Noong halos ibulong ko ang pangalan niya ay tumingin siya sa akin. Lungkot ang bakas sa mukha niya. Kanina, he was smirking. Ngayon naman sobrang lungkot ng ekspresyon niya. Nalilito ako at naguguluhan sa pinapakita niya.
Si Soul ba talaga to? Hindi, si Shadow ang kaharap ko. Arrghh-pati sa pangalan nalilito ako. Bigla akong naalala yung first meeting namin ni Soul ayy ni Shadow.
Nabunggo ko siya noon, akala ko nga pader tapos biglang gwapong nilalang pala ang kaharap ko then he said his name, he was about to say Shadow that time.. Kaya pala Sha- then he corrected himself and said Soul.
Ibig sabihin this is all planned.. Yung pagkakakilala niya sa akin at yung pakikipaglapit niya. Even the feelings? Yung friendship ba namin lokohan lang din?
"Listen.. ipapaliwanag ko sa'yo lahat." he said.
Then naisip ko, sana pala romance na lang ang genre ng story ko and I'm in the most cliched scene na nahuli ko ang taong mahal kong nakikipaghalikan sa ibang babae. Sige, kahit nakikipagsex pa. Mas madaling tanggapin yun kesa sa sitwasyong isinasampal sa mukha ko ngayon.
I'm in a room, with the guy I like. Yung lalaking tinuring kong kaibigan ay yung taong sumisira pala ng buhay ko and I need to kill him just to stop this.
"Gusto kong makinig ka sa akin then after my explanation. Shoot me." he seriously said.
Natigilan ako sa sinabi niya. Yes, galit ako sa kanya, sinong hindi magagalit kapag trinaydor ka. Pero inuutusan niya akong barilin siya?
"Nababaliw ka na ba?!" gusto ko mang isigaw yun, kulang ang boses na lumalabas sa bibig ko. Parang sa sobrang gulat ko ay nalimitahan yung voice sa vocal chords ko.
Why am I so shocked? Pinaghinalaan ko naman siya nung umpisa pero bakit ngayon ganito ang reaksyon ko. Iba pa rin talaga kapag nasa harap na, kapag nasa sitwasyong yun na.
"I am a spy sent by the Phoenix organization. I entered here 3 years ago to gather informations, because Phoenix planned an attack na last month dapat mangyayari. But then I discovered about the six headed serpents, naudlot ang plano and I was instructed to know the real identity of the six headed."
Galing nga siya sa kabilang grupo. Bakit ba hindi ko na lang pinagpatuloy ang paghihinala ko sa kanya noon?
"It was hard at first. Then you entered Serpents. That moment, alam ko nang ikaw yun dahil napaka-suspicious ng biglaang pagpasok mo. Pero kinailangan ko pa ng ebidensya so I decided to be close to you." sabi niya then he chuckled.
Ginagawa niya ito willingly? Ibang paliwanag ang inexpect ko. Akala ko sasabihin niyang napipilitan lang siya, na hawak nila ang buhay niya kaya hindi siya makatanggi.
"Then something not planned, happened. I found myself falling for you. Doon nagsimulang magdalawang isip ako sa ginagawa ko..... So they manipulated me... How? I don't know.. Basta alam ko sa tuwing may lalabas na tungkol sa'yo sa net, hindi ako yun. Ako nga siguro physically pero alam kong kinokontrol lang ako."
So napilitan talaga siya and his feelings are real. Walang halong joke? Waaah! Pwede bang paulit na lang ng story mula scene 1 tapos skip natin tong scene na to because I am so scared right now.
Natatakot ako na baka nga the only solution is to kill him. Ayokong gawin. Hindi ko ata kayang gawin.
"Red, alam kong lahat ng sinasabi ko sa'yo ngayon ay magulo. Gusto ko lang linawin sa'yo na... Hindi ko gusto ang nangyayari.... Hindi ko kayang gawin lahat ng to sa taong mahal ko.. Gusto ko lang sanang humingi ng favor." he slightly smiled.
Umiyak na ako. Ang hina hina ko talaga kapag ganito. Hindi ko na alam ang gagawin ko kapag nauunahan ng emosyon ko ang dapat na kilos ko.
"A-ano yun?" mahinang tanong ko sa kanya habang lumuluha, alam ko kung anong favor ang sinasabi niya. Ayaw ko lang tanggapin na yun nga ang hinihingi niya.
"I want you to kill me. Ipangako mong ikaw ang papatay sa akin para naman makabawi ako sa mga kagaguhan ko. Please do it before my emotions shut down." malungkot na sabi niya.
"What do you mean? Anong shut down? Yung nararamdaman mo magsha-shut down? Soul ano bang sinasabi mo?" halos magwala ako habang sinasabi yun.
But his answer never came. Nakatayo lang siya doon habang nakayuko. May kinuha siyang kung ano sa mesang malapit sa kanya. It's a box like thing na may bilog sa gitna. He pushed the circle sa box like na hawak niya. Biglang tumapat sa akin lahat ng mga nagbliblink kanina. They're not LED lights....
They're guns! Yung hawak niya. Remote yun ng mga baril sa loob ng kwartong to. Mamamatay na ba ako?
Shemay! Oo na! Sabi ko eh babarilin ako ng taong bayan! Hindi pauulanan ng bala sa loob ng madilim na kwarto at hahayaang mamatay na lang.
Tumingin siya sa akin, ngumisi ulit siya. Nakita kong ang dating dark brown na mata niya ay naging deep black. He's not Soul! Hindi siya yung lalaking kunwaring tahimik na nakilala ka.
"Soul... Hindi kita papatayin.. " he didn't react. Nakangisi lang siya tapos ay bigla siyang napahawak sa ulo niya.
"Kill me! NOW!" sigaw niya sa akin habang namimilipit sa sakit ng ulo niya.
Hindi ako makagalaw. So literal na may kumokontrol sa isip niya? I thought may namblablackmail lang sa kanya. Habang dinudukot ko ang baril sa bulsa ako ay nanginginig ang kamay ko. Noong nahugot ko na ay tinutok ko sa kanya and eyes closed na kinalabit ang gatilyo... I heard a laugh... Malutong na tawa..
Minulat ko ang mata ko.. At ayun si Soul tawa ng tawa, yung pang-demonyo. Putangina walang bala yung baril ko! Ang epic naman nito! Lalabas na dapat ako ng kwarto para tawagin si Raven nang magsalita si Soul. Baka sign na to na hindi ko dapat patayin si Soul...
"Ik-ikaw ang papatay sa ak-akin!" he said, nilalabanan pa rin niya ang kumokontrol sa kanya.
Isa lang ang nakikita kong paraan. Yumuko ako then looked at my necklace na bigay ng nanay ko. Napakapit ako sa pendant nun... Bala yun ng baril.
Ito ba yung ibig sabihin niya sa akin na nararamdaman niyang mawawala na siya. Ito rin ba ang ibig sabihin niya noong sinabi niya na if ever mautosan ako na gumawa ng bagay na hindi ko gusto ay gawin ko pa rin dahil kailangan ko.
I fixed my gun, nilagay ko ang bala ng baril na pendant ko. Itinutok ko sa kanya yun habang nanginginig pa rin ang mga kamay ko. Pipindutin na dapat niya ang remote na hawak niya nang pikit mata at kagat labi kong ipinutok ang baril ko.
I know it will hit him. I never miss.
Hindi ko minulat ang mata ko hanggang sa makarinig ako ng footsteps na papalapit sa akin. I opened my eyes at nakita ko si Soul, he's holding his bleeding chest. Naglakad ako papalapit sa kanya para hindi na siya mahirapan pa.
Yumakap siya sa akin, at unti unting napaluhod. I hugged him tight. Gusto ko sanang magsalita pero hindi ko kaya. Walang tunog na umiiyak ako dahil sa ginawa ko. Tumawa siya ng mahina and I know it will be his last.
Nagulat ako ng magsalita siya. Kahit na hindi tuloy tuloy ang pagkakasabi niya, naintindihan ko naman.
"I'm so sorry... I love you.....and Thank you."
- - - - - - - - - - - - - - -
So ito na po ang update at ngawa po ako ng ngawa habang sinusulat to. Pinatay ko kasi si Fafa Soul.
Next Ud ay baka sa weekend na ulit.
_chase
BINABASA MO ANG
Life of an Extraordinary
ActionIsang babaeng nagngangalang Red na may kakaibang kakayahan lalo na sa pakikipaglaban. Ano ang gagawin niya kapag nalaman niya ang katotohanan sa buhay niya. The reason why she has an special ability. And why is she an extraordinary. April 05, 2014...