The Battle Ends

8.1K 214 20
                                    

Tumitig lang ako sa kanya. Waiting for him to react and explain everything. Nagugulohan ako, sa pagkakatanda ko napatay ko na siya? Nakita ko mismo ang pagtama ng bala sa dibdib niya pero bakit nandito siya sa harap ko, buhay na buhay at nakikipagsukatan ng tingin sa akin? Niloko niya ako? Hindi talaga siya namatay?

" Soul?! Anong ibig sabihin nito? " I managed to ask kahit na sobrang gulat ako. Even other members of the Serpents are shocked. The heck, pare pareho kaming nandoon nung nilabas yung bangkay niya sa server room.

Hindi siya sumagot sa tanong ko, he slid a small knife from his coat papunta sa kamay niya saka pinaikot ikot, umamba siya ng saksak sa akin. Sa gulat ko, hindi ko alam ang gagawin, salamat na lang sa pag-iral ng pagiging pakielamero ni Raven, hinarang niya ang kutsilyo.

" What the fuck Soul!! " sigaw ko sa kanya pero patuloy lang siya sa pag-amba ng saksak kay Raven.

Ilang sandali lang ang lumipas ay dumating na rin ang ibang mga kalaban kaya nagkanya kanyang laban na sila. Ako, nakatitig sa pamilyar na mukha sa harapan ko. Dahil lutang ako, hindi ko napansin na may tao sa likod ko kaya nasaksak ako.

" Shit " I shouted dahil sa gulat saka ko hinugot ang kutsilyo na bumaon sa likod ko. I checked kung sino ang sumaksak sa akin, ngumiti siya sa akin so I smiled back and attacked him.

Pareho kaming may hawak na kutsilyo at sabay na nag-aambahan at nag-iilagan. Noong umatake siya sa bandang mukha ko, yumuko agad ako para makuha ko ang butterfly knife na nakatali sa binti ko. Mabilis kong isinaksak sa binti niya kaya naman namilipit siya sa sakit pero nadaplisan niya ang mukha ko bago siya natumba.

Two scratches on my face! Fuck these people! Fuck those knives pero buti na lang mabilis maghilom ang sugat ko.

Sinipa ko sa tiyan ang kalaban ko so he screamed in pain. Hindi ko tinigilan hangga't hindi siya sumusuka ng dugo! Nahinto lang ako ng makarinig ako ng mga pag-sigaw. Tumingin ako sa paligid ko, phoenix and serpents members are lying on the floor, most of them are lifeless. Nanghina ako, as if hinihigop ng eksena lahat ng lakas ko. This is all my faulr. I shouldn't have drag them into this battle.

Tumunog muli ang static sound mula sa mga speakers. That son of a bitch is going to make some announcement again.

" Way to go EO1, I guess you already met my surprise for you. " he said. Automatic na napatingin ako kay Soul or kung si Soul nga ba siya, he's attacking Raven, puro sugat na sila pareho.

" Did you like it? I have more surprises for you. " nawala na ulit ang sound sa speaker.

More surprises? Anong ibig niyang sabihin?

At the end of the hallway, sunod sunod na lumabas ang mga lalaking nakablack suit pero hindi ang all black attire nila ang kumuha ng atensyon ko, yung mukha ng nasa harap. Another Soul! Nagpalipat lipat ako ng tingin sa Soul sa dulo ng hallway at sa Soul na kalaban ni Raven.

What the fuck is this?! In an.instant, nagbabakbakan na naman ang mga kasamahan ko at ang all black guys, naiwan kaming nagtititigan nung kamukha ni Soul.

" How are you? Red. " he said. Boses rin ni Soul yun, siya ba yan? Sino yung isa kanina? Eh yung binaril ko? Triplets ba sila?! " Nakakatulog ka ba ng maayos simula noong patayin mo ako? "

" Soul, is that really you? " tanong ko sa kanya pero hindi niya ako sinasagot, nakatitig lang siya sa akin.

" Sino ba sa tingin mo? You thought I would die easily? Well, you're wrong. This time, I'll make sure ikaw ang mamamatay. Ipaparamdam ko sayo lahat ng sakit na naramdaman ko simula noong makilala kita, noong minahal kita at nung binari mo ako. Don't you know it's painful just being around you. Tumingin ka sa paligid mo, why are they fighting? Dahil sinabi mo! Bakit sila namatay? Dahil sayo! Why don't you just kill yourself? para matapos na to? "

Life of an ExtraordinaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon