Scene 4

15.8K 413 36
                                    

" Nay, bakit ba tayo nagmamadali? " tanong ko kay nanay, kanina kasi pagbalik niya galing palengke tinawagan niya si tatay tapos nag empake kaagad siya.

Paglabas namin ng bahay, nandun na si Tatay may kotse pa. Sumakay agad kami, nung nasa daan na kami, nakita ko may mga kotseng humahabol samin. Yung isang kotse tumapat kay tatay tapos may lalaking nakasalamin na bumaril, nadaplisan si tatay sa braso.

Sumigaw si Nanay saka niya hinugot yung baril sa bulsa niya pinaputukan yung driver ng kotseng tumapat sa amin, tumama sa ulo nung lalaki. Naiyak na ako.Bakit may baril si Nanay, sino yung humahabol samin.

Maya maya may narinig ako sa itaas na parang chopper, sumilip ako sa bintana. Nakita kong may sinabi yung nasa isa pang kotse.

" Sir Positive, EO1 is here. I repeat, the child is here EO1 is here. "

Puro putok ng baril ang sunod kong narinig kaya pumikit ako, pagmulat ng mata ko nakabaliktad na ang sasakyan namin,

" Tumakas ka na, " sabi ni Tatay na nag aagaw buhay dahil sa mga tama ng baril habang inaabot ang dalawang maliit na baril.

Nilingon ko si Nanay pero nakapikit na siya, tinulak ako ni Tatay palabas.

Sumunod ako sa sinabi niya, nakipaghabulan ako sa mga lalaking nakaitim, nagulat ako ng biglang sumabog ang sasakyan ni Nanay at Tatay.

" NAY! TAY! " sigaw ko saka ko pinagbabaril ang humahabol sakin nakita ko kung paano sila bumulagta kaya tumakbo ako ng mabilis para tumakas.

" SHIT " napabalikwas ako sa kama, tsinek ko kung nasa ilalim ng unan ko ang pares ng baril ko. Yung baril nga ito na galing kay Tatay, itinago ko.

Matagal tagal na rin nung huli ko napanaginipan yun, puta naman bakit kaya napanaginipan ko na naman.

Yun yung ala-ala na binubura ko sa isip ko, memories na dapat ay hindi ko na iniisip pa.

Ang hirap tanggapin na namatay ang magulang ko sa harap ko nang hindi man lang naipapaliwanag kung bakit may humahabol samin, at lalong masakit isipin na sa edad na anim na taon ay nakapatay na ako, hindi lang isa.

Putangina ! Ayokong maalala.

Bumangon ako agad at naligo para naman umayos ang pag-iisip ko, pagkatapos kong maligo ay hinanap ko ang isa pang ala ala ng magulang ko sakin, yung kwintas na bala ng baril ang pendant.

Nakita ko na nakaipit yun sa isang photo album, yung album na ibinigay sa akin ni Papsy nung 18th birthday ko.

Nakita ko ang isang picture nung palaboy pa ako, ito yung may humabol na naman sa akin na tinutukan ko ng baril ng pabaliktad, ung pinky finger ko yung kakalabit sa gatilyo

(A/N: Sa may kilala kay Death The Kid, ganun din ung paghawak niya)

Flashback

Tumatakbo ako ng mabilis para takasan yung panget na humahabol sa akin, putek isang bala na lang ang meron sa parehong baril ko, ayokong masayang dahil lang sa panget na to.

" Bata, pinahihirapan mo ako, sumama ka na lang, malaking pera ang katumbas mo " sabi ni kapreng panget.

Hindi ko naintindihan ang sinabi niya. Tumakbo lang ako hanggang makaakyat ako sa isang puno, hinintay ko siyang tumapat sa puno saka ko tumalon sa likod niya, kinagat ko yung balikat niya, hinawakan niya ako sa buhok pero bago pa niya mahigpitan ay nag backflip na ako sabay hugot sa baril ko at tinutok ko sa kanya.

Natawa si kapreng panget, akala siguro laruan lang ang hawak ko.

" Bata, akala mo matatakot mo ako sa baril barilan mo. "

Life of an ExtraordinaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon