2 0

3.3K 75 2
                                    


——————————————•——————————————

Pryle's POV

Pagkatapos nakaalis ang mga bisita ay umakyat na ako sa kwarto para humingi ng tawad kay Chorene kaso nakita ko siyang natutulog na pero may luha sa mata.

Lumapit ako at pinunasan ang luha niya.

"I'm sorry, baby." bulong ko at nagtanim ng halik sa noo niya.

Pagkadating kaninang umaga ay nauna akong nagising kesa sakanya. Gusto ko kasing bumawi dahil kahapon. Alam ko naman na kahit papano ay nasaktan talaga siya.

Hindi ko pa alam kung ano ba ang gagawin ko para makabawi.

Chorene's POV

Kanina pa ako nanonood ng TV dito sa kwarto. Buti na lang at noong nagising ako, wala akong nakitang Pryle sa kama.

At dahil alam kong baka nasa office lang siya, hindi ako lumabas at tumawag na lang sa intercom na dalhan na lang ako ng pagkain.

Noong may kumatok sa pinto ay agad ko itong binuksan dahil akala ko kasambahay namin ang kumatok.

"Good morn-" bati sana ni Pryle sakin. Kaso pagkakita ko pa lang ng mukha niya ay agad ko nang isinara ang pinto pero naitulak niya ang cart kaya tuluyan na siyang nakapasok.

"You should eat. I, um, cooked this." nahihiyang sabi niya.

Ang haba talaga ng buhok ko. Akalain mo yon, napagluto ko si Pryle.

Kinukha ko naman ang plato dahil curious ako kung ano bang lasa ng pagkaing luto ng isang pogi.

Napangiti ako noong nakita kong yung itlog na prinito niya ay nakaheart shape at tostang tosta ang pagkakaluto ng bacon. Ang ganda naman sana gumising kung ganito araw-araw.

Amp. Masarap.

"How is it?" kinakabahang tanong niya. Hindi ko lang siya pinansin at nagpatuloy sa pagkain.

Umupo siya sa harap ko, "Are you still mad at me?"

"About yesterday, I really am sorry." doon ko na inangat ang tingin ko. Mukha naman siyang nagsisisi e.

"Baby, I'm very sorry." paghihingi niya pa rin ng tawag.

"It was not really my idea. I mean I have other plans talaga kaso sila Kyle ang nagsabi na ganon na lang. Baby, I'm sorry. Forgive me, please? I'm-" pagpapaliwanag sakin ng napakapog- napakahinayupak kong asawa pero di niya pa tapos ang sinabi niya ay niyakap ko na siya.

Di ko talaga matiis ang napakagwapo kong asawa.

"Di mo talaga matiis ang gwapong ako" nakangiting sabi niya at hingipitan ang yakap sa bewang ko.

"Ang hangin ah. Nililipad ako." pabiro kong sabi.

"Totoo naman eh." sabi naman niya.

"Ah. Talaga ba? Sige. Dyan ka na nga" pabiro ko siyang iniwan dun. Bahala siya.

"Sweetie, bati na tayo." sabay back hug. Tinanggal ko naman yung kamay niya habang nagkukunwaring nagtatampo.

"Hmmp bahala ka dyan." Iniwan ko siya ulit.

"Ang ganda talaga ng sweetie ko." inirapan ko lang siya at iniwan nanaman.

"Mahal na mahal ko talaga yung baby kong maganda." pagkasabi niya non ay hinila niya ako at niyakap ulit.

"I love you." malumanay na bulong niya.

At dahil doon napayakap na ako sakanya pabalik.

"Tignan mo hindi mo talaga ako matiis." pangangatwiran niya ulit.

Tumawa na lang ako at humiwalay sa yakap niya.

Tumungkad ako at hinawakan siya sa leeg, "Oo na." pag-amin ko at mabilis siyang hinalikan sa labi.

"I love you, Pryle."

Hinalikan naman ako ni Pryle. Mas matagal at mas madiin.

"I have a present for you." sabi niya habang may kinuha sa likod niya.

Isa siyang box mula doon sa jewelry store na pinuntahan ko sa mall.

"Ano ito?" tanong ko sakanya.

"Open it, baby." sabi niya at hinalikan ako sa noo.

Pagkabukas ko nung box ay nakita ko naman ang bracelet na gusto ko sanang bilhin kahapon.

"Pryle, ang mahal kaya nito!" sabi ko at hinampas siya sa dibdib.

"But you want it. And besides, barya lang ang 100,000 sakin." sabi niya habang nakangisi.

"Ayaw mo na ba niyan?" tanong niya.

Umiking ako at hinalikan siya sa pisngi, "I like it very much. Thank you, love."

Nakangiti naman na siya ngayon ng sobrang laki.

Niyakap niya ang bewang ko at hinalikan nanaman ako.

"I'll do everything for my queen."

——————————————•——————————————

The Mafia's Hidden GemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon