.. Everytime I find a war against the mirror..
.. I can't take the person staring back at me..
.. I'm a hazard to myself..
.. Don't let me ge-..
( HELLO RED! NASAAN KA NA BA?? IKAW NA LANG HINIHINTAY DITO MAY ASSIGNMENT TAYO NGAYON )
Sigaw ni hinayupak sa kabilang linya, napatingin ako sa wall clock.
" Shit.. Oo pupunta na ako " sagot ko tapos ibinaba ko na ang tawag.
10:00 am na, ang usapan ay 9:30.. Puchaa naman late na ko. Bobo ko minsan nuh.
Isang linggo na mula ng mapakilala ako sa Serpents, okay naman ang turing nila sa akin doon bukod sa trato ni Darkon at Fox, ito nga ang una kong assignment tapos late ako ..
Tsk.
Tsk.
Wala pang five minutes ay tapos na akong maligo, hindi namili ng damit kung ano yung una kong nadampot yun na.
T-shirt at Pantalon lang, hindi na rin ko nagsapatos, slippers na lang.
Guns?
Check!
Bag?
Check!
Extra Damit?
Check
Nang makumpleto na ang gamit ko ay pinaharurot ko na ang sasakyan ko.
Hindi na ako pinigil ng guard ng magdirediretso ako. Humahangos pa ako ng marating ko ang opisina ni Papsy.
" Red, andyan ka na pala maupo ka " kalmadong sabi ni Papsy
Si Papsy ang magpapaliwanag ng buong plano, kasama ko si Raven at si Fox na lumalaklak na ng kwatro kantos.
Oh well, baka yun ang way niya so she'll be fired up for this mission.
" So pa VIP! " sabi ni Fox na may kasama pang irap,
Gusto ata ng sapak??!
Si Raven naman, hulaan niyo nga ang ginagawa??
TAMA! Nakatingin ng masama! Anong bago?
" Ang target niyo ay ang prime suspect sa mga nagaganap na pagpatay sa mga politiko nitong nakaraang dalawang buwan " pagpapaliwanag ni Papsy.
Tumango tango naman ang dalawa kong kasama kaya ganun din.ang ginawa ko, baka yun talaga ang isasagot sa ganitong sitwasyon.
" Sa huling pagpapasunod ko sa kanya ay nagpunta siya sa isang isolated island sa bandang Leyte, ito ang picture niya baka kailanganin niyong masiguro ang itsura niya. Bawal kayong mandamay ng ibang tao bukod sa target at sa mga guards niya, kung meron man."
Sabi niya at inabot sa akin ang litrato, nasa larawan ang isang lalaking hindi naman katandaan ang itsura.
" Anong pangalan niya? " tanong ko
Tumingin silang tatlo sa akin, anong mali sa tanong ko.
" Such a newbie.. Tss.. We don't need to know his name, it's not important " sabi ni Fox na ngayon ay nakakapit na naman kay Raven.
" Whatever " simpleng bara ko.
Tumayo na si Raven, matic naman na tumayo si Fox kaya nakitayo na rin ako.. Pansin nyo? Gaya gaya ako.
" Raven, ang jet ang maghahatid sa inyo, bawal kayong bumalik dito hangga't di napapatay ang target. " sabi ni Papsy, tumango naman si Raven
Nagulat ako.
" Ang sabi niyo kanina suspect lang yun??? Bakit papatayin? Hindi naman ata tama yun? " takang tanong ko.
Umiling lang si Papsy. Disappointment, yun ang nakita ko sa pag-iling niya.
" You know what? If you don't want to do this then don't! Binayaran tayo para pumatay. Kung sino man yung nag-utos, he ordered to kill that man kaya wag ka magreklamo! " halata ang pagkairita sa boses ni Fox habang itinuturo ang litrato na hawak ko.
" Tama na yan, makakaalis na kayo " sabi ni Papsy para matigil na ang galing galingan na si Fox
Sa bagay, hindi naman kailangang ako ang pumatay. Ayos na siguro na tumulong ako.
Nung papasakay kami ng jet ay nagsalita si Raven.
" Wag kayong magbabangayan kapag nandun na tayo, hindi makakatulong sa atin yun at dagdag pa sa iisipin "
Inirapan ako ni Fox.
" Hanep! Nag-iisip ka na pala. " pambabara ko sa kanya.
Niyukom niya ang mga palad niya at tumahimik na, umupo sa tabi niya si Fox. Ako ay sa malayo sa kanila umupo.
Nang makarating kami sa isla na halos inabot ng apat na oras ang byahe, traffic sa ere ehh, nag iinarte na si Fox.
" Duuh this island is so huge?! How are we argh - going to find that stupid man!! " sabi niya habang hinahampas ang hita niya dahil sa kagat ng lamok.
Magsuot ba naman kasi ng super shorts. Ampupu.
" Napaka arte mo noh? Bakit ka ganyan? Bakit kasi shorts suot mo? Shunga ka? " pang-iinis ko.
Don't start. Raven mouthed.
Nagtatanong lang naman ako na may halong pang-iinis. May masama ba doon?
" You're so epal talaga noh?! Raven, why is she with us anyway?! I hate her.! "
" You're so epal nye nye. I hate you more " ginaya ko siya pati ang maarte niyang boses.
Tumawa si Raven, sinong nagbigay ng karapatan sa kanya na tumawa?!
Explain nyo nga?!
" You're just insecure. Kapag napahamak ka dito hindi kita tutulungan. " sabi ni Fox tapos nagwalk out papunta sa kakahuyan.
" Hindi ko kailangan tulong mo, ang panget mo! " pahabol na sabi ko bago siya tuluyang mawala sa paningin ko.
" Ang cute mo, " sabi ni Raven kaya nagulat ako.
" Ulul! " sabi ko sa kanya
Sinamaan ko siya ng tingin kaya tumigil na siya sa kakatawa.
Feeling nila summer vacation to?! Haler?!!! May papatayin kaya kami na marunong din pumatay.
" Oy! Ano ng gagawin natin? " -_- cold na sabi ko
" Lilibutin ang isla. " kalmadong sagot niya.
" Gago ka ba?? Malawak toh?! Aabutin tayo ng syam syam kung lilibutin natin toh. "
" Kahit gaano pa katagal okay lang, wala naman tayong deadline basta mapapatay natin yang lalaki sa picture. " sagot niya sa akin
Oo nga, napansin ko wala kaming deadline, basta hindi pwedeng bumlik hangga't di napapatay ang lalaki.
Tumingin ako kay Raven at may inilatag siyang kung anong papel.
" Ano yan? " tanong ko
" Mapa nitong isla, inabot sakin ni Papsy kanina nung late ka. "
Lumapit ako para tignan ang mapa, nakita kong tatlo pala ang mapa para sa akin at kay Fox yung dalawa. May binibilugan si Raven sa mga mapa.
" Maghihiwahiwalay tayo para puntahan yang mga nakabilog jan, yan kasi ang posibleng hide out ng target. Kapag nakita mo ang target contact us, agad. Ganoon rin ang gagawin namin. "
Sasagot pa lamang sana ako ng may marinig kaming dalawang magkasunod na putok ng baril sa direksyon ni Fox.
Kasunod ng pagputok ay ang matinis na sigaw.
" AAAAAAAAAAHHHHHHHHH "
-------------------------------------
Sa next update pa pala yung bakbakan._chase
BINABASA MO ANG
Life of an Extraordinary
AzioneIsang babaeng nagngangalang Red na may kakaibang kakayahan lalo na sa pakikipaglaban. Ano ang gagawin niya kapag nalaman niya ang katotohanan sa buhay niya. The reason why she has an special ability. And why is she an extraordinary. April 05, 2014...