1 5

3.1K 45 3
                                    


——————————————•——————————————

Third Person's POV

———Chorene's Identity———

She is the lost daugther of Christian Carl Collins and Mikaira Santiago- Collins. She have a twin brother, Charles Mylan Santiago.

———years ago———

Masayang nilalaro ng magasawang Carl at Mika ang kambal, si Charles at Christine (Chorene's Old name).

"I wish wala ng gugulo sa buhay natin" nakangiting sabi ni Mika.

"Sana wala nga. Pero alam mo ang trabaho ko. Alam mo ang buhay ko." seryososng sabi ni Carl.

"Bakit ba ayaw mo umalis sa buhay na yan? Nilalagay mo lang ang buhay mo sa panganib! At ngayon, hindi lang buhay mo. Buhay na rin ng mga anak natin!" umiiyak na ani ni Mika.

Nakarinig ang mag-asawa ng sunod sunod na putok ng baril. Napatakbo agad si Mika sa loob ng bahay kasama ang kanilang mga anak.

Kinuha naman ni Carl ang sarili niyang baril para sa kanilang proteksyon.

Nasa gulat pa rin ang mag-asawa dahil hindi naman nila inaasahan na may aatake sakanila.

Biglang nagsitigilan ang mga putok ng baril at pumasok ang isang babae na may hawak na baril habang umiiyak na hawak ang tyan niya.

"Carl!" sigaw ni Yvonne.

"Anong problema mo?" tanong ni Carl kay Yvonne.

"Buntis ako! Buntis!" umiiyak na sigaw ni Yvonne.

"Ano ngayon kung buntis ka?" galit na tanong ni Carl.

"Ikaw ang ama." pag-amin ng babae.

"Nahihibang ka ba. Yvonne, walang nangyari satin, niminsan. Wag kang gagawa ng kuwento. Kahit anong gawin mo, ang batang iyan ay hindi sakin."

———months later———

"Carl! Lumabas ka rito!" sigaw ni Yvonne at nagpaputok ng baril.

"Anong kailangan mo?" malamig na tanong ni Carl.

"Tignan mo ang ginawa mo sa mukha ko!" umiiyak na sabi ni Yvonne habang tinuro ang sunog niyang mukha.

"Mahal na mahal kita, Carl! Hindi ko alam kung bakit mo ba pinakasalan si Mika kesa sakin!"

"Kasi siya ang mahal ko. Tama na nga itong drama mo Yvonne. Ano ba talagang pinunta mo rito at dala dala mo pa yang anak mo."

"Anak mo, itong batang ito. Sinasabi ko sayo Carl, akuhin mo ang responsibilidad mo kay Cloeh."

"Wala akong responsibilidad dahil wala akong anak na hindi galing kay Mika." malamig na sagot ni Carl.

"Ako ang sisira sa pamilya mo Carl. Ako. Hindi puwede na hindi mo aakuhin si Cloeh. Hindi puwede!" sigaw ni Yvonne at tinutukan si Carl ng baril.

"Hindi mo magagawa ang gusto mo Yvonne! Magkakamatayan muna tayo!" hinugot naman ni Carl ang baril niya at tinutok pabalik.

Lihid sa kaalaman ng mga ito na itinatakbo na palayo ng ina ng mga sanggol ang kambal nilang anak, si Christine at Charles.

"Ang mga sanggol mo ang kabayaran ng lahat! Lahat!" rinig na sigaw ni Yvonne.

Papasok na sana siya sa bahay nila Carl ngunit siya ay pinaputukan ng baril sa may hita.

"Hinding hindi mo makukuha ang mga anak ko." sabi ni Carl bago tumakbo sa loob ng kanilang bahay.

Walang asawa at anak na naabutan si Carl sa loob ng kanilang bahay. Hindi niya alam kung malulungkot ba siya dahil wala sa kanyang tabi ang pamilya niya o matutuwa dahil sila ay nahiwalay na sa pahamak na dulot ng buhay niya.

Nahanap na lang ni Mika ang sarili niya sa harap ng pintuan ng pinagkakatiwalaan nilang kaibigan, si Leo Lee.

"Mika? Bakit ka nandito? Bat mo dala ang mga bata?" tanong ni Leo

"Leo, alagaan mo muna si Charles. Mapanganib na ang buhay nila sa puder ni Carl." naiiyak na pakiusap ni Mika.

"Mahahanap niya parin ang mga ito dahil sa mga pangalan nila."

"Ibalik mo ang pangalan ni Charles bilang isang Santiago. Gusto kong ilayo mo siya kay Carl. At kung hindi mo naman kaya, huwag mo lang siya ibibigay kay Carl. Ipaintindi mo na ito ang hiling ko. Ito ang gusto ko. Ang malayo sila sa pahamak lalo na sa buhay at trabaho ni Carl. Alam kong isa ka ring mafia. Pero mas ligtas siya kung sayo siya lalaki. At sa tamang panahon, ipaalala mo kung sino talaga siya. Maraming salamat, Leo."

Ipinaubaya ng babae ang anak niyang lalake na si Charles, sa kaibigan niyang si Leo. Pinalaki ni Leo si Charles na isang matapang at mabait na binata. Hindi naman maiwasan ni Leo na imulat ang mata ni Charles sa panganib ng mundo nila. Tinuruan niya itong humawak ng mga armas at kung paano makipaglaban, para sa sarili niya at kung ano ba ang talagang sakanya.

Habang bitbit ang batang babae, nakipagkita si Mika sa kapatid niyang si Mark.

"Ikaw na ang bahala kay CM (Christine Marie). Palitan mo ang pangalan niya ng Chorene Miel Santiago."

"Ate, nasaan si Charles?"

"Nakay Leo. Alam kong Mafia parin siya pero mas ligtas na siya kaysa kay Christian."

"Ate"

"Aalis na ako"

Umalis na si Mika at di niya alam na may paparaing na truck at

"Ate!"sigaw ni Mark habang bitbit ang batang babaeng umiiyak.

Dinala nila si Mika sa hospital at iniwan muna ni Mark ang bata sa kaibigan niya na kapitbahay nila.

Mabilis namang pumunta si Carl sa hospital kung saan isinugod ang asawa niya.

"Sino po ang pamilya ni Mrs. Collins?" tanong ng doctor.

"Kami po" sagot naman ni Mark at Carl.

"Ikinalulungkot ko po na wala na po kaming magagawa. Marami pong dugo ang nawala sa kanya at malakas po ang tama niya sa ulo." nakayukong salaysay ng Doctor.

Umiyak na lang ang dalawa dahil sa pagkawala ng isang asawa at isang kapatid sa buhay nila.

"Mark." mahinang tawag ni Carl kay Mark.

Lumingon naman si Mark sakanya, "Nasan ang mga anak mo."

Alam ni Mark na ang rason kung bakit ibinigay ni Mika ang kanilang mga anak ay dahil sa ayaw niyang mapalapit ang mga ito sa pahamak.

Umiking si Mark, "Siya lang ang nakita ko noong nag-usap kami. Bigla na lang siyang tumawid at doon naaksidente."

Nakayuko lang si Mark habang binibitawan ang mga salita. Patuloy pa rin ang pag-agos ng luha sa kanyang mata.

"Una na muna ako, kuya. May importante akong aasikasuhin."

Umuwi na si Mark at inalagaan si Christine na pinangalanan niya nang Chorene.

Pinalaki ni Mark na mabait at masunuring bata si CM. Sa kasamaang palad naaksidente ito na nagdulot ng kalungkutan aa buhay ng bat. Simula noong namatay si Mark itinuring na katulong ni Eva ang pamangkin ng kaniyang asawa. Puro pera na lang ang alam ni Eva.

——————————————•——————————————

The Mafia's Hidden GemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon