Scene 17

11K 301 26
                                    

Kahit gabi na ay pumunta pa rin ako ng building, madaling araw pa naman ang uwi ni Papsy kaya siguradong nandito pa siya. Kailangan ko siyang makausap, itatanong ko kung bakit niya itinago ang mahalagang impormasyon tungkol sa target ko kanina.

Pwersahan kong binuksan ang pinto ng opisina ni Papsy, ni hindi nga ako kumatok. Parang may mali sa nararamdaman ko. Hindi ako sigurado kung nagagalit ba ako o nakokonsensya lang ako sa ginawa ko.

Kaya pala,

Kaya pala simula pa lang ay hindi na maganda ang kutob ko sa mangyayari, hindi ko pala talaga magugustuhan ang magiging resulta nito.

Dahil sa padabog kong pagbukas at sara ng pinto ay napatingin sa akin ang kasalukuyang nag-uusap na si Raven at Papsy. Lalong kumulo ang dugo ko dahil naalala ko ang kaepalan ni Raven kaninang umaga.

" Red, " Raven said, acknowledging my presence. Kay Papsy ako tumingin ng masama and by the looks of him, alam niya kung bakit ganito ang reaksyon ko sa pagpasok sa opisina niya.

" Raven, lumabas ka muna. " maawtoridad na sabi ko sa kanya pero parang wala siyang narinig.

" Pero may pinag-uusa- " hindi ko na hinayaang matapos ang sasabihin niya.

" Lu-ma-bas ka mu-na! " sabi ko na may kasamang diin sa bawat syllables. Lumabas naman agad siya.

Ayokong sumigaw dahil baka lalo lang akong magalit, baka kung ano pa ang magawa ko.

" I guess your mission was a success. " nakangiting sabi niya.

Natulala ako sa kanya, parang hindi si Papsy na nakakabiruan ko ang nasa harap ko ngayon. Parang isang walang pusong nilalang. Nadadala lang siguro ako ng emosyon ko.

Alam niyang galit ako pero paano niya pang nagagawang ngumiti? Alam niya rin ang dahilan kung bakit ako galit, nahahalata ko sa mata niya pero bakit parang masaya pa siya na may hindi siya sinabi sa akin.

" Ikaw! " sabi ko sa kanya habang tinuturo ko siya " Hindi mo sinabi sa akin na may anak pala ang target ko! Bakit? Bakit itinago mo ang bagay na yun! " singhal ko sa kanya.

Masyado siyang kalmado na parang walang mali sa ginawa niya, ano nga ba kasi ang mali doon? Wala naman talaga pero parang hindi kasi tama yun sa persepsyon ng utak ko.

" Hindi naman importante ang detalyeng yun Red ang mahalaha ay nagawa mo na ang inutos. " he calmly answered.

Hindi importante? Paano niyang nasasabi ang mga yun?

" How can you say something like that? Hindi mo man lang ba naisip na naranasan ko rin mawalan ng magulang! Alam ko kung anong pagdurusa ang mararamdaman ng batang yun dahil sa pagpatay ko sa nanay niya. " I said. I was holding back my tears, ayokong magmukhang mahina.

" Alam ko yun Red, kaya nga hindi ko sinabi sa'yo ang tungkol doon dahil alam kong hindi mo gagawin ang misyon. " pagpapaliwanag niya sa akin.

Lalo lang akong naguluhan, kung hindi lang si Papsy ang kausap ko ay baka nasapak ko na. Alam naman pala niyang hindi ko gagawin, sana sa iba na lang niya inutos.

" Why me? Sana sa iba na lang Papsy. Akala mo ba hindi ko malalaman na may anak ang pinatay ko? Papsy, narinig ko yung sigaw niya, narinig ko ang iyak niya. Papsy bakit? Hindi ko maintindihan! Sa sobrang simple ng misyon na yun, kahit one headed serpent ay kayang gawin yun pero bakit kailangang ako pa na nakaranas nun! "

Malinaw na sa akin ang nararamdaman ko, nakokonsensya ako sa ginawa ko. Parang naging unfair ako sa anak nung pinatay ko. Nakita ko ang sarili ko, lahat ng naramdaman ko nung mawala ang magulang ko ay biglang bumalik kaya lalong bumigat ang pakiramdam ko.

Life of an ExtraordinaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon