1 0

4.3K 88 7
                                    


——————————————•——————————————

Chorene's POV

Andito na ako sa school at nagchichikahan kaming tatlo sa room dahil wala pa kaming masyadong mga classmates at medyo tahimik pero kami lang ang maingay.

"Girl, ang gwapo nung kapatid niya! Grabe! Ilakad mo naman ako!" Geo na nagheaheart na ang mata.

"Haha. Mabait naman si Kyle. Gwapo. Pero makulit. Sobra. Bagay kayo" sabi ko at lumaki na ang ulo ng loka at kung ano-ano na ang pinagsasabi na mangyayari kung maging sila daw.

Baliw nga.

Nagsimula ng magdatingan ang nga kaklase ko at saktong meron na si Ma'am.

"Okay class, half day lang tayo ngayon dahil may meeting kami ngayon at mamayang hapon ay may pinapagawa si Principal Simon." announce ni Ms. Terrer. Hay! Makakapaglibot ako maya sa mansyon!

"Girl,can we come over, again?" nakangiting tanong ni Geo. Haha, gusto niya ata makita si Kyle.

"Paalam lang ako kay Pryle" nakangiting sagot ko naman.

"Sige." seryosong sabi ni Zyrine. Bat ba laging tong nagseseryoso? Siya pinakamatino saming tatlo. Di ko nga alam kung paano niya natitiis kakulitan namin ni Geo.

Umalis na si Ma'am at sabi niya kahit saan na daw kami pupunta.

Nagpaalam muna ako kay Zyrine, umalis si Geo bibili daw ng pagkain eh.

Pumunta ako kanila Tita para sana makipagusap.

———Eva's Carenderia———

"Look who's here? Mommy!" sigaw ni Joana.

"Sino nagsabi sayo na pwede kang pumunta dito? Mommy!" mataray na tanong ni Jiana.

"Bakit ka nandito? Pagkatapos mong umalis alis dito? Tapos babalik ka ng ganito?" Tita Eva at nakatikim ako ng isang malutong na sampal.

"Hoy babae! San mo nakuha yang mga damit mo? Ganyan dapat ang akin" sabi naman ni Joana at sinabunutan niya ako.

"Oo nga! Mahal yang mga sapatos mo!Amin na" Jiana at nakisabay sa sabunut sakin.

"Mga anak, gusto niyo ba siyang buhusan ng basura na kagaya niya?" tanong naman ni Tita Eva at nagsimula na akong umiyak.

"Oo naman,Mommy!" sabay na sagot nila at kinuha ang basurahan at sinimulang ibuhos sakin.

"Ako naman!" sigaw ni Tita Eva at may hawak na timba at ibinuhos saakin ang isang mabaho at maduming tubig.

Iyak lang ako ng iyak ng may biglang isang van na black at isang red na Lamborghini.

"Bitawan niyo siya!" sigaw ni Pryle.

"Aba aba. Naghire ka ng mga ganyan? Ay wala ka pa lang pera. Ay! Baka ginamit mo yang katawan mo at nakapagrent ka ng ganyan." sambit ng napakagaling kong tita at bigla na lang nilabas ng mga men in black ang mga baril nila.

"Grabe naman yung pagbenta ng katawan mo" comment naman ni Joana.

"Can you please stop that! Don't you dare to say any words about my wife again or you'll die! And she is not a whore to sell her body to me!" galit na sigaw ni Pryle at hinila niya ako at pinasakay sa kotse niya.

"Bakit mo ako pinasakay sa kotse mo? Ang baho baho ko kaya" sabi ko sakanya.

"Sino ba yung mga yun? Pinagiisahan ka nila. May tumawag sakin na dumalo sa kasal natin na inaaway ka daw kaya pumunta na kami dun." ani naman ni Pryle.

"Tita at mga pinsan ko sila pero ni minsan di nila ako itinuring na kapamilya."

"Don't be sad. I am now your family" niyakap niya ako kahit na ang baho baho ko.

"Thank you." yan na lang ang sinabi ko at umuwi na kami sa bahay.

Pagdating namin sa bahay ay naligo na kami pero hindi sabay.

Di na ako kumain at natulog na lang ako maghapon.

———few hours later———

Nagising ako at gabi na pala. Bumaba muna ako at nakita ko si Pryle at si Kyle na nagkukulitan sa salas.

"Ate Chorene, si Kuya Pryle oh! Susuntukin daw ako! Sisirain niya yung mukha kong napakagwapo! Wah! Kuya liligawan ko pa si Geo!" sigaw sakin ni Kyle habang tumatakbo at nakita ko naman si Pryle na hinahabol siya. May gusto pala ito sa best friend ko.

"Pryle, tama na" tumatawang pinigilan ko itong mokong na ito.

"King, Queen, Sir, nakahanda na po ang pagkain." sabi ni Kuya Taydus pero parang di siya narinig ng magkapatid.

"Hoy! Handa na daw yung pagkain" sigaw ko sakanila. Huminto naman sila at nagpaunahan pa papuntang dining room.

"Kyle! Stop doing nonsense things especially when your Ate Chorene is infront of you!" Bat pati ako nadamay?

"Hey! Chorene?" tawag sakin ni Pryle.

"Di mo lang ba gagalawin ang pagkain mo?" sabat naman ni Kyle.

"May iniisip lang."

"Ano?" Duet? Palagi na lang bang may nagduduet?

"Wala na kayo dun" at tumayo na ako dahil nawalan nanaman ako ng gana.

Umakyat na ako sa kwarto at humiga na sa kama.

Pinikit ko ang mga mata ko pero hindi pa rin ako natutulog.

"You know what you're beautiful. You're simple. I think I already fell for you. I am now your family. I'll always be by your side. I'll never leave you. I love you. Good night." sabi niya.

"I-I love y-you, t-too." nauutal na sabi ko at sigurado na ako doon. I love this man beside me. I feel a soft thing landed in my forehead. And I drifted to sleep.

——————————————•——————————————

The Mafia's Hidden GemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon