Pagkamatay ng monitor ay mabilis na lumakad ako palabas ng server room at umakyat sa lobby. Nagmadali akong sumakay sa elevator papunta sa floor ng office ni Papsy. Sigurado namang nandoon siya, mas mabuti na rin kung nandoon si Natasha at Raven para naman kung sakaling may tinatago sila, malalaman ko na base sa reaksyon nila.
They better give me an explanation about this. Hindi ko alam kung bakit naniniwala ako kahit na kalabang grupo ang nagsasabi. Pwede namang sinisiraan niya lang sa akin sina Papsy o kaya parte to sa plano nilang pagpapabagsak sa Serpents. Nararamdaman ko kasi na tama yung kung sino mang kausap ko kanina.
Sa 3rd floor, bumukas yung elevator may sasakay sana pero noong nakita ako eh hindi pumasok pa. Scared? Malamang talaga. Ganun din ang nangyari sa iba pang floor na hinintuan.
Nakasalubong ko si Fox, umirap siya. Napangiti ako, kahit anong rank ko sa organization hindi siya natatakot. Nakakatuwa naman dahil may isang taong hindi nabago ang pakikitungo sa akin.
"You think I'm scared? Kahit pa 10 headed serpents ka, I don't care." she said habang nilalagpasan ako.
"I know. Kasi likas na papansin, epal at makapal ang mukha mo." I said then I entered the office.
Kung siniswerte ka nga naman, nadatnan ko ang tatlong taong kailangan ko talaga sa loob ng opisina. Gulat na gulat si Natasha at Papsy sa pagpasok ko pero si Raven, nakayuko lang.
Awkward....
Pero hindi ang pag-iinarte niya ang ipinunta ko dito. Kailangan nilang sagutin ang mga tanong ko para maliwanagan na ako.
"Sino ba talaga ako?" I asked kahit na alam kong mukha akong tanga.
Doon naman talaga dapat magsimula, kung sino ba talaga ako? Nakakatawa man isipin na itinatanong ko to sa ibang tao, kailangan talaga e.
"Red? What are you talking about. Ikaw si Red, six headed serpent" Sabi ni Natasha.
Hindi ako tumingin sa kanya, lumakad ako palapit sa desk, tumingin kay Papsy at dinabog ang mesa.
"Sino ako 14 years ago!?" diniinan ko ang bawat letra
Parepareho silang nagulat. Ako rin naman nagulat. I never expect na itatanong ko ito kasi makakadagdag lang ito sa confusion sa pagkatao ko. Sana lang sa sagot na to, malinaw na sa akin lahat.
"Bakit sa amin mo itatanong? Red, wala kaming alam sa past mo, tunay mo ngang pangalan kailan lang namin nalaman." sabi ni Papsy tumango tango lamang si Natasha, tensyonado ata.
Sa reaksyon nila, lalong lumakas ang kutob ko na may tinatago sila. Nagiging defensive si Papsy.
" Wag tayong maglokohan. Kung may itinatago kayo sa akin, mag aminan na tayo! Kung sakali mang may mamatay sa atin, atleast wala tayong dalang sikreto!" napataas na ang boses ko dahil mukhang wala talaga silang balak na sabihin ang dapat.
Paano nga naman kapag walang dapat sabihin? Ginagago ka lang ng Phoenix! Uto uto ka naman.
" Papsy...." sabi ni Natasha kaya naman napatikhim si Papsy.
Mukhang may alam talaga sila. Bakit ba hindi na lang nila sabihin para hindi na sila naglilihim.
" Umamin na kayo. " Sabi ko.
Huminga ng malalim si Papsy at tumingin kay Natasha. Tumango naman si Natasha.
"Red, hindi ko maipapaliwanag ang tungkol sa mga humahabol sayo noon. Ang kaya ko lang sabihin ay kung bakit namin itinago ang tungkol sa'yo."
Lahat kami tahimik na nakikinig, ang hilig talaga mambitin ni Papsy kaya lalong nakakainis.
" Noong palaboy ka, malaki ang perang nakapatong sa ulo mo. Willing na magbayad ng bilyon ang mga humahanap sayo para lang maibalik ka sa kanila. Noong makuha kita sa kalsada, hindi ko pa alam ang tungkol doon hanggang sa makita namin ang mukha mo sa telebisyon. Dahil sa curiousity, inalam namin kung bakit ang laki ng reward sa makakahanap sayo."
Tumigil siya sandali, tumingin kay Natasha. Si Natasha naman ang nagsalita.
" Kasabay ng anunsyo sa tv tungkol sayo, nakalap din namin sa Phoenix na may hinahanap sila and they call it EO1 " sabi niya looking directly sa mata ko. " Malakas ang kutob namin na ikaw at ang EO1 ay iisa, tinago ka namin, some of you face' features ay binago namin para hindi ka nila makilala and it worked kaso nga biglang nagleak ang tungkol sayo so we started to panic. "
Unti unti nang lumilinaw sa isip ko ang nangyari, kaya pala EO1 ang tawag sa akin nung lalaking humahabol sa amin noon, kaya pala EO1 ang tawag sa akin nung lalaking kausap ko kanina.
"Bakit niyo nilihim sa akin?" I asked.
May hinala na ako kung bakit, kinukumbinsi ko lamang ang sarili ko na hindi talaga yun ang dahilan nila. Baka may mas okay na reason, yung reason na hindi ako masasaktan.
Sabay sabay kaming napatingin sa pinto ng bigla yung bumukas, inantay namin kung sino ang papasok.
"They took you for granted." maiksing sabi niya.
"Darkon!" sabay sabay naming sabi.
" Huwag kang mangeela- " galit na sabi ni Papsy pero pinigil ko siya gamit ang kamay ko.
"Let him talk." sabi ko kay Papsy saka ako ulit tumingin kay Darkon. " Anong ibig mong sabihin amoy lupa? " naiinis na sabi ko, ngumisi siya.
" Red, alam kong alam mo ang ibig kong sabihin." mabilis akong naglakad palapit sa kanya, kwinelyuhan ko siya.
" Ipapaliwanag mo o ihahagis kita! " sabi ko pero ngumisi lang siya, walang takot.
" Hahaha.. Bakit sa tingin mo pinipilit ka ni Peter na sumali sa Serpents? Dahil nakita ni Peter na advantage ka ng Serpents laban sa kabilang grupo. Ano nga naman ang sasabihin ng Phoenix kapag nalaman nilang kinakalaban sila ng sarili nilang eksperimento? Parang ang dating eh Phoenix mismo ang nagpabagsak sa grupo nila. Oo Red, secret weapon ka nga ng Serpents. Ang kaibahan lang, gagamitin ka laban sa mga umimbento sayo. "
Hindi na ako nakapagpigil kaya nasuntok ko si Darkon, tumawa lamang siya. Binalik ko ang atensyon ko sa tatlong kausap ko kanina.
"Totoo ba!?" sigaw ko sa kanila pero walang sumagot. " Totoo ba!? " ulit ko, sabay na tumango si Papsy at Natasha, kay Raven ko naman binaling ang tingin ko. " Alam mo ba ang tungkol dito?! " tanong ko sa kanya habang dinuduro siya, umiling lamang siya. I was relieved, atleast hindi ako niloloko ni Raven.
"Red, I'm so sorry kung tinago ko to sayo. Ayoko kasing magalit ka. I'm sorry." sabi ni Natasha, tinatakpan niya ang mukha dahil umiiyak siya. Hinintay kong humingi ng tawad si Papsy but it never came.
Para akong sinampal na " Huh! Weapon lang ang tingin niya sayo! " . Tanginang buhay nga naman kung buhay talaga ang tawag dito.
Si Natasha at Papsy lamang ang may alam. What do I expect? Sila lang naman ang sobrang close. Ang nakakapagtaka eh bakit parang ang daming alam ni Darkon.
" Paano mo nalaman ang tungkol dito? " tanong ko sa kanya.
" Let's just say alam ko talaga lahat pero pinili kong manahimik. Nakaka-entertain kasing makita ang mga reaksyon niyo kapag nabubulgar na lahat. Gaya na lang ng reaksyon mo ngayon. Mukha kang aping api." sagot niya sa akin. Naglakad si Papsy papunta sa bintana. Ang kapal ng mukha niyang hindi magsalita eh lahat to pakana niya.
" Sana sinabi niyo na lang sa akin malay niyo naman makumbinsi niyo ako na grumupo sa inyo! " galit na sabi ko.
Tanga na kung tanga pero nag-aantay talaga ako na humingi siya ng tawad sa ginawa niya. Lalabas na dapat ako ng pinto ng biglang nagsalita si Papsy, nanlamig ang buong katawan ko sa tanong niya. Iba pala talaga kapag nasa sitwasyon ka na.
" Now Red, I'm letting you choose. Serpents or Phoenix? "
- - - - - - - - - - - - - - -
Ito lang napiga ko sa utak ko Guys. Sa mga somehow nakuha yung concept ng reality kay Red. Palakpakan.
_chase
BINABASA MO ANG
Life of an Extraordinary
ActionIsang babaeng nagngangalang Red na may kakaibang kakayahan lalo na sa pakikipaglaban. Ano ang gagawin niya kapag nalaman niya ang katotohanan sa buhay niya. The reason why she has an special ability. And why is she an extraordinary. April 05, 2014...