Scene 3

17.1K 473 38
                                    

Nung matapos na kaming bumili ng kung ano anong ek-ek chuchu, bracelets, bangles, wristbands para matakpan ang six headed serpent sa left wrist ko ay dumiretso na kami sa tattoo artist na kaibigan ni Natasha.

" Natasha, long time no see.. Siya ba yung lalagyan ng tattoo " sabi ng isang lalaking pwede na rin ang itsura, hindi na masama, pagkatapos niyang humalik sa cheeks ni Natasha. Kinilig naman siya, talandi talaga toh. Wahaha

" Oo sya nga, Cris si Red, Red si Cris" sabi ni Natasha habang pinapakilala ako sa kasama niya,

Ngumisi si Cris " Nice name " sabi niya

Natural, maganda yung may gamit ng pangalan.

" Nice meeting you" sabi ko na lang para makausad na kami sa ipinunta namin dito.

Sinimulan niya na nga yung walang kasakit sakit na paglalagay ng tattoo sa right wrist ko, sanay na ako magpaganito syempre meron na ako sa left wrist kakaiba nga lang yung process, malalaman niyo sa susunod na chapter kung panu, and may dragon tattoo ako sa likod ko, pag nagkita tayo ipapakita ko sayo. Wahaha.

Siguro inabot kami almost 30 minutes para matapos niya tapos umuwi na kaming bahay, halos gabi na rin.

Pagpasok ko ng bahay nilapag ko sa sofa yung mga pinamili namin tapos hinagilap ko agad si hinayupak, kilala niyo naman na kung sino yan. Akala ba niya nakalimutan ko na ipapartner ako sa kanya sa lahat ng mission tapos hindi niya sinabi sa akin.

Wala sa sala, wala sa kusina, wala sa library, wala sa office niya... Gulat ka?? Oo may office kaming tig-iisa, para astig kami.

Aba!!!! Saang lupalop kaya nagpunta ang gago. Tama baka nasa kwarto niya. Nagmadali akong umakyat at kinabog ang pinto niya, hindi katok, KABOG!

Bumukas ang pinto at iniluwa nun ang isang mala Adonis na katawan na nakatapis lang ng twalya. PWE!! umay ampotek.

" Ano ba Red, hindi ka ba marunong kumatok?! " sigaw niya sa akin

" Katokin mo mukha mo, bakit hindi mo sinabi sa akin na tayo ang magiging magkapartner sa lahat ng mission na gagawin ko?? Kung hindi lang madaldal si Natasha baka hindi ko pa nalaman " sabi ko sa kanya with matching duro pa yan para mas may feelings.(-_-) sinamaan ko siya ng tingin.

" Binalaan kita di ba?? Sabi ko huwag kang sasali pero ginawa mo pa rin. MAGTIIS KA! " isasara na sana niya ang pinto pero pinigilan ko, halos mawasak yung pinto sa pagkakapigil ko.

" KINAKAUSAP PA KITA! BASTOS NA TO !binalaan mo nga ako pero hindi mo naman sinabi yung rason, kung nalaman ko lang na ganun edi sana pinatay muna kita bago ako pumayag na sumali "

Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko, syempre joke lang yun! Sinabi ko lang para dama niya di ba? Pero kaya ko talagang gawin yung kung gusto ko.

" Akala ko kasi hindi ka naman papayag na sumali kaya hindi ko sinabi " mahinaho na niyang sagot.

Marunong palang matakot ang hinayupak na to, inambahan ko ng suntok pero natigil ako sa pagtili ni Natasha na pinapanuod na pala kaming mag-away.

" IHHH PAAAPSPYY! si Raven at Red nag-aaway na naman " sigaw niya, paulit ulit yun kaya naghanap ako ng maibabato kay Natasha, sa kasamaang palad yung twalya ni Raven ang hinila ko at binalibag kay Natasha.

" SHIT " sabi ni Raven habang tinatakpan yung ano niya tapos sinara niya ang pinto.

Humagalpak ako ng tawa, si Natasha naman mangiyak ngiyak sa pagpipigil ng tawa.

" Raven naman, nakita ko na yan " pang-aasar ko, totoo naman pero bata pa kami noon.

" TANGINA MO, " sigaw niya pero halatang nahihiya siya. Nakita ko kasi yung ano niya.

Life of an ExtraordinaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon