0 5

4.8K 98 0
                                    

Chorene's POV

Andito ako ngayon sa kwarto at nakahilata. Wala magawa eh.

Bumangon lang ako noong nakarinig ako ng katok.

"Queen, pinapabigay po ni King." sabi ni Taydus na may dalang maliit na paper bag.

"Thank you" yan na lang ang nasabi ko at umalis na siya.

Naalala niyo ba yung paper bag na bigay ni Viatrese? Ang laman nun ay WiFi! Yohoo! Pinabibigay daw yun sakin ni Pryle.

Binuksan ko na ang bagong bigay na paper bag sakin ni Taydus. Oh my! iPhone 12 Pro Max lang naman po ang phone na kaniyang binigay. Sana all mayaman.

Binuksan ko na ito at lahat ng asa contacts ko sa dating cp ko ay Andito pero ngayon including na siya, si Kyle, si Rolen at si Taydus.

May apps na rin? Ganda ah.

Bumaba muna ako para maglakad lakad sa labas ng mansyon nila. Nakakabisado ko na ang pasikot sikot dito.

"Hi ate! Ngayon ka lang at a lumabas ah" bati ni Kyle na nakaupo sa isang bench sa may garden nila.

"Ah, oo nga eh. Nga pala, Kyle, sinong mahilig sa roses at puro pink?"

"Ate, may ex-girlfriend kasi si Kuya, ex-fiancée niya rin. Mahilig ito sa pink kaya ang garden namin ay puro pink roses. Pati yung room mo kanya iyon, dati."

Ah okay. Pero bakit may orchid?

"Eh bat may nagiisang orchid?"

"That is Mom's favorite flower. Noong pinapalit ni Cloeh ng puro pink roses ang garden yan na lang ang natira. Puro orchid ito dati. Pero Simula noong meron na si Cloeh pinaalis niya. Gusto niya pa sana na walang matira pero ayaw ni Kuya kaya isa lang ang natira."

"Pero bakit meron parin itong mga ito dito?Ex niya naman na Diba?"

"Ewan ko ba kay Kuya"  ah. Baka mahal niya pa.

Nagkuwentuhan pa kami hanggang magtanghali na at naglunch na kami.

Pagkatapos namin kumain pumunta ako sa kusina para tumulong sa mga cook.

"Hello po Queen. Ano pong ginagawa niyo dito?"

"Can I help, Jeremine?"

"No Queen. Ayaw po ni King na magtrabaho kayo."

"Please" with matching pout at puppy eyes.

Pinipigilan ni Jeremine na pumayag dahil sa kakulitan ng asawa ng amo niya.

"Pero po, Queen, kapag nalaman po ni King magagalit po siya."

Di na lang ako nakinig at tumulong na sa mga assistant chef dito.


Kanina pa ako tumutulong dito at kanina pa tanong ng tanong si Jeremine kung okay lang ako.

At biglang may pumasok sa kusina at,

"Chorene! What are you doing here!" Guess who, malamang si Pryle yan.

"I am just helping them! Masama ba, hah!?"

"Ganon ah! Go back to your room! We need to talk!"

Masama yatang ideya ang pagsagot at pagsuway sa asawa.


Hinatak naman niya ako paakyat at pinapasok sa kwarto kung saan ako natutulog.

"You are just staying here!" sigaw niya at umalis na.

Hay! Lock nanaman ako. I feel like I am a prisoner. Bakit ba naging asawa kita? Bakit ba? Bat ba ang big deal nun sayo?

At dahil nga namimiss ko na ang mga kaibigan ko at napakamiserable ng buhay ko rito, iniyak ko na lang ang aking nararamdaman hanggang sa makatulog ako.


Nagising ako dahil sa presensya at mata na nakatitig sakin na tila bang nagdadalawang isip kung gigisingin ako.

Pagkamukat ko ay nakita ko na si Taydus pala. "Queen, ito na po ang dinner niyo." saad niya habang nilalapag ang tray ng pagkain.

"Ah thank you" tipid na sabi ko.

Kinain ko na ang dinner ko at nagshower. After kong nagshower ay may napansin akong book sa coffee table ng sala dito sa room ko.

Vlien Pryle Clarkson

Story ata ng mokong na yun ah!

Tawa lang ako ng tawa dahil nakakatawa ang story niya. Diary niya pala ito. Tapos may mga epic pictures.

Ipinatong ko na lang ang diary niya ng medyong boring na. Nanood na lang ako ng TV. Gabi na pala.

Napatingin ako sa pintuan dahil may kumakatok.

"Good evening, Queen. Kukunin lang po namin ang napagkainan niyo."

Iniligpit ng maid na dumating ang pagkain na nasa tray at lumabas na.

Pagkatapos niya kumabas ay agad agad na sinarado ng bantay kong tuta ni Pryle. Hindi ba talaga nila ako papaalisin?

Nanood lang ako ng mga movie hanggang sa binisita na ako ng aking antok.


"Ako ang sisira sa pamilya mo Carl. Ako. Hindi puwede na hindi mo aakuhin si Cloeh. Hindi puwede!" sigaw ng isang babaeng sunog ang isang side ng kaniyang mukha.

"Hindi mo magagawa ang gusto mo Yvonne! Magkakamatayan muna tayo!"

Lihid sa kaalaman ng mga ito ang pagtakbo ng isang babaeng na may hawak na dalawang sanggol, isang babae at isang lalake.

"Ang mga sanggol mo ang kabayaran ng lahat! Lahat!"

Ipinaubaya ng babae ang anak niyang lalake na si Charles, sa kaibigan niyang si Leo. At ang babae naman ay sa kaniyang nakababatang kapatid na si Mark. Sa kasamaang palad ay naaksidente ang babae na si Mika ang Ina ng mga bata at ang asawa ni Carl.

Pinalaki ni Leo si Charles na isang matapang at mabait na binata.

Pinalaki naman ni Mark na mabait at masunuring bata si CM. Sa kasamaang palad naaksidente ito dahil sa car accident. Simula noong namatay si Mark itinuring na katulong ni Eva ang pamangkin ng kaniyang asawa. Puro pera na lang ang alam ni Eva.


Pagkatapos nun ay nagising na ako at dahil naiinom ako. Tinawag ko muna ang isa sa mga nagbabantay sakin at humingi ng tubig at binigyan niya naman ako at bumalik na ako sa tulog ko.

The Mafia's Hidden GemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon