1 6

3.6K 71 4
                                    


——————————————•——————————————

Chorene's POV

Andito ako ngayon sa kama, nakahilata. Gusto ko na talagang pumasok. Gusto ko ring gumala. Gusto ko kasing makita sila Geo at Zyrine. At dahil sa aksidente hindi pa ako pinapasok ni Pryle. Masyado raw delekado.

Kinuha ko agad ang cellphone ko at sinagot ang tawag ni Zyrine.

[Hello! Chorene? Kailangan mong pumasok bukas kung ayaw mong ma drop]

"Okay, Zyrine. Kita na lang tayo bukas"

[Sige, sis. See you. Bye]

———end call———

Nagpaalam ako kay Pryle mung pwede na ba ako pumasok. Ayaw ko naman madrop no. Mabuti na lang at napaoo ko siya. Pinayagan niya na akong pumasok, buti na lang.

Lumipas ang araw na katulad lang ng ibang araw wala ako masyadong ginagawa dahil ayaw naman nila ako pagtrabuhin dito sa mansyon.

———next day———

Pumasok na ako sa school at nakita ko si Zyrine at si Geo na nakaupo isa sa mga bench.

"Hi girls!" nakangiti kong bati sakanila.

"Chorene!" sigaw nila pabalik

"Kamusta naman dito?"

"Okay lang. May bago daw student! 3 fafa at isang babae!" nakangiting sigaw ni Geo.

"Ah okay. Tara na baka malate pa tayo sa class." yaya ko na lanh dahil magbebell na.

Pumasok na kaming sa room at buti na lang wala pang teacher.

"Good morning, class." bati ni Miss Terrer.

"Good morning Ms. Terrer" bati naman namin pabalik.

"Okay. So we have some new students who will be joining your set. Please introduce yourselves." pumasok na ang mga bagong studyante at I am shocked.

Paano ba naman? Ang mga pumasok ay si Pryle, Kyle at Charles. Kasama rin nila si Pink Monster!

"Hi! I am Cloeh Xyriel San Pascual." paninimula ni Cloeh.

"Hello! Charles Mylan Santiago, is the name." pagiintroduce naman ni Charles na may sabay pang kindat. At dahil nga pogi siya, nagtilian naman mga babae kong kaklase.

"I am Vyll Kyle Clarkson." masayang bati ni Kyle at tuwang tuwa nanaman ang mga kababaihan.

"Vlien Pryle Clarkson" cold na sabi ni Pryle. Pero kahit na cold nagtilian parin ang mga babae.

"You may sit in the back." sabi ni Miss Terrer.

Sa likod namin? Wow lang.

"Oh, Pryle. Andito pala yung maid na PA mo? Haha." panlalait nanaman netong Cloeh.

"She's not my maid or PA, Cloeh! Stop making stories!" galit na saad ni Pryle.

Nauna nang umupo si Pryle at sa mismong likod ko pa at katabi niya si Cloeh. Ah, gusto ko siyang kalbuhin.

"Chorene. tingnan mo yung Cloeh ba yun? Makadikit sa asawa mo." bulong ni Zyrine.

Lumingon ako at ayun nga. Nakapulupot yung kamay niya sa braso ng asawa ko. Wow ah. Anlandi. May klase kaya! Hindi ko lang siguro to kakalbuhin. Magpapaturo ako kay Pryle kung paano mamputol ng kamay!

Di na lang ako nagsalita at bumalik ang tingin ko kay Ms. Terrer.

Natapos rin ang mahabang oras na discussion ni Miss Terrer, at mahabang oras na nilalandi ni Cloeh ang asawa ko.

Pumunta na kaming tatlo nila Geo sa cafeteria ng biglang may humarang samin.

"Bitch! How dare you agawin si Pryle saakin?" sabi sakin ni Cloeh.

Inirapan ko siya, "Pagaari mo si Pryle? Hah?"

"Ito lang ang masasabi ko sayo, isa kang BITCH at MANGAAGAW! Remember this, I am Cloeh Xyriel San Pasual. What Cloeh wants, Cloeh gets." tapos umalis na siya. Wala akong pake! Hmmp!

Nagpatuloy lang kami papunta sa cafeteria.

"Bruha pala talaga yung Cloeh na yun?" sabi naman ni Geo

"Wag niyo na lang siyang pansinin. May oras rin yan"

"Girl! Tinawag ka kayang bitch at mangaagaw" naiinis na sabi ni Zyrine

"Oh ano ngayon? Di naman ako bitch at lalong lalo na di ako mangaagaw. Wala naman akong inagaw eh."

Umupo na kaming sa table na lagi naming inuupuan.

"Hindi ako mangaagaw kasi bakit ko aagawin kung una pa lang akin naman talaga?" nakangising sabi ko at nagtawanan naman silang dalawa.

"Ate!" sigaw ni Kyle. Ingay talaga nito. Napatingin tuloy lahat ng tao sa cafeteria.

Sumilyap naman ako kay Geo para tignan kung ano reaksyon.

Ngayon, todo siya magpacute!

Tumabi si Pryle sakin, si Kyle kay Geo at si Charles kay Zyrine. Kung si Geo nagpapacute kay Kyle, si Zyrine naman iniirapan si Charles. Kawawa naman.

Tatayo na sana kaming tatlong babae ng biglang may dumating.

"Hi Pryle! Can I sit with you? Full na lahat ng tables eh." maarte na sabi ni Cloeh. Ang sarap lang hampasin.

"Tara na Geo, Zyrine." sabi ko sakanila at nakipila na kami.

"Nakakainis na talaga yang Cloeh na yan ah." nanggigigil na sabi ni Geo. Bat parang sila yung affected?

"Oo nga! Girl bat di mo pinatulan?" saad naman ni Zyrine.

Di ko na lang pinansin yung mga pinagsasabi nila at umorder na lang ako. Di kasi nila napansin na kami na yung oorder.

After naming nagorder babalik na sana kaming sa table namin pero sabi ni Zyrine na sa School Garden na lang daw kami.

Pumunta kami sa Garden at buti na lang may bench at picnic table dito. Ipinatong na namin ang tray ng pagkain sa table.

"Geo?" tawag ko.

"Hmm?" saad niya habang kakagat sana ng sandwich.

"Pacute ka kanina kay Kyle" natatawamg sabi ko.

"Halla di ah!" namumulang sabi niya. Halata na nga girl, e.

"Zyrine?" tawag ko naman kay Zy.

"Bakit?"

"Sungit mo kay Charles ah." sabi ko.

Magkakalovelife na kaya tong dalawang toh? Sana oo. Para naman masaya sila.

After naming kumain, babalik na sana kami sa classroom ng biglang may humarang sa dinadaanan ko.

"Mawawala din si Pryle sayo. I know. Babalik din siya sakin. Wag mo na ipagpilitan ang sarili mo. Dahil una pa lang, Chorene, mas lamang ako." sabi ni Cloeh at umalis na.

——————————————•——————————————

The Mafia's Hidden GemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon