0 4

5.3K 119 1
                                    

Chorene's POV

Nagising ako at asa eroplano na ako. Paano ba ako napunta rito?

"Miss? Asan po ako papunta?" tanong ko sa isang staff.

"Uhm, Queen. Asa Paris po kayo para po sa honeymoon niyo. Ihahatid po kayo ni Rolen sa hotel niyo po. Pinapabilin po ni King na dun lang daw po kayo sa room niyo. Wag daw po kayong lalabas." nakangiting sagot naman niya.


Pagkaland ng eroplano ay inalalayan na nila ako papunta sa limousine na maghahatid sa hotel na tutuluyan namin.

At dahil nga sabi nila ay medyo mahaba pa ang byahe bago makarating ay ninamnam ko na lang ang magandang view ng mga gusali at tao ng Paris.

Nakakita ako ng maraming couples roon, City of Love nga talaga. Sana all.

Nakarating na kami sa isang malaki at magandang hotel, binasa ko naman ang signage niya at ang nakalagay ay Viance Hotel. 

Pumasok na kami at binanggit lang nila ang pangalan ko at ni Pryle ay agad na pwede nakaming pumasok. 

Nakarating na rin kami sa tingin ko ay isang penthouse rito at isa lang ang masasabi ko. Ang ganda, sis. Sana all. 


Ilang oras pa ang nakalipas at nababagot na ako. Ang ganda nga rito pero ang boring naman. Ang tagal naman kasi ni Pryle eh.

Sumilip ako sa bintana at may katabi pa lang park itong hotel. Bumaba ako para maglakad lakad. Exercise at para mawala naman saglit ang boredom ko.

Nang mapagod ako ay umupo naman ako sa isa sa mga benches rito. ninamnam ang hangin at nilibot ang aking paningin. Nahagip ko namana ng isang lalake. Tinignan ko naman ito ng mabuti at narealize na si Pryle pala iyon at may kausap pang matandang lalaki.

Hindi ko pa rin inaalis ang tingin ko sakanila. Mukhang galit na ang matanda at naglabas ng ba- BARIL!?

"Miss? What are you doing?"

"Ayy butiking maputi!" gulat na saad ko dahil bigla namang may manggugulat. Para pa naman din akong ginagawang illegal dito dahil nakatingin ako sa isang away.

"You are a Filipino?" tanong ng lalaki.

"Yes."

"I am-" hindi niya na naituloy ang kanyang sasabihin dahil sa putok ng baril.

"Ano yun?" tanong ko kahit alam ko naman kung ano ba talaga iyon.

Sunod-sunod na ang tunog ng mga baril. Andito ako nagtatago sa isang puno. At grabe ang pintig ng puso ko.

"Miss, if I say run, run." tumango na lang ako dahil hindi ko na alam ang gagawin ko.

"Run!" sigaw ng lalake at tumakbo na lang ako. Di ko nga alam kung asan ako pupunta.

"Hindi diyan! Mali ka ng tinakbuhan!" Naramdaman ko na may dumaplis sa tenga ko at dumugo ito.

"Miel!" sigaw ni Pryle. Tumakbo siya sa kinalalagyan ko at niyakap pero tuloy parin siyang makipaglaban. "Fuck!"

Wala na ang mga kalaban at tumakbo na kami sa hotel.

"Why did you go out? I said that you are going to wait for me here! Nadaplisan ka tuloy!" sanay naman na akong masigawan.

"What?!" habol niya.

"Nabored lang naman ako! Di ko naman alam na bawal pala maglakad kahit diyan lang sa park na yan!" pagkasagot ko sakaniya ay umalis na siya.

The Mafia's Hidden GemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon