Naglakad kami pababa ng building na magkahawak pa rin ng kamay. Pinagtitinginan kami ng tao at medyo naiirita na nga ako. Hindi sa kamay ni Soul kundi sa mga tingin nila. Mga inggetera tong mga palakang toh.
Noong nasa floor na kami ng office ni Papsy, medyo nag-alangan na ako sa holding hands churut namin ni Soul kasi ewan ko? Iniisip ko baka makita ni Raven, magagalit na naman siya sa akin.
Kailan pa ako natakot dahil sa galit niya? I thought.
Oo nga. Napapano ba ako? Hindi ko naman dati iniisip kung magagalit siya or not saka wala akong paki kung ganun ang mangyari.
"Red! Kanina pa kita hinahanap" sabi ni Raven na papalapit sa amin ni Soul, napatingin siya sa kamay namin kaya mabilis pa kay Flash na bumitaw ako.
"Ahh, galing akong rooftop kasama ko si Soul." I explained, sumingkit ang mga mata niya and looked at me as if he wants to kill me.
"Hinahanap ka ni Sir P, may mission daw tayo. I was calling you kaso cannot be reach ka naman." sabi niya.
Lowbat yung phone ko eh, tinamad ako magcharge kagabi. May mission pala, tungkol naman kaya saan?
Killing! Moron. My intelligent part of mind said.
Natural papatay na naman. Sino naman kaya thid time. Tumingin ako kay Soul.
"Hey sige ah, next time ulit. Kailangan na ng expertise ko eh." paalam ko kaya tumango naman siya. Kinaladkad na ako ni Raven.
Parang naeenjoy ata nilang hila-hilahin ako ah. Pag-untugin ko kaya minsan.
Padabog na binuksan ni Raven ang pinto ng office ni Papsy at walang modong hinila ako papasok. Kahit na naiirita ako sa kanya ay ngumiti.pa rin ako kay Papsy.
"Hi Paps." sabi ko at hindi ko napansin na nandun rin pala si Fox. Hindi siya nakatingin sa akin dahil sa left wrist ko siya nakatingin.
"Tinitingin tingin mo? Tusukin ko yang mata mo eh." sabi ko sa kanya kaya naman umirap siya sa akin. Ehh ang epal niya e, makatitig sa wrist ko kulang na lang mag-apoy yun.
"Kanina ka pa namin hinihintay dito, saan ka ba nanggaling?" Papsy asked.
Sasagot pa lang sana ako pero inunahan ako ni hinayupak. Nakakainis talaga, akala mo kung sino!
"Paanong hindi matatagalan eh nakikipaglandian yan." sabi ni Raven, I glared at him. Then I heard Fox murmured something. She called me "flirt".
"Hoy higad! Kung flirt ako, ano ka pa? Kaladkarin? Tigilan mo ko baka gilitan kita!" pagbabanta ko sa kanya.
"Stop that. Let's talk abour your mission." pagsasaway sa amin ni Papsy, saka niya kami inabutan ng tig-iisang black folder.
I opened it at bumungad sa akin ang picture ng tatlong lalaking nakablack. Under ng picture ay description about them. Pero may information doon ang kumuha ng attention ko.
Phoenix Member
Miyembro pala ng phoenix ang target namin ngayon. Na-excite naman ako kaso naisip ko lalo kaming pag-iinitan ng Phoenix.
"Lalong iisipin ng Phoenix na may balak tayong masama sa kanila. Bakit ba natin sila papatayin?" tanong ko, umirap ulit si Fox.
"Here we go again. Tss" inis na sabi niya saka lumaklak ng alak sa kwatro kantos na hindi at nauubusan ng laman, ang lakas ng sapak nito sa ulo.
"Yang tatlong yan, trio ng Phoenix and they are trying to kill you, dahil nga ikaw ang prime suspect sa pagkamatay ng Vice." he explained.
Nagtaka naman ako, paano naman nalaman ni Papsy yun? Parang narinig naman ni Papsy ang tanong sa isip ko.
BINABASA MO ANG
Life of an Extraordinary
ActionIsang babaeng nagngangalang Red na may kakaibang kakayahan lalo na sa pakikipaglaban. Ano ang gagawin niya kapag nalaman niya ang katotohanan sa buhay niya. The reason why she has an special ability. And why is she an extraordinary. April 05, 2014...