Scene 25

10.2K 308 68
                                    

Tumingin akong muli sa wall clock na nsa kwarto ko. Alas diyes na hindi pa rin nagtetext o tumatawag si Larkin kaya hindi ako mapakali. Bakit kasi nasa balita kami? Sinong hinayupak naman kaya ang nagtrip na i-video yung nangyari kanina?

Matulog na lang kaya ako? Kesa ini-stress ko ang sarili ko sa sunod sunod kong problema. Bwisit naman kasi expose na naman ako sa media, kahit hindi kita ang mukha ko siguradong hahanap sila ng paraan para malaman kung sino yung babae sa balita.

Humiga na ako sa kama ko at nagtalukbong, nung medyo nakukuha ko na ang antok ko ay biglang nag-vibrate ang cellphone ko.

Wrong timing.

Sinagot ko ang tawag without looking at the caller I.D, inaantok pa ako eh.

" Hello " medyo lutang na sabi ko.

( Look, hindi ko alam paano ko sasabihin to kaya natagalan bago ako tumawag at hindi ko rin alam kung anong sumapi kay Papa, but he wants to meet you. ) sabi ng nasa kabilang linya.

Napabalikwas ako sa kama ko at agad na tiningnan ko kung sino ang tumatawag.

Larkin

Pucha? Gusto akong makilala ng tatay niya? Yung Presidente? Seryoso? Anong kalokohan toh.

" What do you mean? " sabi ko kahit na sobrang malinaw naman ang ibig niyang sabihin.

( My father wants to meet you and uhm, your Papsy as soon as possible. ) sabi niya

Grabe! Okay pa yung gusto akong makilala eh pero yung gusto rin makilala si Papsy? Parang malabo yata.

" Ahhm.. just so you know, Papsy ordered me to kill you " pagpapaalam ko sa kanya. Narinig ko ang pagsinghap niya. " But I said no, pero hindi ko alam kung papayag siya sa gustong mangyari ng Papa mo. Pucha Ano ba to? Ayoko nito. " yung ispirito ng antok umalis na ulit sa katawan ko.

Naiirita kasi ako, ano bang gustong mangyari ng Presidente. Dahil ba to sa eskandalo na kinasasangkutan ng only son niya ngayon? It's not my fault, hindi naman ako ang nagvideo e.

( Ahm, Red, I'm really sorry about this. ) sabi ni Larkin sa kabilang linya.

Huminga ako ng malalim? Tatanggi ba ako? O ang tamang tanong eh makakatanggi ba ako?

" Bukas sasabihin ko kay Papsy then itetext kita kung ano ang response niya, matutulog na ako. " sabi ko sa kanya then I dropped the call.

Isang minuto mula nung ibinaba ko ang tawag ay may nagtext sa akin.

From: Larkin

Okay. Goodnight.

Kinaumagahan, pag gising ko ay naghilamos ako ng mukha ko at kinatok agad si Papsy sa opisina niya. Hindi pa yun pupunta ng Serpents ng ganito kaaga kaya malamang ay nandoon pa siya.

" Come in. " sabi niya kaya agad kong binuksan ang pinto.

Napakamot pa ako sa ulo ko, punyemas, para akong nagpapaalam sa tatay ko kung pwede na ba akong magpaligaw or worse than that.

" Papsy, uhm yung Papa ni Larkin, gusto ka daw ma-meet. Actually, dalawa tayo." ni hindi nga ako nakatingin nung sinasabi ko yan sayo.

Umupo siya ng maayos and crosses his arms on his chest. Tumango tango siya as if thinking.

" You mean the President? Interesting.. When? and Where? " he asked, nagulat naman ako.

Ang bilis naman ata ni Papsy nakalimutan yung nangyari kahapon.

" I'll inform you na lang. " sabi ko saka ako lumabas ng opisina niya at nagmadaling pumunta sa kwarto ko, kinuha ang phone ko na nasa bed and dialed Larkin's number.

Life of an ExtraordinaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon