Dalawang araw na simula nung mangyari yung kalokohan ni Darkon sa opisina ni Papsy. Halos dalawang araw din akong- no, let me correct that.
Dalawang araw na KAMING hindi makapag-isip ng maayos. Si Papsy, si Raven, si Natasha at ako, sa nakalipas na dalawang araw ay bihirang may mangyaring conversation sa aming apat.
Medyo nag-lie low naman na sa internet world ang tungkol sa existence ng six headed serpent, maraming hindi naniwalang mga inosenteng tao. Ang problema na lang namin ngayon ay ang mga miyembro ng Serpents at ang Phoenix Organization.
May problema pa pala, noong isang linggo ko pa napapansin na may mga batang tumatambay sa tapat ng bahay namin.
At kapag sinabi kong bata,
Bata talaga.. 10-13 years old.
Nung isang araw nga batang babae ang nakita ko, kanina naman batang lalaki. Hindi ko alam kung nagkakataon lang yun o talagang merong nagpapabantay sa akin.
Hindi ko pa nga nasasabi kay Papsy ang tungkol doon pero sasabihin ko rin naman kapag pwede na, kapag hindi na lutang yung pag-iisip niya.
Nandito ako ngayon sa kusina nagla-lunch, wala pa nga akong ligo kaya mukha akong zombie.Puyat kasi ako gabi gabi, binabasa ko yung mga articles na kumalat sa internet. Buti na lang talaga at walang pangalan na nabanggit doon. Kaso naisip ko, paano kung inuunti unti lang niyang ilabas ang mga impormasyon na nalalaman niya.
Umiling iling ako sa naisip ko.
" Hoy, bakit ka umiiling? " tanong sa akin ni Raven. Kakain na rin siguro siya kaya nandito siya.
" Anong pake mo? "
Hindi na siya nakasagot dahil biglang sumulpot si Natasha papalapit sa amin.
" Guys, sa study room daw ni Papsy after niyo kumain " sabi niya sa amin tapos umalis na siya papunta sa study room.
Binilisan naman namin ni Raven ang pagkain. Pareho naming gustong malaman kung ano ang sasabihin ni Papsy dahil nga sa dalawang araw na nakalipas ay ngayon lang siya nagpatawag ng meeting.
Pagkatapos naming kumain ay dumiretso agad kami sa study room. Nakaupo na si Natasha sa isang upuan sa harap ng desk ni Papsy, umupo ako sa tapat niya. Raven remained standing dahil dalawa lang ang upuan.
Bago nagsalita si Papsy, huminga muna siya ng malalim.
" Aware tayong lahat na hindi na gaanong napag-uusapan ng publiko ang tungkol sa'yo, Red. " sabi niya ng nakatingin sa akin, tumango namam kaming tatlo. " Pero hindi dapat tayo maging kampante, malamang ay inuunti unti lamang ng hacker na ilabas ang mga impormasyong hawak niya. " pagpapatuloy niya.
I nodded. Just what I thought.
" Isa pa, napansin niyo bang madalas na may bata sa tapat ng bahay kapag umaga. Hindi ko alam kung sino ang nag-uutos sa kanila pero sigurado akong may nagpapabantay sa isa sa atin. "
Ang kaninang nakayuko na si Raven ay nag-angat ng ulo, gusto niyang magsalita pero hindi niya itinuloy.
" Napag-isipan ko na rin ang sinabi ni Darkon, tama siya. If we keep acting like we're bothered, maghihinala sila. So I want the three of you to act normal. Natasha, dito ka na muna sa bahay. " sabi niya.
Napabusangot naman si Natasha, hindi pa rin kasi siya nabibigyan ng misyon after nung nadukot siya.
" Red and Raven, I'm giving your group a mission. Fix yourselves and meet me at the headquarters. "
With that, sumenyas na siya na pwede na kaming lumabas kaya yun ang ginawa namin. Pagkasarado ng pinto at nagsimula ng magdabog si Natasha.
" Nakakainis! He's treating me like a baby! I want to stab someone's pe- "
BINABASA MO ANG
Life of an Extraordinary
ActionIsang babaeng nagngangalang Red na may kakaibang kakayahan lalo na sa pakikipaglaban. Ano ang gagawin niya kapag nalaman niya ang katotohanan sa buhay niya. The reason why she has an special ability. And why is she an extraordinary. April 05, 2014...