3 2

1.1K 21 3
                                    

Chorene's POV

Nakatingin lang kami sa naguusap malapit sa may glass ng cafe.

"Anong ginagawa ni Fred dito?" inis na tanong ni Cloeh.

"Anong ginagawa ni Georginn dito?" inis rin na tanong ni Alena.

Teka lang ha, inis kayong dalawa?

"Bakit ano bang meron? Bakit ba kayo inis na inis diyan?" tanong ko 

"He is so obsessed with me! Lalo na noong kami pa ni Pryle! He'll like send threats and something!" pagrereklamo ni Cloeh.

"And look! Georginn is there! We don't even know if maybe she's cheating on Kyle!" pagrereklamo rin ni Alena.

Tinignan ko naman ng mabuti sila Geo na naguusap. Mukha nga silang masayang dalawa. 

"Gutom kayo, diba? Uwi na lang tayo. Ipagbabake ko na lang kayo." bigla namang lumiwanag ang mukha ng dalawa at hinila na ako papunta sa sasakyan ni Theo.

Habang nasa biyahe kami pauwi ay nagsosoundtrip ang dalawa pero ako ay nababahala pa rin sa nakita ko.

Tinext ko si Geo at tinanong kung lumabas ba siya. Sinabi naman niyang oo pero sa bahay lang raw nila. 

At doon ako mas lalong nagtaka. Kung bakit siya nagsinungaling, bakit siya may kausap na iba at kung bakit siya tumawa ng masama sa gitna ng pabilihan ng gamit pambata.

Malalim pa rin akong nag-iisip hanggang sa tumigil na ang sasakyan.

Bumaba naman na kaming tatlo at pinagbake ko na sila ng cupcakes. Pinagpatuloy na lang namin ang masayang kwentuhan namin kanina at para bang nakalimutan nilang dalawa ang nakita namin kanina. 

Noong nakauwi na silang dalawa ay umakyat na ako sa kwarto namin para magbanlaw at magpalit. Napatingin naman ako sa mag-ama kong nakahiga sa kama namin at mahimbing na natutulog. Napailing na lang ako at pumasok na sa banyo. 

Pagkalabas ko ay ganoon pa rin sila. Napagod rin siguro sila. Hinalikan ko ang noo nilang dalawa at tumabi sa kanan ni Savi at dahil na rin sa pagod ay nakatulog ako.


Tatlong buwan na ang nakalipas noong inilipat ang responsibilidad sa asawa ko, tatlong buwan na rin ang nakalipas noong nakita namin si Geo na may kasamang iba. Ilang buwan na rin na hindi kami umiimik tungkol dito. Ilang beses na rin kaming inaatake sa kung saan man kami pumupunta at buti na lang ay wala naman masyadong nangyayaring masama. Wala namang natatamaan at wala namang napupuruhan. Tila ba na ang mga pagatake ay babala ng mas malaking atake o ng mas malaking problema.

Nakangiti ako dahil nandito kami ngayon sa kwarto at nilalaro ni Pryle si Savi habang ako naman ay nagbabasa ng libro.

"Love." tawag ko kay Pryle.

"Hm?" sagot ni Pryle habang hindi niya inaalis ang tingin sa magandang mukha ng anak namin.

"I love you." tanging sabi ko sakanya at doon ko nakuha ang atensyon niya.

"Is there something wrong?" concerned na tanong niya.

Mabilis naman akong umiling, "I just want to tell you that I love you."

Napangiti naman siya at hinalikan ang noo ko, "I love you too, baby."

Binigyan ko na lang siya ng isang ngiti at nagpatuloy na sa pagbabasa.

Hindi ko talaga alam kung dapat ko ba sabihin kila Kyle ang nakita ko o dapat ko bag komprontahin si Geo. Pero natatakot ako na baka bigla siyang magalit dahil nangingialam ako sa personal na buhay niya.

The Mafia's Hidden GemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon