3 1

1.9K 45 34
                                    

Kyle's POV

Lumapit sakin si Kuya Pryle at nagpaalam na uuwi na sila ng mag-ina niya. Tumango na lang ako dahil alam ko na ring pagod si ate at masyado nang late para kay Savi.

"Ano bang iniisip mo?" tanong ni Geo sa tabi ko.

Umiling ako, "Wala naman."

Tumango tango siya, "Uwi na rin tayo?" tanong niya dahil sa announcement ni kuya.

Binigyan ko na lang siya ng ngiti at inilahad ko ang bisig ko para alalayan siya.

Habang lumalabas sila kuya ay nagsipalakpakan naman ang mga tao at ngumiti lang ito sakanila.

Sumunod naman kaming lumabas ni Geo dahil alam kong pagod na rin ito, lalo na at buntis pa siya.

Napatingin ako sa gilid namin at nakita ko si Alena na malungkot na nakatingin samin ni Geo.

Hindi ko alam kung bakit ganiyan siya makatingin sakin eh siya naman ang unang nangiwan.

Sinabi ko na okay lang sakin na pumunta siya ng France para sa pangarap niya kahit ayaw ko. Alam ko naman na hindi ko dapat hadlangan ang pangarap niya dahil matagal na niya itong plano.

Pinalitan ko agad ang number ko pagkaalis niya ng bansa dahil ayaw ko ng malayuang relasyon dahil seloso ako. Makulit, oo, pero gusto ko na ang akin ay akin lang dapat.

Sabihin na nating hindi ko siya pinagkakatiwalaan, hindi nga siguro. At dahil na rin siguro ito sa mga salitang sinabi sakin ng isang kaibigan ko.

I was hurt, and I did want to hurt her back.

Tumigil ako sa paglalakad at alam kong nakatingin pa rin si Alena. Nagtataka namang tumingin sakin si Geo.

Doon ko na kinuha ang pagkakataon kong halikan siya sa labi. Habang hinahalikan ko ang mapapangasawa ko ay nakatingin pa rin ako kay Alena, at hindi nawala sa paningin ko ang pagpatak ng kanyang luha.

Baka nagsisinungaling nanaman na akala mo ba'y mahal ako.

Napangiti naman si Geo pagkatapos ko siyang hinalikan. Ayaw ko siyang mawala sakin at ngayon na bumalik na si Alena na maaring paghiwalayin kami ni Geo tulad ng ginawa niya kahapon ay hindi na ako sigurado kung maproprotektahan ko pa ba ang mag-ina ko.

Napatingin ako sa bulsa ko ng bigla itong tumunog.

"Sino 'yan?" tanong ni Geo.

Hinugot ko na lang ang cellphone ko para makita kung sino man ang nagtext.

Nakita kong isa itong unknown number, "I don't know." sagot ko naman kay Geo.

"Huh?" tanong niya pa.

"It's unknown." sagot ko na lang at nakarating na kami sa may garage.

Pinasakay ko na siya at nagdrive na pauwi ng condo.

Nakatulog si Geo habang bumabyahe kaya ginising ko siya.

"Hmm. Kuya." mahinang bulong niya habang tulog.

Wala naman akong alam na may kapatid ito. Baka nananaginip lang. 

Nang makarating na kami sa condo ay ihiniga ko na siya sa kama naming dalawa at lumabas.

Tinawagan ko si kuya para tanungin kung gising pa ba si Ate Chorene.

[Kyle.] malalim na boses ni Kuya na parang pagod ha.

"Wow naman kuya, katatapos niyo ba?" nangaasar na tanong ko.

[Ouch. Teka lang hinahampas ako ni Chorene ng unan. Ang ingay mo naman kasi.]

The Mafia's Hidden GemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon