1 9

3.3K 67 4
                                    


——————————————•——————————————

Chorene's POV

Maaliwalas ang paggising ko. At napakawilling ko na buklatin ang mata ko. Alam niyo ba kung bakit? Birthday ko kasi!

Napatingin ako sa tabi ko at sinilip kung meron pa ba si Pryle sa kama namin pero wala siya. Baka maaga ring nagising.

At dahil wala siya sa tabi ko ay lumabas muna ako sa kwarto at sinilip siya sa office niya.

"Good morning." bati ko kay Pryle na nasa sala at nagkakape. Hinalikan ko pa nga noo niya pero tumango lang.

Wala man lang sagot pabalik? Ah baka nakalimutan niya ang birthday ko. Ngumiti na lang ako ng matamlay.

Bumaba na ako dahil nakalimutan naman ata ng asawa ko na birthday ngayon.

Ibinalik ko ang masaya kong ngiti at nagbabakasakaling ni isa sa mga tao dito ay makakaalala na kaarawan ko ngayon.

"Kyle!" tawag ko kay Kyle na kadadaan lang.

Tinanguan niya lang ako at nagpatuloy nanaman sa paglalakad. Hindi niya man langa ko binati tulad ng ginagawa niya sakin.

Tinawagan ko na lang si Geo at Zyrine ngunit paulit ulit lang na nagriring ang mga cellphone nila at hindi sinasagot ang mga tawag ko.

Doon ko na namalayan na may nagbabadyang luha sa mga mata ko. Akala ko magiging masaya ang araw na ito lalo na at ito ang una kong kaarawan kasama si Pryle.

Dismayado akong naglakad papuntang kusina at kumain. Pagkatapos ay niligpit ko na ang pinagkainan ko. Bumalik na lang ako sa kwarto at natulog. Wala naman akong magagawa e, wala namang nakakaalam ng espesyal na araw ko.

Nagising ako nang mapanaginipan ang masayang mukha ni Tito na bumabati sakin ngayon. Nalala ko tuloy ang pasimple niya pagbili ng cake ko tuwing birthday ko. Siya lang ang pumoprotekta sakin noon sa puder nila Tita at ngayon iniwan niya na ako. Ang sakit pa rin.

Pinunasan ko ang luha ko at bumangon. Naligo ako at kumuha ng damit. Kinuha ko rin ang pera ko na iniipon ko sa mga binibigay ni Pryle sakin na baon.

Naramdaman ko naman na tinignan ako ni Pryle palabas ng office niya. Deretso lang ang lakad ko at hindi ako lumingon sakanya para makapagpaalam. Galit ako, oo.

Sumamay ako sa taxi, at pumunta kung nasan si Tito ngayon.

"Hi Tito! Miss na po kita. Birthday ko po ngayon. Kain po tayo!" sabi ko habang inilatag ang panyo na dala ko at umupo.

Nakipagkwentuhan na lang ako kay Tito. Ikinwento ko kung ano ang mga bagong kaganapan sa buhay ko. Natatawa na lang ako na naiiyak dahil namimiss ko siya.

Ang masaklap pa, mas naramdaman kong nag-iisa lang talaga ako. Tila ba walang nagmamahal at walang kakampi.

Nakalimutan lang naman nila yung birthday ko pero parang ang big deal sakin. Big deal naman kasi talaga dahil inaasahan ko na kasama ko ang lalakeng mahal ko sa araw na ito. Pero, eto ako ngayon. Nag-iisa.

After kong kumain ng cake na dinaanan ko kanina ay nagligpit na ako at inayos ang sarili. Napagpasyahan ko na pumunta muna ako sa mall para bumili ng regalo ko para sa sarili ko.

Pagkaratinf ko sa Mall ay naglibot ako para tumingin kung ano ba gusto ko para sa sarili ko.

Pumasok ako sa isang jewelry shop dito dahil naalala kong may maganda silang bracelet na tinda dito.

"Miss, magkano po ito?" tanong ko sa sales lady. Ang ganda nga nung gusto kong bracelet at mas lalong nagmumukhang ang laki ng presyo neto.

"100,000, ma'am." Napabuntong hininga na lang ako at tumango. Nagpasalamat na lang ako sakanya at nagtungo para tumingin sa iba pa nilang tinda. Kaso nga lang, lahat ay napakamahal. Wala na ngang nakaalala ng birthday ko wala pa akong mabili para sa sarili ko? Ang ganda naman.

Lumabas na ako na dismayado. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Naglakad lakad ako at nakakita ako ng isang playground. Buti na lang at wala masyadong tao. Bumili ako ng dirty ice cream at umupo na lang sa swing.

"Grabe. Wala na talagang nakaalala sa birthday ko. Kawawa ka naman, Chorene Misl." bulong ko sa sarili ko.

"You're not celebrating you're birthday?" biglang may nagtanong. Tinignan ko ang taong nakaupo sa may swing at yun yung lalakeng Troy na tinawag ni Kyle noong nasa Paris kami.

"Hindi eh." tipid kong sagot sakaniya.

"Tara. Icelebrate natin." yaya niya sakin.

Umiling naman ako, "Salamat na lang pero, okay naman ako."

Di na lang siya sumagot at kumain ng pagkaing hawak niya.

Noong medyo magdidilim na ay tumayo na ako at nagpaalam, "Sige Una ako."

Ngumiti lang siya at tumango.

At tuluyan na nga akong umalis sa lugar na iyon:

Andito na ako sa bahay at sobrang tahimik, wala atang tao. Di na talaga nila naalala birthday ko. Kawawa nga ako.

Pagkabukas ko sa pintuan ay ang pagputok ng confetti at ang pagsigaw ng 'Happy Birthday' ng mga tao.

Wow. Di kaya nila ako pinansin kaninang umaga.

Ngumit lang ako sakanila ng tipid. Yumuko at pumasok sa kwarto.

Yung feeling kasi na yung akala mo di nila naalala yung birthday mo at di ka pa nila pinapansin. That sucks kaya.

Nagshower na lang ako at nilock ang kwarto namin ni Pryle. Humiga naman ako sa kama pagkatuyo ng buhok ko at tuluyan nang nakatulog. Bahala sila diyan.

Pryle's POV

"Kuya, I think galit si ate." sabi ni Kyle. I just gave him a nod. Bat ba yun pa yung naisip nilang paraan? The hell. Galit na tuloy siya sakin.

Itinuloy na lang naman ang party kahit wala siya. May mga bisita kaya.

Nagsiuwian na ang mga bisita at isa na lang ang kailangan kong gawin yun ay ang suyuin siya.

Nagtatampo rin naman ako. Nakipagusap pa siya kay Troy kanina sa may playground at sayang lang din tong pera ko na pinambii ko ng bracelet na gusto niya kung hindi niya lang maapreciate.

At oo, sinundan ko siya. Baka kasi mapahamak nanaman siya. Pero galit naman siya sakin. Fvck. Pryle ano bang ginawa mo?

——————————————•——————————————

The Mafia's Hidden GemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon