Dalawang araw na simula noong insedente sa loob ng server room. Hindi ko pa rin matanggap na ako ang gumawa nun sa kanya kaya paulit ulit kong naaalala ang mga nangyari.
Hindi ako lumalabas ng kwarto ko kahit na kumakatok sila sa pinto. Hindi nga rin ako kumakaen, dalawang araw na akong nagmumokmok sa kwarto ko.
Nare-replay sa isip ko yung huling sinabi ni Soul.
I'm sorry kasi kailangan niyang gawin lahat ng yun para sa Phoenix, sorry kasi siya yung dahilan ng mga gulo ngayon sa buhay ko.
I love you...
Kapag naaalala ko yun, naiiyak ako. Hindi ko kasi alam kung bakit kailangang sa amin mangyari yun e.
Thank you, si Soul lang ata ang kilala kong nagpasalamat dahil pinatay siya. Ewan ko ba pero naiisip ko lagi na paano kung hindi ko siya binaril? Anong mangyayari?
Napapikit ako then nagflash sa isip ko lahat ng nangyari sa server room.
" I'm sorry.... I love you... Thank you.. "
Inilayo ko siya sa pagkakayakap sa akin at tiningnan siya. He smiled at me saka may tumulong luha sa mga mata niyang nakapikit.
" Soul, di ba trip lang to? Huy Soul! Nakakainis ka na hah! Sasapakin kita kapag hindi ka nagmulat ng mata." sabi ko.
Biglang bumukas ang pinto kaya napalingon ako. Mabilis na lumapit sa akin si Raven, inilayo ako kay Soul, niyakap niya ako kaya lalo akong umiyak iyak.
" Red, are you okay? Nasaktan ka ba? " tanong niya sa akin.
Umiling lang ako bilang sagot sa kanya.
" Raven, pinatay ko siya. Pinatay ko si Soul.."
" Red, okay na. Kinailangan mo lang talaga. Tumigil ka na."
Tumingin uli ako kay Soul. Sa walang buhay na katawan ni Soul. Biglang nagkagulo sa server room. May mga biglang pumasok doon at sinasabing pinatay ko ang kamiyembro ko pero naipaliwanag naman ni Raven sa kanila. Lumabas kami ng server room at nakasalubong si Darkon.
" Ang laki mo talagang gulo noh? "
" Red! Lumabas ka na dyan kakain na! " sigaw ni Raven kaya naman natauhan ako. Hindi ako sumagot kasi alam naman na niyang ayoko munang makipag-usap sa kahit na kanino ngayon.
After ng apat na katok at pagsigaw para palabasin ako, tumigil na rin siya pero nasa may pinto pa rin siya.
"Sinong nagpapasok sa'yo dito?!" galit na sabi ni Raven.
Sino naman kaya ang kinakausap niya at galit na galit siya?
"Hindi ako pumunta dito para sa'yo. I'm here for Red." sagot sa kanya ng kausap niya na madali kong narecognize ang boses.
Si Larkin, nandito si Larkin. Oo nga naman, kanino ba posibleng magalit si Raven? Kay Soul at kay Larkin lang naman.
Wala na nga lang si Soul.
Anong ginagawa ni Larkin dito sa bahay?
" Kakausapin ko lang siya. Kailangan niya ng kausap sa mga ganitong sitwasyon. " sabi niya as if narinig niya yung tanong sa isip ko.
" And what made you think na kakausapin ka niya? Kung kami nga dalawang araw niyang hindi kinakausap?! "
" Ano ba! Huwag nga kayong mag-away dyan! Isipin niyo naman yung nararamdaman ni Red, lumayas na lang kayo pareho! " sermon sa kanila ni Natasha na sa hula ko ay nasa sala.
BINABASA MO ANG
Life of an Extraordinary
ActionIsang babaeng nagngangalang Red na may kakaibang kakayahan lalo na sa pakikipaglaban. Ano ang gagawin niya kapag nalaman niya ang katotohanan sa buhay niya. The reason why she has an special ability. And why is she an extraordinary. April 05, 2014...