Walang gumagalaw sa aming tatlo, parang pare-pareho naming nakalimutan ang konsepto ng paghinga. Para akong tanga na nakatitig lang sa laser sa noo ni Raven, para akong naestatwa.
Aba! Kahit naman sanay ang mga to na pumatay, iba pa rin ang pakiramdam na wala kang laban at bigla na lang sasabog ulo mo.
Nakatulala lamang si Raven, hindi siya nagsasalita.
" Red! Do something! Baka tuluyan si Raven!! " sigaw sa akin ni Fox.
Tuloy tuloy pa rin siya sa pagsasalita pero hindi ko siya pinakinggan. Inaalam ko kung nasaan ang kalaban, pinapakiramdaman ko ang paligid.
" Hoy gumawa ka nga ng para- " hindi ko tinapos ang sasabihin niya dahil pinahinto ko siya gamit ang palad ko at muling nagconcentrate sa ginagawa ko. Lumingon lingon ako sa kakahuyan, siguradong dun siya nagtatago.
Hinanap ko kung saan hindi normal ang hangin, kung saan may kakaibang paghinga at kung saan may pumapatak na pawis dahil sa pagtutok ng baril na hawak niya!
AYUN! Sa bandang kaliwa ng kakahuyan!
Hinugot ko ang kutsilyo na ninakaw ko kay Babalu kanina. Pinalipad ko ito papunta sa direksyon ng kalaban.
Narinig kong tumama ang kutsilyo sa kung anu man, lakas ng pandinig ko ngayong gabi nakaka AMAZE! Lumingon ako sa dalawa kong kasama, wala na ang pulang ilaw sa noo ni Raven, nakahawak pa siya sa dibdib niya, huminga ng malalim.
Mukhang kawawa si Gago! Ang bad ko ba?! Okay lang.
Si Fox naman, ano pa nga ba?! Todo alala kay Raven, may haplos haplos pa ngang nalalaman.
" Lampungan muna kayo jan ahh, puntahan ko lang yun " -_- walang emosyong sabi ko saka ako naglakad papunta sa pinaghagisan ko ng kutsilyo.
May nakita akong tao at baril na nakasalampak sa lupa, nilapitan ko.
O_O
Napatakip ako sa bibig ko, para akong nasusuka sa nakikita ko. Hindi ko naman gustong ganyan ang mangyari sa kanya, ang gusto ko lang ay mabitawan niya ang baril.
" Red okay ka lang ba?! " tanong ni Raven, nakalapit na pala siya. Hindi ko man lang namalayan dahil masyado akong kinakain ng konsensya ko.
Hinawakan niya ang balikat ko, pero agad kong inalis yun. Tumingin siya sa nakahandusay sa lupa, kahit siya ay nagulat sa nagawa ko. Kilala ko ni Raven, alam niyang hindi ko kakayanin ang mga gantong eksena. Umupo siya sa gilid, ipinikit niya ang mulat na mata ng bangkay at hinugot ang kutsilyo. Umiwas ako ng tingin.
" Okay lang ako. " sagot ko sa kanya, naglakad na ako pabalik sa dalampasigan.
Hindi ko kayang titigan ng matagal ang bangkay kahit na ako ang pumatay. Hindi naman yun ang intensyon ko.
Hindi ko intensyon na sa noo niya tumama iyon at bumaon doon. Kawawa si Babalu, oo si babalu nga yun, bumalik nga sa kanya ang kutsilyo niya pero sa panget na paraan.
Nung makarating ako sa dalampasigan, sinalubong ako ni Fox.
" What happened?! " tanong niya sa akin at for the first time parang matino niya ako kinausap, pero wala ako sa mood na kausapin siya kaya naglakad na ako, hindi ko siya pinansin.
" Hey, I'm talking to you! Wag mo akong talikuran " asar na sabi niya, nakita ko naman na pasulpot na si Raven.
" Fox, hayaan mo na muna siya! " full of authority na sabi niya kahit malayo pa siya.
Hindi ako nagsalita, lumakad lang ako palayo sa kanila, nung hindi ko na sila natatanaw dahil sa mga malalaking bato ay lumapit sa dagat.
Nakita ko ang repleksyon ng mukha ko sa dagat. Habang tinitingnan ko ang mukha ko, naisip ko, ilang beses ko bang tinangkang i-eliminate ang sarili ko sa mundo dahil parang hindi ako normal na tao?
BINABASA MO ANG
Life of an Extraordinary
AzioneIsang babaeng nagngangalang Red na may kakaibang kakayahan lalo na sa pakikipaglaban. Ano ang gagawin niya kapag nalaman niya ang katotohanan sa buhay niya. The reason why she has an special ability. And why is she an extraordinary. April 05, 2014...