator dito sa building. Pagkarating namin sa rooftop ay hingal na hingal ako. Aba! Mataas kaya ang building na to at hindi ko na sasabihin kung ilang floor dahil baka hingalin din kayo.
"Kagabi pa yang mga yan dito eh simula nung lumabas sa net yung pangalan nung six headed. Ipinakita ko na yung list ng members na nakaplug-in sa PC ko, wala namang Erin Olivia dito" sabi niya pero hindi naabsorb ng utak ko dahil busy nga ako sa paghabol ng hininga ko.
"Grabe! Buti na lang dumating ka kundi makikita na nila yung-" ako mismo ang pumutol sa sarili ko.
Boba! Sige, ilantad mo sarili mo! Sabi sa akin ng talino-talinuhan kong utak.
"Yung?" pokerface na tanong niya, minsan talaga ang sarap binatin ng mukha niya para magkaroon ng emotion.
"Yung kadiring peklat ko. Eew Yuck!" Sige Red, push mo yang palusot na yan.
"Yun ba talaga?" malisyosong tanong niya sa akin.
Oo naman! Pero hindi talaga. Baka kasi maagang magkaalaman na ako yung six headed serpent tapos magkagulo.
"Eh ano pa ba?" inosenteng tanong ko.
Buti na lang talaga at magaling ako sa mga painosenteng sitwasyon katulad nito.
"I was always wondering kung anong meron dyan sa left wrist mo. Peklat pala." he said saka umupo sa sahig at sumandal sa pader.
Mabuti naman at wala kang balak ungkatin kung anong meron sa kamay ko.
"Oo, ang panget kasi kaya ayaw kong nakikita ng iba." I said tapos umupo ako sa tabi niya.
"Alam mo ba sobrang nag-alala ako sa'yo kasi sa mga nakaraang araw, dalawang beses kang natelevise? Yung una noong may nagtangka kay Sir P tapos kagabi nung namatay yung Bise Presidente, ang kinaiinis ko pa eh kasama mo yung Larkin na yun!" medyo inis na sabi niya pero mahina lang.
Yan ba yung tinatawag na selos? Parang si Raven lang kapag kasama ko siya o kaya si Larkin. Baka nagseselos rin si Raven, malakas kutob ko dati na bading yun e.
"Yung kay Papsy, paano mo nalamang ako yun eh may takip ang mukha ko?" nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Siguro yung mga hindi malapit sa'yo, hindi ka makikilala pero ako kilala kita, at alam kong ikaw yun kahit nakatalikod ka pa." seryosong sabi niya.
Sa bagay, nakilala din naman ako sa bahay. Kaya nga ako pinagalitan.ni Raven eh. Tumango na lang ako sa kanya. Kahit nakatalikod, kilala niya ako.
Kinikilig ka na. Sabi ng malandi kong utak.
Urur, wala ako nun! sagot ng kotrabidang isip ko.
Madalas ata akong nagkakaroon ng intrapersonal conflict nitong mga nakaraang araw. Nabubuang na ata ako.
"Yung kay Vice naman, ako may gawa nun, napag-utusan lang." pagklaro ko sa kanya.
"Nakutoban ko na yan, ang nakakapagtaka pa e bakit hindi ka agad umalis? Inantay mong dumating yung pulis. Na T.V ka pa tuloy"
Narealize ko naman kung gaano ako napahamak dahil sa palpak na plano ni tangang NBI agent. Wala naman na akong magagawa, nangyari na.
"Putapete kasi yung NBI na yun. Kung ano anong naisip, ako naman oo lang ng oo." sabi ko sa kanya, tumingin lang siya sa mata ko.
"Red, pwede ko bang hawakan ang kamay mo?" tanong sa akin ni Soul.
Napatitig lang ako sa kanya, ano na namang pagpapacute at kalokohan toh. Kahit na alam kong action ang genre ng story na toh at naglandi na ako kagabi ay hindi ko talaga mahindian ang nagsusumamong mga mata ni Soul.
Urur.. Nagsusumamo? Di ba nga poker face yan? Sinong inuuto mo Red? Gustong gusto mo talagang hawakan ang kamay niya, gusto mo pa ngang hawakan ang abs niya noong-
Tumigil na ako sa pag-iisip at hinawakan ang kamay ni Soul. Ang landi ko na, nakakainis. Kesa naman mabuang ako kakakausap sa sarili ko.
"Bakit ang seryoso mo?" tanong ko kay Soul, napasampal ako sa noo ko. Lagi nga pala siyang seryoso.
"Hindi kasi maganda ang kutob ko sa mga nangyayari. Baka bukas makalawa bigla akong mamatay dahil sa gulo ng Serpents." sabi niya sa akin kasabay ng paghigpit ng hawak niya sa kamay ko.
Talagang siya pa ang nag-isip nun? Hindi ba dapat ako kasi yung identity ko yung cause ng lahat ng nangyayaring toh? Dapat ako yung natatakot na baka bukas makalawa eh mamatay na ako kasi baka bukas makalawa Red na ang kumakalat na pangalan ng halimaw na sinasabi nila. Hindi na sila sumusugod dito para tingnan ang listahan ng miyembro at isa isahing tingnan ang braso namin? Dahil susugod na sila dito para pasabugin ang buong building.
"De live your life to the fullest. Ganoon naman yun eh." sabi ko sa kanya gamit ang gasgas na linya na yun.
"That's what I'm doing right now. Yung paghawak ko sa kamay mo, parang yun na yung matatawag kong fullest sa buhay ko."
Mga kababayan! Kinilig po ako! At sasagarin ko na ang kilig ko dahil baka nga mamatay na ako.
"Oh de ikaw na ang cheesy. Ang dami mong alam!" sabi ko sa normal mood ko pero deep inside ay kinikilig talaga ako.
Matagal siyang tahimik kaya ganun rin ako. Eh kasi baka wala naman akong masabing matino kapag nagsalita ako. Balahura pa naman ang bibig ko.
"Pwede ko bang makita ang peklat mo?" sabi niya sa akin at akmang tatanggalin ang wristband ko kaya binawi ko ang kamay ko at tumayo.
"Wag na kadiri eh. Babalik na ako sa loob."
Maglalakad na sana ako pabalik sa building ng bigla siyang magsalita.
"Red, if one day, you have to do something you do not want but you need to. Do it. Wag kang maghesitate. Sometimes, it's the best way to free yourself"
Sapul! Sobrang sapul talaga dahil nga itinatago ko ang sarili ko. Nasaan yung pagiging malaya sa buhay ko?
Parang kahit kailan nga ay hindi ako naging malaya. I thought.
Hindi nga ba ay may humahabol sa pamilya ko noon. Parang gusto nila akong kunin sa mga magulang ko.
Tumayo na rin si Soul at lumapit sa akin, hinawakan niyang muli ang kamay ko at ngumiti sa akin.
Yung ganito ^___^
"Live my life to the fullest nga hindi ba?"
- - - - - - - - - - - -
Medyo sabaw. Gusto ko lang makita niyo si Soul kasi wala masyadong shipper ang loveteam nila.
Matatagalan po ang next UD. Back to school na si otor eh.
_Chase
BINABASA MO ANG
Life of an Extraordinary
ActionIsang babaeng nagngangalang Red na may kakaibang kakayahan lalo na sa pakikipaglaban. Ano ang gagawin niya kapag nalaman niya ang katotohanan sa buhay niya. The reason why she has an special ability. And why is she an extraordinary. April 05, 2014...