0 2

6.6K 145 4
                                    

Chorene's POV

Wala kaming pasok ngayon dahil may problems daw ang school. Andito ako sa may pintuan papasok sa many Cashier. 

"Babae! Asan ka na! Ihatid mo ito sa Table 5!" Tita naman oh. Pumunta na ako sa table 5 at ibinigay ang kanilang order ng biglang may tumawag sakin na para bang bouncer dahil sa katawan.

"Miss!" tawag ni kuyang naka black.

"Ah ano po yun Kuya?" sagot ko naman kahit medyo nakakatakot yung itsura niya ha.

"May nasampal ka ba na lalake sa mall?" nako. patay.

"Uhm, oho. Bakit ho? Psychic ka ba kuya? Pano mo yon nalaman ha?"

"Wala sige salamat" at bigla niyang kinuha ang kaniyang cellphone at may tinawagan.

Kumunot naman ako dahil hindi ko alam bat niya yon itatanong.

"Babae! Mamalengke ka! Bilis!" utos naman ni tita.

Wala na akong magagawa pa. Ito buhay ko eh. Kinuha ko na ang pera at pumunta na sa may palengke ng napansin ko na may black na van na sumusunod sakin. Problema nito?

Andito na ako sa palengke, pumasok na ako sa loob at nagsimula nang bilhin ang dapat bilhin. May nararamdaman akong sumusunod sakin. Tingnan nga. Lumingon ako at....

Sandamakmak na lalaking naka itim! Mamatay na ba ako?

Pagkatapos kong bilhin lahat ng dapat bilhin. Lumabas na ako at nagsimulang maglakad pauwi ng bahay ng biglang may dalawang black na van at isang black na Ferrari ang nagstop sa harap ko.

Bumaba ang maraming men in black sa Van. At napabaling ang tingin ko sa Ferrari ng biglang may lumabas dito. Ampotek. Ang lalim at lamig na mga mata. Inalala ko kung saan ko iyon nakita at doon ko lang naisip. Siya iyong sinampal ko sa Mall!

"Hey! Remember me?" nakangising na tanong niya.

"Hindi kita kilala!" pagdeny ko naman.

"You don't remember the one you just slap in front of everyone?"

"Ano bang kailangan mo?!" pasigaw na tanong ko sakanya.

"You. Pagbabayaran mo ang ginawa mo." at sinenyasan niya ang mga men in black na kunin ako.

Naramdaman ko na agad kung ano ang gagawin nila sakin kaya tumakbo ako at inutusan naman niya ang mga lalaki niya na habulin ako. Siyempre taga- dito ako kaya alam ko ang mga daan at pasikot- sikot. May mga barkada kaya akong mga lalaki na tinuturuan ako ng mga agwain nila. Kaya kong umakyat at tumalon sa mga matatas na bagay. Spiderwoman rin yata ako no. Binilisan ko talaga ang pagtakbo ko at napatigil lang nang tumigil yung black na sasakyan nung lalaking sinampal ko at hinarangan yung dadaanan ko. 

Inutusan niya na ang mga lalaki niya na pasakayin ako sa van. Ang malas ko naman.

Pinasakay na nila ako at itinali ngunit nagpupumiglas pa rin ako. Dahil siguro sa pagod, humihina na ako at pinaamoy na nila sakin ang panyong may pampatulog at doon na nandilim ang aking paningin.


Nagising ako at sobrang sakit ng ulo ko. Nilibot ko ang aking paningin at puro pink ang nakikita ko. 

Ampangit naman dito. Masakit sa mata. At nasan ba ako?

Napasapo na lang ako sa aking noo lalo na noong naalala ko na may kumuha pala saakin.

Lumapit ako sa pintuan at tinignan kung lock at luckily. Hindi lock! Yohoo! Pinihit ko na ang door knob at pagkabukas ko ay isang gwapong nilalang!

The Mafia's Hidden GemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon