3 7

496 10 0
                                    

Chorene's POV

Nandito ako sa passenger seat ng sasakyan ni Pryle at nakatingin lang sa labas dahil walang nagsasalita samin.

Napatulo ang luha ko nang natanaw ko ang isang pamilya masayang magkasama nang dumaan kami sa isang parke.

I am very sorry, Savi.

"Chorene." mahinang tawag ni Pryle sakin kaya napapunas ako sa luha ko at malungkot na tumingin sakanya.

"We will find, Savi." maikling sabi niya at tumango naman ako.

We need to find my daughter. Our Savi.

Bumalik ang tingin ko sa labas at tinignan lang ang mga bagay na nadadaanan namin hanggang sa tumigil ang sasakyan.

Napatingin naman ako kung nasan kami at nasa may airport kami, sa may part kung saan nakalagay ang mga airplanes at ilan pang ginagamit pang lipad.

Bumaba naman na kami at nakita ko ang mga tao na kasama namin kanina sa mansion na naguusap at parang kami na lang ang hinihintay.

Agad naman akong lumapit kay kuya at tinanong kung pwede na ba akong sumama sa kanya kaso tumawa siya at umiling.

"Hindi nga pwede sis, makulit ang budhi mo ha."

Ngumuso naman ako, "Saan na ba tayo pupunta?"

Tinapik naman niya ang balikat ko, "We'll find Savi."

Tumango ako at binigyan siya ng ngiti. Nagulat ako nang bigla niya akong itinulak papunta kay Pryle at nagsuot ng headphones at tumakbo papunta kay daddy.

Parang bata, Charles Mylan.

Napatingin naman ako kay Pryle na nakatitig lang sa malayo.

Ano kayang iniisip nito.

Nagulat naman ako anng biglang may kumausap sakin about sa chopper at dahil wala naman akong alam tungkol rito ay lumapit ako kay Pryle.

Mahina kong hinila ang laylayan ng shirt niya ngunit wala pa rin siyang reaksyon at hindi ako pinapansin.

"Pryle." mahina kong tawag sakanya.

"Hm?" sagot naman niya habang nakatitig pa rin sa malayo.

"May tanong kasi sila about sa chopper." mahina kong sabi sakanya at doon na siya napatingin sakin at tumingin doon sa staff.

Binitawan ko na ang shirt niya at lumakad na siya palapit sa babae at nag-usap.

Napatingin naman ako sa tinititigan niya. Wala namang tao doon. Wala namang bagay doon. It's a plain landscape.

Baka malalim nga lang talaga ang iniisip niya.

May staff naman na bigla akong kinausap at inalalayan papasok sa chopper. Doon ko naman nakita si Pryle na nakaupo na habang nag-iisip.

Isinara na nila ang pintuan ng chopper at nagtaka naman ako dahil wala akong marinig na masyadong ingay mula sa pagikot ng blades ng helicopter.

Napansin siguro ni Pryle na nagtaka ako kaya naman bigla siyang nagsalita.

"It's sound proof." sabi niya.

At dahan- dahan naman akong tumango.

At dahil may bintana nga ang helicopter at dahil sa awkward atmosphere ay nakatingin lang ako sa labas pero kinabahan naman ako nang napansin kong umaangat na ang helicopter na sinasakyan.

Napapikit ako ng mariin.

Nagulat ako nang biglang hinawakan ni Pryle ang kamay ko na para bang hindi kami nag-away.

The Mafia's Hidden GemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon