0 7

3.8K 63 0
                                    


——————————————•——————————————

Chorene's POV

Maaga akong nagising dahil ngayon ang Simula ko bilang katulong ni Pryle. Okay lang naman sakin na ako ang mapahamak eh, wag lang ang trabaho ni Jeremine dahil siya lang ang inaasahan ng pamilya niya. Tsaka pagiging katulog? Wala naman akong reklamo don. Lumaki kaya ako bilang katulong nila tita.

Naligo na ako at sinuot ang maid uniform nila pero masakit parin ang paa ko.

"Hoy! Idala mo itong breakfast ni Sir sa room niya" utos sakin ni Bea.

"Asan ba ang room niya?" tanong ko.

"Doon sa may black na pinto"

Pumunta na ako doon at bukas ito. Office naman ata ito. May nakita ako ulit na pintong black, siyempre kumatok muna ako.

"Come in" tipid na sabi ni Pryle.

"Breakfast po" maikli lang ring sabi ko at walang kabuhay buhay. Ang sakit kaya ng paa ko.

"I don't like that black coffee, I want white." malamig na sabi niya. Asar naman ang sakit na ng paa ko na umakyat dito tapos ipapabago niya yan.

"Sige po" umoo na lang ako dahil baka bigla niya nanlang ako putukan dito.

Umalis ulit ako tapos babalik na sana ako sa kusina ng biglang nadulas ako. O diba, ang tanga lang.

"Ahh." pabulong ko na sambit.

"Oh, Ate Chorene, okay ka lang?" tanong ni Kyle

"Sa tingin mo ba-ahh" gagalaw na sana ako kaso masyadong masakit ang katawan ko.

Nadulas na nga masakit pa yung paa ko. Asar ah. Ang tanga lang.

"Bat ang tagal ng coffee ko?" inis na tanong ni Pryle

"Kuya naman, kita mo oh nadulas na nga siya may sugat pa paa niya tapos uutusan mo pa? Grabe ka talaga." inis rin na sabi ni Kyle

"I don't care about her. Ayoko na pala ng white coffee, I want black."

Urgh. Tinignan niya ako na nasa sahig,

"Tatanga pa" dagdag niya at tuluyan ng umalis.

"Ate, gagamutin ko na lang yang sugat mo." alok naman ni Kyle.

Pumunta kami sa kwarto niya.Ginagamot niya ang sugat ko habang ako naman ay nakaupo sa Kama niya.

"Gagaling din yan. Magpahinga ka na lang muna dito, Ate."

"Sige. Salamat" nginitian niya na lang ako.

At dahil sa pagod at saking ng katawan ko. Hindi ko na namalayang nakatulog na ako.

———hours later———

Nagising ako at patay ang ilaw. Bumangon na ako at meron akong naramdaman na matigas sa may sahig.

Biglang bumukas ang ilaw at

"Pati kapatid ko pinapatulan mo?" galit na tanong ni Pryle

Di ko lang siya sinasagot at nakatitig lang ako sa katawan ni Kyle. "May affair ba kayo ng kapatid ko!"

"Ano bang problema mo? Wala kaming affair ng kapatid mo! Sayo ako kasal! Wag mo akong itulad sa ibang babae, Pryle! Hindi ako katulad nila!" naramdaman ko na may mainit na likido sa mga pisngi ko.

"At kung ano man ang iniisip mo wala yun."

"Eh bakit ka nakahiga sa Kama ni Kyle?"

"Malamang nakatulog ako dahil ginamot ng mabait mong kapatid ang sugat ko sa paa at pinagpahinga ako dahil naawa siya sakin na sobrang sakit na nga ng paa, nadulas pa. Diba ako na yung tatanga lang?" di ako umiiyak dahil masakit ang paa ko. Umiiyak ako dahil ayokong nahuhusgahan.

Umalis na lang ako dun at dumeretsyo sa may garden nila.

"Di niya kasi alam kung ano yung nararamdaman ng nahuhusgahan. Alam ko naman na hindi siya nasasabihan ng masasama dahil Mr. Perfect siya. Pero kahit naman sana hindi siya magsalita ng ganun. Tapos ginaya niya pa ako sa mga malalanding babae. Bwisit!"

Patuloy ang pag agos ng luha ko sa aking mukha. Badtrip naman o.

"Sana asa bahay na lang ako nila Tita para kahit na inuutusan niya ako at sinisigawan nakikita ko pa yung favorite tulips ko."

Pryle's POV

Ngayon ko lang siyang nakitang umiyak sa harapan ko.

"King, tulala po ata kayo?" tanong ni Taydus

"No. Just thinking of something" sagot ko.

"Ang lalim po, King" sambit ni Taydus at tinanguan ko lang siya.

I think I need to say sorry for the mean things, I just said to her.

Umalis na si Taydus at nakaharap lang ako sa laptop ko. Hay. I am such a jerk.


Chorene's POV

Andito ako sa kusina, wala namng gagawin diba?

"Queen, are you okay?" nagaalalang tanong Jeremine. I smiled at him at sinabi ko na I'm just fine.

"Jeremine? Can I help? Di naman na ako pinagbabawalan dahil isa na akong dukhang maid at wag mo na akong tawaging Queen"

"Sige po Q- ayy Chorene pala"

Tumulong ako sa mga ginagawa nila hanggang mag 9:30 na ng gabi.

"Oh Chorene? Di ka pa matutulog?"

"Di pa ako inaantok eh"

"Sige alis na muna ako." paalam niya sakin.

Umalis na si Jeremine at ako na lang magisa sa kitchen at nagbabake ako ng cupcakes. Tinuruan kasi ni Jeremine ako kung pano magbake.

Bake lang ako ng bake hanggang mag 12 na. Dinalaw na rin naman ako ng antok at naghahanap na ang katawan ko ng kama. Ay oo nga pala, wala ako non. Makatulog na nga.

Papunta ako sa Maids' Quarter ng nakita kong asa labas ang mga maid. Pumasok na lang ako dun at bahala sila dyan sa labas.

"Hey, Miel. I'm sorr-" paninimula ni Pryle. Masyado akong pagod at nasaktan para makipagusap sakanya.

"Okay lang." nakafake smile kong sabi sakanya.

"Where is your bed?" tanong niya sakin at tinuro ko naman ang sahig at ang mukha niya ay parang nalilito.

"I'm not asking where is the floor is."

"Tinatanong mo kung saan ako natutulog edi diyan sa sahig. Walang sapin, unan at kumot. Masaya ka na siguro."

"Sinong nagsabi na diyan ka sa sahig matulog?" galit na tanong niya. Oo, galit nanaman.

"Sino pa ba edi si Bea."

"Bea! Is it true na sa sahig mo pinatulog ang asawa ko?" galit na tanong ni Pryle

"Ah eh, King, a-ano po kasi eh" pageexplain ni Bea

"Explain everything tomorrow at may office. And you, Miel. Sa kwarto ko kana matulog." tapos bigla niya na lang ako hinila.

Nagshower na ako at humiga sa may couch ni Pryle. Ayoko naman siya na katabi noh.

"Miel? What are you doing there?"

"Sleeping." tipid na sagot ko.

"Dito ka sa kama matutulog o gagawa tayo ng tagapagmana ko ngayon na."

Napadilat naman ako sa sinabi niya at daling pumunta sa kama niya. Bwisit! Ayoko pano. Bata bata ko pa lang eh.

At dahil sa takot na may gawin sakin ang isang Vlien Pryle Clarkson, naglagay ako ng unan sa pagitan namin at doon ako natulog sa pinakadulo.

——————————————•——————————————

The Mafia's Hidden GemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon