2 2

3.3K 79 12
                                    


Warning : Mature Content.

——————————————•——————————————

Chorene's POV

Ever since my constant breakdowns because of my nightmares, laging sinisigurado ni Pryle na meron siya sa tabi ko pagkagising ko.

At sa bawat pagpikit ng mata sa gabi, pinapatulog ako ng maiinit na yakap ng lalaking pinakamamahal ko.

At simula noon, ang dilim na kinatatakutan ko ay unti-unting naging paraiso ng kasiyahan at pagmamahal.

Gising na ako pero hindi pa rin ako bumabangon dahil naiisip ko pa rin yung bangungot ko noong nagkasalubong kami ni Cloeh. At ngayon, ang panaginip ko na hindi ako sigurado.

May babaeng nakakilala ng lalaking kasing lamig ng yelo.

Lalaking inakala niya walang nararamdaman at wala man lang puso.

At hindi niya alam na meron pala siyang napakabuting puso.

Pusong mamahalin siya hanggang dulo at pusong handang ipaglaban siya laban kahit kanino.

Nanaginip ako. Isang panaginip kung saan hindi ako sigurado kung tungkol ba ito sa buhay ko. Hindi ako sigurado. Oo, hindi ako sigurado kung totoo bang mahal ako ni Pryle. Sinabi na niya ng maraming beses kung gaano niya ako kamahal pero lahat ng tao ay marunong magsinungaling. Handa ba talaga siyang ipaglaban ako hanggang sa kamatayan? Ito ang mga bagay na bumabagabag sa utak ko.

Mahal na mahal ko siya at hindi ko kayang mawala siya sa buhay ko. Siya ang tunay na nagparamdam sakin ng kasiyahan. Ang lalaking, nagsabing mahal ako. Ang lalaking pinrotektahan ako. Ang lalaking, mahal ko.

Napamulat na lang ako noong nakarinig ako ng sunod-sunod na malalakas na katok.

Napatingin ako at wala na pala si Pryle. Sabi niya di siya aalis, e.

"Ate Chorene!!!!" sigaw noong tao sa pinto.

"Ate Chorene!!! Get up! Kuya Pryle is really mad na!" talagang nilakasan niya pa anv katok at sigaw.

"What the hell, Kyle?" sigaw ko naman pabalik. Ang aga aga nambubulabog.

"Ate naman! Ako mabubugbog neto! Galit na si kuya, o!"

What the heck? Bat nanaman nagagalit yung hinayupak na yun!

"Oo na po, sir Kyle! Babangon na po ako at magbibihis lang. Bababa na rin ako mamaya! Huwag kang magalala!" sigaw ko na lang. Kawawa naman kasi siya e, baka talagang tinututukan na ni Pryle ng baril.

Padabog akong bumangon. Ikaw ba naman na ang lalim na ng naiisip mo tapos bigla bigla kang kakatukin at sisigawan ng pagkalakas lakas?

Pumunta na lang ako ng banyo at naligo agad. Nagpalit naman ako ng simpleng t-shirt at short lang. Dito lang naman ako sa bahay e.

Bumaba na ako at pumunta sa may kusina. Nakita ko naman siyang nakaupo sa may dining table, nagkakape.

"Pinapatawag mo raw ako? At galit ka raw?" tanong ko naman.

Napaangat ang ulo niya at ngumiti.

"Come here." sabi niya at binitawan ang kape. Nabigla naman ako noong bigla niya tinap ang hita niya.

Huwag mo sabihing dun niya ako papaupuin?

Lumapit naman ako sakaniya at umupo sa tabi niya.

Nagulat na lang ako nang bigla niya akong hinila at pinaupo sa lap niya.

The Mafia's Hidden GemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon