3 6

485 7 0
                                    

Chorene's POV

Nandito lang ako sa mansyon nila daddy dahil diba nga umalis ako.

"Chorene, kain ka na." katok ni kuya sa pinto.

"Busog pa ako, kuya." mahinang sambit ko pero sapat para marinig niya.

Nagulat na lang ako nang bigla niya nang binuksan ang pinto, "Ano ba iyan, Chorene? Busog? Kailan ka ba kumain ha? Diba hindi pa? Nag- agahan ka ba? Hindi diba? Tapos busog? Ano kinain mo? Hangin?" tuloy- tuloy na tanong niya sakin.

Napatalukbong naman ako sa kumot at hinila naman niya agad.

"Chorene. Hindi pa nahahanap si Savi at kailangan nating magusap- usap nila Pryle. Hindi ako papayag na ganyan ka pupunta doon. At hindi ako papayag na tinotorture mo ang sarili mo dahil hindi mo kasalanan na wala si Savi." sabi niya sakin at tumulo nanaman ang luha ko.

Hinawan ni kuya ang mukha ko, "Listen to me, hindi mo kasalanan na wala si Savi. Hindi mo alam na gagawin iyon ni Georginn. " pinunasan naman niya ang luha kong tumulo.

"Ayaw ko pumunta doon." mahinang sambit ko.

"Hindi iyan pwede, Chorene. You need to go. This is for Savi." binigyan niya ako ng maliit na ngiti at tumayo na ako para gumalaw.

I need to be strong for my baby Savi.

Bumaba na ako para kumain at nadatnan ko naman si daddy na nagbabasa ng files at si kuya na lumalamon na. 

Kumuha naman ako ng pagkain at nilagay sa plato ko pero noong napansin ni kuya kung gaano karami ang inilagay ko ay kinuha niya ito bigla at nilagyan pa. Para tuloy isang malaking bundok ng pagkain ang nasa plato ko.

"Kuya, hindi ko ito mauubos."

"Wala, maraming nagugutom na tao kaya mabuting ubusin mo iyan." sambit niya.

Napanguso na lang ako dahil marami talagang pagkain ang nilagay niya.

Wala naman akong nagawa dahil baka magalit pa siya sakin kaya kinain ko na lang.

Pagkatapos kumain ay umakyat na ako para magbihis.

Nagsuot ako ng black backless halter top at high rise denim mom pants. Nagsuot rin ako ng heels. Kumuha ako ng concealer at nilagyan ang ilalim ng mata ko na may bags at halata pa ang pagkakamugto. Naglagay rin ako ng simpleng wing eyeliner at lip tint. Para lang maitago ang sobra kong haggard na mukha.

Bumaba na ulit ako dahil naghihintay si kuya sa sasakyan dahil nauna na raw si daddy.

"Wow naman sis, ganda naman! Nakakaproud talaga na kambal kita!" para bang bumalik si kuya sa dati niyang anyo at hindi na nagagalit sakin.

Tinawanan ko na lang siya at pumasok sa sasakyan.

"Kuya." tawag ko.

"Ano?" sagot naman niya.

"Sa tingin mo ba magbabati kami ni Pryle?" tanong ko.

"Oo naman! Kung mahal niyo naman ang isa't isa, sabay niyong haharapin ang problema niyo. Ngayon kasi, pareho kayong iba ang timpla dahil pareho kayong nag- aalala kay Savi."

Napatango naman ako, "San mo iyan natutunan?" tanong ko.

"Malamang sa expreience ko! Grabe nga etong si Fielle e, grabe magalit!" exclaim niya at hindi pa napapansin na nalaglag niya na kung anong meron sa kanila ni Zy.

"Hmm, Fielle." pang- aasar ko sakaniya at nanlaki naman ang mata niya.

"Huwag mo sabihin! Magagalit nanaman iyon sakin!" tumawa na ako at napatawa naman siya.

"Buti naman at tumatawa ka na. Nandito na tayo." sabi niya at napatingin naman ako sa labas.

Ang dilim naman ng mansyon. Hindi na katulad ng dati.

Bumaba naman na ako at nilibot ang tingin ko at wala na ang mga rosas sa garden. Hindi ko alam kung inalis niya ba dahil ayaw ko o baka dahil nasira ko na kaya pangit na. 

Pumasok naman na kami at nakita ko si Kyle na nakatayo lang sa tapat ng pwesto ni Alena sa couch. Si Pryle na nasa isa sa mga sofa. Si Theo na nakaupo rin habang nakapulupot ag kamay sa bewang ni Cloeh. Si daddy naman ay katabi si Dad na katabi si mom.

"Ano na?" nagulat naman ako sa boses sa likod namin ni kuya at napatingin ang lahat doon.

Si Troy, nandito.

"Kyle, ano balita sa magulang ni Geo?" tanong ni kuya kay Kyle.

"Wala eh. Wala raw siya doon." napabuntong hininga naman sila.

"Cloeh, wala ka bang alam kung saan ang bahay ni Fred?" tanong naman ni Pryle kay Cloeh.

Umiling si Cloeh, "Naibenta na yung dating bahay nila. Simula nung wala na ang magulang niya." 

Napabuntong- hininga nanaman.

"Nakalabas kaya sila ng bansa?" tanong naman ni Alena.

Umiling si Troy, "I checked airports at kuhanan ng mga visas, walang nagpuntang Georginn doon." 

"Baka pineke yung identities?" tanong ni kuya.

"I checked cameras. Made my men do it also. Wala naman." sagot ni Theo.

"Baka nasa ibang provinces." suggest ni Alena.

"Pinacheck ko ang toll gates, wala pa rin. And she will not probably drive with a baby, you know." sagot naman ni Pryle.

"Baka," mahinang sambit ko pero napatingin silang lahat sakin.

"Ano?" maikling tanong ni Pryle sakin.

"Nasa puntod sila ng magulang niya?" suggest ko.

Napataas sila ng kilay, "Bakit naman?" tanong ni Kyle.

"Nakuwento kasi sakin ni Fred kung gaano kasakit sakaniya ang mawalan ng magulang. Ganon rin siguro si Geo lalo na at hindi niya naman ito nakilala. Tapos, ngayon, ang nag-iisang kadugo niya ay wala na rin." saad ko sa maliit na boses.

"Saan kaya sila nakalibing?" tanong naman ni kuya.

"Sa taas ng bundok. They always go star gazing as a family." sagot naman ni Cloeh.

"Saan bang bundok sila laging pumupunta?" tanong ni Alena.

Doon na walang sumagot.

"We just need to go and search every mountain we need to." malamig na sambit ni Pryle.

"I'll go prepare your chopper kuya." pagpapaalam naman ni Kyle at tumango lang si Pryle dito.

Nagsimula naman nang magsitayuan ang mga tao at naghanda para sa paghahanap mamaya.

"Kuya." tawag ko kay Charles.

"Op?" sagot niya.

"San ako pupunta?" tanong ko dahil hindi ko naman kasi talaga alam kung kanino ako sasama.

"Doon ka kay Pryle." nakangising sabi niya pa kaya napakapit ako sa braso niya.

"Hindi ba ako pwede sumama sayo?" tanong ko.

Ngumisi ulit siya, "Magkasama kami ni daddy e. By pair raw, sis."

Ginulo naman niya ang buhok ko, "Doon ka na sa asawa mo at kayo ay mag loving loving." natatawang sabi niya at tuluyan na akong iniwan doon.

"Let's go?" tanong ni Pryle sakin at sasagot na sana ako nang bigla na niya akong hinila papasok sa kotse niya.


The Mafia's Hidden GemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon