3 4

856 11 0
                                    

Georginn's POV

"Good job, Geo!" tumatawang sabi ni kuya habang nandito kami sa isang warehouse.

"Anong gagawin mo kay Savi, kuya?" bigla namang napakunot ang noo ni kuya at humarap sakin.

"Do you care about that child?" nanalisik ang mga mata niyang nakatingin sakin.

"Of course! We should never let a child hold accountable of her parents' actions! She's innocent!" pakikipagtalo ko. Minahal ko rin naman si Chorene at mahal ko ang anak niya. She will be broken hearted if Savi will die.

Tumawa naman si kuya nang mapakla. "I never said that I will hurt her. Gagamitin lang naman natin itong bata para mapalabas iyong nanay niya."

I glared at him. We have an agreement that Chorene is out of this. 

"Chill. Gagamitin ko lang rin naman si Chorene para mailabas si Pryle."

Tumawa nanaman siya ng malakas.

"And that is when I will kill him in front of his family. Pambawi sa kasalanan niya sa pamilya natin."

Napatango na lang ako dahil masakit rin sakin ang idea na wala na ang tunay na magulang ko. 

Alam ko sa sarili ko na walang kinalaman sina Pryle sa pagkamatay nila pero ayaw ko rin naman na mapalayo ang kapatid ko sakin.

Alam ko na ngang may kapatid ako kaya sinusulit ko ang panahon na magkasama kami. Even if it's in the most vile and horrible way.

"Idala mo na lang iyan sa kwarto niya." tumango ako at ipinunta si Savi sa isang kwarto rito.

Ihiniga ko siya sa maliit na kama at binigyan ng maliit na bote ng gatas.

Tinitignan ko lang siya at nagsisisi kung bakit pa siya naidamay dito.

Kinuha ko na ang bote ng gatas noong natapos niya na ito inumin. Nagulat na lang ako ng bigla siyang humagikgik. 

I gave her a sad smile.

I'm very sorry, Savi. I'm very sorry.


Chorene's POV

Pabalik- balik lang ako rito sa mahabang pasilyo ng manyon dahil hindi ko alam kung nasan ba sila Geo.

"Can you calm down?" mahinahong tanong ni daddy sakin.

"Calm down? How, daddy? Nawawala iyong anak ko at baka nasa kamay pa ng isang delekadong tao! How the fvck can I calm down?"

Napasapo naman ang tatlong lalaki na nasa harap ko.

"Your husband is not even awake at ito pa ang nangyari." nagrereklamong sabi ni kuya.

"Oh, kuya Pryle, ano nang gagawin namin?" madrama namang dasal ni Kyle.

"Wala ka bang alam na pwedeng taguan ni Geo?" tanong ko

Nag-isip naman si Kyle, "Wala eh, puro lang siya condo at bahay hanggang sa nagsisinungaling naman pala siya sakin." lumamig ang boses niya pagkasambit niya tungkol sa pagsisinungaling ni Geo.

"Mas mabuti pang magpahinga ka muna, Chorene. Kami na ang maghahanap sa anak mo." suggestion naman ni Daddy at tumango na lang ako.

Maybe I do need to rest.

Pagkapasok ko ng office ni Pryle ay naalala ko ang bracelet ni Savi na may tracker. Dali- dali ko namang binuksan ang laptop ng asawa ko at tinype ang password niya. 

The Mafia's Hidden GemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon