1 8

3.3K 68 1
                                    


——————————————•——————————————

Chorene's POV

Nagising ako dahil sa sinag ng araw. Ayaw ko pa imulat ang mata ko dahil baka nasa langit na ako. O kaya nasa kamay ng ibang tao.

Gustuhin ko mang huwag idikat mata ko, ang sakit sakit na talaga ng ulo ko.

"Oh, you're awake." Napalingon ako kung saan nanggaling ang boses na yon.

Naluha naman ako noong nakita ko ang gwapong mukha ng asawa ko. Buti na lang hindi ibang tao. Buti na lang si Pryle ang nasa harap ko.

"Akala ko may mangyayari ng masama sakin" naiiyak na sabi ko.

"Thanks to me. If I didn't see you you're dead meat now. I don't know what I will do if I will lose you."

Dead meat? Papatayin ako? Mababawasan na ng mabait sa mundo. Kinabahan nanaman ako para sa buhay ko. Ganito na ba talaga ang magiging takbo ng mundo ko?

Ipinikit ko ang mata ko para pakalmahin ang sarili kong kinakabahan para sa buhay ko.

Idinilat ko ulit ang mga mata ko ngunit wala na si Pryle. Hinanap ng mata ko si Pryle ngunit wala.

"Looking for me?" nagulat ako sa nagsalita.

"Ang kapal ng mukha mo." sabi ko kahit totoo namang hinahanap ko siya.

"At least mahal mo" nakangising pangaasar niya sakin.

Inirapan ko na lang siya. Nakakakaba kaya yung nangyari sakin kahapon tapos ganoon gagawin niya sakin!

"We're not going back to that school again." seryosong sabi ni Pryle.

"Huh? Bakit naman?" nagtatakang tanong ko. Hindi pwedeng hindi ako babalik. Paano na ako magaaral niyan?

"It's dangerous." pagpapaliwanag niya.

"Kaya ko sarili ko." pamimilit ko.

"What the! Chorene! Anong kaya mo na sarili mo? Kung di kita nakita ano na kayang nangyari sayo!? Then you'll say that kaya mo na ang sarili mo!?" napagtaasan na niya akong ng boses kaya napakayuko na lang ako.

"S-sorry" yun na lang ang salitang nakawala sa bibig ko dahil nagbabadya nanaman ang mga luha ko.

"Sh*t. Sorry. I didn't mean to shout. I'm just worried. Sh*t. Sorry. I"m really sorry." then niyakap niya akong dun ko lang nalaman na tuluyan na pala akong umiiyak.

Nakakainis naman! Sinigawan lang ako pero eto ako umiiyak na. Hindi naman ako ganito noong nandoon ako kila tita. Ano na nangyari? Bat parang ang hina ko na?

"I'm going to the company, Love. Wanna come?"pag-aya sakin ni Pryle.

Tumango na lang ako at pumasok sa cr para maligo at magbihis. Pagkatapos magbihis ay bumaba na ako at nakita ko si Pryle na naghihintay.

"So, let's go?" nakangiting sabi niya. Tumango na lang ako at sumunod sa kanya.

Lumabas na kami at pinapasok niya na ako sa kotse. Walang umiimik sa aming dalawa. Ang tahimik.

Huminto na ang kotse at pumasok na kami sa kompanya niya. At eto ako, o kami, pinagtitignan ng mga empleyado. Lahat ay bumabati at yumuyuko kay Pryle. Tapos yung iba sa mga babae, ang sama ng tingin sakin.

Pumunta na kami sa office niya at ako nakaupo lang dito sa couch ng sala ng office niya at tinitignan siyang nagtratrabaho. Kanina pa ako humihikab, inaantok dahil andami niyang ginagawa.

"Go to that room and sleep." napaangat ang ulo ko kay Pryle na nakatutok lang sa laptop niya.

Napangiti ako ng maliit dahil pinagtutuunan niya na talaga ako ng pansin. Sinunod ko na lang ang sinabi niya dahil inaantok naman na talaga ako.

Pumasok na ako sa kwartong tinuro niya at humiga sa napakalambot na kama hanggang sa unti-unti akong niyayakap ng kadiliman.

Nagising ako dahil sa malambot na bagay na dumadampi sa mukha. Pagmulat ko natulak ko si Pryle na nakaharap sakin at tinataniman ang mukha ko ng halik. Tinakpan ko ang mukha ko ng unan kasi alam ko na namumula ang mukha ko. Kinikilig nanaman ako kaya pulang pula nanaman.

"Aww. Sweetie! Why did you push me?" natatawang sabi niya Pryle

"Wala!" sigaw ko para itago ang hiya ko.

"Sweetie."Di ko parin tinatanggal ang unan ko sa mukha kahit pinipilit na niyang tanggalin.

"I will make love with you right here, right now kung ayaw mo yang alisin." agad ko namang inalis ang unan na nakaharang sa mukha ko pero mas lalo lang namula ang mukha ko dahil hinalikan niya ako sa labi. Nangangamatis na yata ako dito.

"Love? Are you okay?" nagaalalang tanong ni Pryle.

"I'm fine" iwas tingin kong sagot. Okay lang naman talaga ako. Kinikilig nga lang.

"Your face is as red as tomato." sabi niya at hinawakan ang mukha ko.

"Wala ito."

"Are you blushing? So cute." Natatawang saad niya at pinisil ang tungki ng ilong ko.

Hinampas ko na lang siya at tinalikuran. Sinira niya ang masarap at mahimbing na tulog ko. Pero ayos itong office niya ah. May kwarto.

And then hindi ko namalayan na nakatulog nanaman ako.

Pryle's POV

I see her sleeping again. Is she really that tired? I just want to cuddle with her.

She is really beautiful. My wife is so beautiful and precious. I will not let anything ruin the both of us.

Umayos ako ng higa at tinabihan siya and I kiss the top of her head and whisper, "Sleep thight, Love." then I fall asleep right beside the woman I love.

——————————————•——————————————

The Mafia's Hidden GemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon