0 3

5.8K 119 0
                                    

Chorene's POV

Bukas na raw ang kasal namin ni Pryle. Takot ako para sa buhay ko kaya hindi ako pwedeng hindi sumangayon sa gusto nila.

Bumaba ako at pumunta sa kusina at nakita ko si Jeremine. "Oh, miss. Bakit po kayo nandito?" tanong naman ni Jeremine.

"Jeremine, pwede ba ako tumulong magluto ng mga niluluto niyo? Gusto ko kasi matuto." Gusto ko lang talaga na matuto ng mga high class na recipe. Alam ko naman magluto pero puro puhate lang ng carinderia ni Tita.

"Eh, miss. Magagalit po si Sir Pryle."

"Bakit naman?"

"Hindi po kasi pwede magtrabaho ang mga Clarkson, miss." pagpapaliwanag naman niya.

"Hindi naman ako Clarkson, a!" pagpupumilit ko pa.

"Pero papakasalan niyo po si Sir Pryle."

"Sige na nga." sumuko na lang ako. Sa susunod na lang.

Lumabas muna ako sa mansyon na ito at napadpad sa may garden nila. Maganda naman dito at payapa pero parang hindi pinupuntahan ng mga tao dito.

"Uhm, Kuya Gardener!"

"Ah, miss. Ako po si Juan. Anong po ipaglilingkod ko sa inyo?" tumigil naman ito sa pagdidilig ng mga halaman.

"Ah Kuya. Sino po ang mahilig sa roses? At puro roses ang tanim dito? Isa lang ata ang orchid eh"

"Ah Miss. Bawal ko po sabihin" Dami naman sikreto.

"Ah sige. Salamat na lang po" sabi ko at nilibot ko lang saglit ang mata ko. Nakkasilaw kasi ang kakulangan ng variety ng tanim rito.

Umalis na ako sa garden at pumunta na sa kwarto ko. Binuksan ko ang TV at nagmovie marathon mag- isa. Nanood na lang ako at hanggang sa dinalaw ng antok at sa couch na natulog.

Pryle's POV

Itinigil ko ang ktse ko sa tapat ng malaking front door ng mansyon at ibinigay sa isang tauhan ang susi para ipark ang kotse ko. Di ako nagpakita ng ilang araw dahil inaayos ko ang kasal namin ni Chorene.

Kauuwi ko lang sa opisina ko at dumaan muna sa kwarto ni Chorene. She is sleeping at the couch at nakalimutan niya pa na ioff ang TV. Inoff ko naman ang TV at kumuha ng unan at kumot at ibinigay sakaniya.

Kung nagtataka kayo kung bakit ko siya papakasalan ay dahil gusto ko siyang parusahan sa pamamahiya ng isang Vlien Pryle Clarkson sa harap ng maraming tao.

Wala namang pag- ibig na mangyayari. At least, I hope not.

Umalis na ako at dumeretso sa sarili kong kwarto at nagpahinga.

Chorene's POV

Nagising ako dahil sa lamig. Oo, nilalamig ako. Di ko nga alam kung bakit. Ang hina naman nung air con.

Parang may occasion ngayon? Ano na ba iyon? Uhm. Party? Uhm. Ano ba?

Napapikit naman ako ng mariin nung naalala ko. Wedding Day! Ikakasal na nga pala ako.

"Good morning, Miss." bati naman ni kuya Taydus..

"Oh, Kuya Taydus." kaswal kong bati.

"Miss, ito na po pala ang breakfast niyo at mamaya na po darating ang mga magaayos sa inyo" pagbilin niya sakin.

"Ah salamat na lang Kuya" sabi ko at binigyan siya ng ngiti.

"Ayy Miss. Yung malaki po na box dyan ay ang wedding gown niyo at yung isa naman po ay heels." Ngumiti na lang ako ng mapakla. Itatali ako sa lalaking hindi ko naman kilala at higit sa lahat, hindi ko naman mahal.

The Mafia's Hidden GemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon