3 5

1.2K 19 23
                                    

Chorene's POV

Nakatutok parin kay Fred ang baril ko at niya sakin.

"Sabihin mo na lang kung nasaan ang anak ko, pwede ba?" pamimilit ko sakaniya.

"Ayaw ko nga. Dahil nga sakaniya kung bakit ka nandito eh." 

Pinaputukan ko naman siya pero sinadya kong hindi siya tamaan, "Sasabihin mo ba o ang susunod na bala ay sayo na tatama."

Tumawa naman siya ng mapakla, "Nakatutok rin ang baril ko sayo, Mrs. Clarkson."

Napairap na lang ako dahil kanina pa kami nagtututukan ng baril dito.

"Bakit ka ba galit, ha? Bakit mo ba ginagawa ito?"

Ngumisi naman siya, "Dahil sa asawa mo."

"Anong kasalanan ni Pryle sa iyo?"

"Inagaw niya sakin si Cloeh." inis na sambit niya.

"At pinatay niya ang magulang ko." tumawa ulit siya ng mapakla.

"Kinuha niya si Cloeh, kinuha niya ang magulang ko at kinuha niya ang yaman ko. Lahat na lang, kinukuha niya sakin, Chorene."

Natahimik ako dahil hindi ko alam na ganito pala kalalim ang galit niya kay Pryle. Hindi ko rin alam na magagawa pala ng asawa ko ang ganito.

He killed his parents? Bakit?

"Liar. My husband wouldn't do that."

Tumawa ulit siya, funny ba yung sitwasyon namin?

"He wouldn't do that? Hindi ba in the first place, Chorene, you got kidnapped by him? And because of what? A stupid slap?" doon ako napaisip.

"Stockholm syndrome. You fell in love with your kidnapper." tumawa nanaman siya ng malakas.

"I fell in love with my husband, Mr. Garcia." 

"Yes, sa asawa mo na dinukot ka. Wow, ang gandang panimula sa isang magandang istorya." sarcastic na sabi niya.

Napailing na lang ako, "Mahal naman namin ang isa't isa." 

Ibinaba na niya ang baril niya at umupo, "Sa tingin mo ba mahal ka talaga ni Pryle, Chorene? Kung isipin natin bakit hindi niya pa kaya pinapaalis lahat ng rosas sa garden ng bahay niya? Bakit hindi niya pa pinapabago ang kwarto ni Cloeh sa bahay niya?" 

Napaisip naman ako sa sinabi niya. 

"Wala lang siguro siyang oras para ipabago iyon."

Tumayo siya sakin at lumapit. Hinawakan niya ang baril na kanina pang nakatutok sakaniya at unti- unting ibinaba iyon.

"Huwag ka na maghanap ng rason para sa asawa mo, Mrs. Clarkson."

"Ilang taon rin noong naghiwalay sila ni Cloeh. At ilang buwan na ba kayong magkasama? Hindi pa rin pinapabago? Baka mahal niya pa, Chorene."

Napayuko na lang ako dahil sa mga sinasabi niya. Mahal niya ba talaga kami ni Savi.

Mahal niya man o hindi, andito ako para sa anak ko. Andito ako para kay Savi.

Itinaas ko pa rin ang baril ko at tinignan siya.

"Nasan ba si Savi? Nasan ba ang anak ko?" malamig na tanong ko.

"Hindi ako sure eh."

Sinampal ko siya, "Anong hindi ka sure?!" sigaw na tanong ko.

The Mafia's Hidden GemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon