3 3

1.1K 22 2
                                    

Georginn's POV

Alam ko na marami kayong tanong. I am Georginn Diann Shin, ang nawawalang kapatid ni Fred Garcia. I found out about it noong nalaman niya na ikinasal si Chorene kay Pryle. At noong nalaman niya na kaibigan ko si Chorene.

Ikinwento ni kuya Fred kung paano inagaw ni Pryle si Cloeh sakanya. At ngayon, kailangan naman ako ni kuya na mapalapit sa pamilya nila para makabawi sakanila.

"Ang bilis lang naman pala tamaan ng Clarkson na iyan. Basta ba ang targetin ay ang asawa niya."

Si Chorene?

"Geo, nakakunot nanaman iyang noo mo. Hindi naman talaga sasaktan iyong kaibigan mo eh. Bait lang siya."

Inirapan ko siya, "Pero tinutukan mo pa rin."

Niyakap naman niya ako, "Akala ko ba gusto mo akong tulungan sa mga plano ko."

Lumayo naman ako sakanya, "Pero pinagusapan natin na labas si Chorene dito!"

Hinawakan naman niya nang mahigpit ang kamay ko, "Anong magagawa ko? Anak ng dating big boss iyang kaibigan mo! At ngayon asawa ni Clarkson!"

Mas lalo niyang hinigpitan ang hawak sakin, "Umuwi ka na doon kay Kyle at gawin mo ang parte mo rito."

Inalis na niya ang pagkakahawak sakin at pumasok sa office niya. Sinuot ko na ang fake pregnancy belly ko at umalis.

Iniintindi ko na lang si kuya dahil alam ko kung gaano kahirap para sakanya ang mga nangyayari. 

Si Cloeh ang taong minahal niya ng sobra. Hindi alam ni kuya kung paano ba makapagmove on doon sa Cloeh na iyon. Nagulat na lang siya at biglang umalis si Cloeh at iyon pala ay mahal nang iba at si  Pryle iyon. 

Pagkatapos rin nilang maghiwalay ni Cloeh ay doon siya naaksidente kasama ang magulang namin. Siya nga lang ang nakasurvive. Sinisisi niya rin ang sarili niya dahil sa nawawala siya sa sarili niya noon ay nakipagtalo pa siya sa tatay namin. 

Sinisisi niya ang sarili niya dahil namatay sila pero narealize niya na dapat ang sisihin niya ay si Pryle. Dahil kung wala si Pryle ay hindi aalis si Cloeh kay kuya at hindi siya mawawala sa sarili para makipagtalo kay dad.

Umuwi na lang ako sa bahay ng adoptive parents ko at hinintay na sundui ako ni Kyle.

Nagulat na lang ako ng bigla siyang tumawag.

"Babe." 

[San ka nagpunta?]

"Ha?" nagtatakang tanong.

[Ang sabi ko, saan ka nagpunta?]

Napalunok naman ako sa sinabi niya, "Anong sinasabi mo? Andito lang ako sa bahay."

Tumawa siya ng mapakla, [Liar.]

"Ha?" 

[Dumaan ako diyan kanina dahil pupunta dapat tayo ng ospital. But thanks for not letting me know, liar.]

Doon niya na binaba ang tawag at naiwan akong nakahawak pa rin ako sa phone ko sa tenga at nakaawang ang bibig.

I messed up. 


Chorene's POV

Hawak-hawak ko pa rin si Savi at umiiyak lang ako habang hinehele siya dahil nakatulog siya.

Nasa operating room pa rin si Pryle at nakakakaba naman maghintay dito sa waiting room. 

Nakayuko lang naman si Kyle sa isang sulok habang si kuya ay hinahagod ang likod ko.

The Mafia's Hidden GemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon