1 1

4.1K 82 4
                                    


——————————————•——————————————

Chorene's POV

Good Morning! Late ako nagising at wala na ang aking katabi. I had a really great dream!

Gusto niyo pong malaman?

NagI love you daw si Pryle sakin! Pero siyempre sinagot ko din daw ng I love you, too! Sana magkatotoo ang dream ko!

Naligo na ako at bumaba para kumain, wala trip ko lang. Bat di ako pumasok? Kasi walang pasok.

"Good afternoon, Queen. Pinapasuot po ito ni King. Aalis daw po kayo ni Kyle mamayang before dinner." sabi ni Taydus at ibinigay sakin ang isang paper bag at isang shoe box. I open it and the dress is really good! And the shoes? I love it!

Habang naghihintay ako bago dumating ang oras kung kelan kami lalabas ni Kyle ay nagbasa na lang ako ng mga lessons ko at nanood ng TV.

Sa ilang oras ng pagbabasa at panonood, tinignan ko ang oras at aalis na pala kami mamaya ni Kyle. Nagshower na lang ako at sinuot ko na nag ibinigay sakin. Kinuha ko na rin ang bag ko sabay lagay ng cellphone at pulbo saka bumaba. Hindi ko nga alam kung saan kami pupunta at ganito ang pinapasuot sakin.

"Hi ate. You look very gorg!" sabi ni Kyle at nagthank you na lang na tumatawa. Kasi naman yung pagkasabi niya ng gorg ay boses babae.

"Let's go" dagdag niya naman at pinasakay na niya ako sa car niya.

"Ate Chorene? Mahal mo na si Kuya, noh?" biglang tanong ni Kyle habang nakangiting mapangasar.

"Anong klaseng tanong yan Kyle?"

"Just answer my question, Ate." sabi niya ng nakangiting nakakaloko parin.

"Oo?" nahihiyang pag-amin ko.

"Ate, alagaan mo si Kuya. Wag mo siyang sasaktan at higit sa lahat wag mo siyang iiwan. Wag mo nang gayahin si Ate Cloeh." hindi ko na narinig ang last na sinabi ni Kyle dahil hininaan niya na ang pagkakasabi niya.

"We are here" sabi niya at bumaba kami sa isang sobrang gandang garden na napapalibutan ng red roses.

Hinanap ko kung asaan na si Kyle pero bigla na lang siyang nawala. Maglalakad na sana ako ng biglang may humablot sakin at tinakpan ng blindfold ang aking mga mata. Unti unti niya akong inilalakad sa garden ng huminto siya at bigla niyang inalis ang blindfold sa mga mata ko at umalis.

"You like it?" tanong ni Pryle na bigla na lang lumitaw out of no where.

"Hindi. Gustong gusto. Ang ganda, sobra" sabi ko naman sakanya.

"First date natin ito. So, let's enjoy it." nakangiti niyang sabi. Nagkuwentuhan lang kami at kumain.

"Hmm, Miel?" pagtawag sakin ni Pryle.

"Bakit?" humarap ako sakanya at nagulat na lang ng bigla niya akong hinalikan.

First Date? First Kiss? Grabe to! Kilig lang?

"I love you, Miel. I will never leave by your side." sabi ni Pryle.

"I love you, too. Andito lang rin ako. Palagi." nakangiti kong sabi at hinila niya ako at niyakap.

Hinalikan niya naman ang tuktok ng ulo ko.

Umalis na kami at umuwi. Yieee. Best Day Ever!

Andito ako ngayon sa kwarto namin at nakaupo lang ako sa couch.

"Love?" tawag ni Pryle.

Infairness yung level up. Love raw o.

"Hmm?"

"Can we make our heir?" bulong niya.

"Hoy! Ano sabi mo?" sigaw ko.

"Can we make na our heir?" ulit niya pero mas malakas na ngayon.

"Ambabata bata ko pa dyan! Tas wag kung ano-ano sinasabi mo! Pryle, ah."

"Tss. Sorry" ang cute naman ng asawa ko! Nakapout kasi siya habang sinasabi iyon. Tumalikod na siya at pumasok yata sa banyo.

"Bahala ka sa buhay mo!" sigaw ko sakanya at lumabas muna sa kwarto.

Nagikot ikot ako sa office niya. May nakita ako sa desk niya na pictures. Picture ng isang group na nakikipaglaban. Feel ko group nila Pryle, ito. Office niya rin kasi e .

Naningin pa ako ng mga litrato sa pffice niya hanggang sa nakarinig ako ng para bang putok ng baril. Hindi pa ako sigurado noong una pero naulit nanaman.

Pumasok na ako sa aming kwarto at meron nanamang putok ng baril.

"Pryle!" sigaw ko.

Lumabas na siya sa C.R. kakatatapos lang magshower.

"Bakit, Love?" tanong niya habang hawak ang pisngi ko.

"I heard gun sho-" nakarinig nanaman kami ng putok ng baril.

"F*ck! Dito ka lang." tumango ako at lumabas naman si Pryle.

First date? First kiss? First attack? Di ko na alam kung ano pa susunod. Ito ba ang buhay ng mga mafia?

"Are you okay? Wala na sila, okay?" tanong ni Pryle na nagaalala.

"I'm fine, ikaw?" balik na tanong ko sakanya.

"Okay lang ako basta okay ka lang din." sabi niya habang hinahalikan ang noo ko.

"I love you" dugtong niya at hinalikan ako sa labi.

"I love you,too." sagot ko naman pagkatapos niyang humiwalay sa halik.

Hindi ko pa rin makalimutan ang nangyari kanina at ang lakas pa rin ng tibok ng puso ko.

Humiga na lang ako sa kama at katabi ko si Pryle na nanunuod ng Saw. Kadiri.

"Pryle, lipat mo. Please?" pagpipilit ko sakanya.

"Ayoko" sabi naman niya.

"Please?" pamimilit ko pa rin.

"Ang ganda nga oh tas ipapalipat mo." sabi naman niya na hindi nagpapatinag.

Inirapan ko na lang siya at bumaba para kumuha ng tubig.

"Hi Ate! Nakagawa na kayo?" sabi ni Kyle na parang kabute na bigla na lang lumilitaw at parang walang nangyaring putukan kanina.

"Anong nakagawa?"

"Ng bab- aray! Ate naman. Joke lang eh" binatukan ko kasi siya dahil sa kung ano-anong pinagsasabi ng batang kasama ko.

Uminom na ako ng tubig at bumalik sa kwarto.

Pagkabalik ko, nakapatay na ang TV at natutulog na ng mahimbing si Pryle. Humiga ako sa tabi niya at hinalikan ang noo niya.

——————————————•——————————————

The Mafia's Hidden GemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon