E p i l o g u e

896 8 0
                                    

Chorene's POV

"Are you nervous?" tanong ng kakapasok lang na nag- iisang Charles Mylan Santiago.

"Why would I be?" nakangiting sagot ko sakaniya habang hinihintay ko ang mag- aayos sakin para mamaya.

Tumawa siya, "Ang confident naman nito na hindi siya tatakasan ng asawa." 

Tumawa rin ako at pumasok na ang mga mag- aayos sakin.

"Kuya, he's madly in love with me. At kung tatakas man iyon, hahanapin ko siya sa lahat ng kapuluan ng Pilipinas."

Sinimulan naman ng mga nag-aayos sakin na ipitan ang humaharang na buhok ko sa mukha ko.

Narinig ko naman ang muling pagbukas ng pinto ng kwarto kung nasan ako ngayon, "Hoy, Charles Mylan! Tawag ka nila Kyle. Kung saan saan ka nanaman napupunta!" sigaw ni Zyrine kay kuya at napatawa na lang ako nang sumaludo si kuya at nagmadali nang lumabas.

"Oh my gosh! Ate Chorene, you're getting married again!" pagtili ni Alena na nagmukha pang gustong ipukpok ang bouquet niya sakin. Yes, after how many months of preparing for this day, ikakasal na ulit kami ng asawa ko.

"Yes! I'm so happy for you, sis!" masaya namang bati ni Zyrine at sis na talaga ang tawag niya sakin dahil ikakasal na sila ni kuya. 

O diba, speed rin kapatid ko eh.

"Your wedding looks so pretty! Gusto ko rin!" sabi ni Cloeh kaya binatukan siya ni Zyrine. 

"Cloeh, Theo will give you a beautiful one, too." nakangiting sabi ni Clare habang umiinom sa champagne glass niya.

Nagtawanan naman sila kaya nakitawa ako. In the whole preparation of my wedding, naging close kaming apat. Zyrine became friends with Alena and Cloeh. We also have an addition, Troy's wife, Clare.

Napatingin naman ako sa salamin nang matapos na ang nag- aayos sa mukha ko at pinagtuunan naman nila nang pansin ang buhok ko. 

Tinitigan ko ang sarili ko at sobrang layo ng itsura ko sa unang kasal namin. Imbes na super dark at goth themed ang kasal namin tulad ng dati, ngayon naman ay light ang aura niya at nagmumukha talaga siyang kasal.

Natapos na rin sila magayos sa buhok ko. Inilugay naman nila ang natural kong kulot na buhok ko at gumawa ng braid sa harap.

"Tapos na po, queen."magalang na bati ng nag- ayos kaya nginitian ko naman siya. Agad namang lumapit ang mga kaibigan ko. Talagang ipinagilid pa nila ang nag- ayos at sila ang nakitingin sa salamin.

"So pretty, Ate!"

"Ganda mo, sis."

"I'm envious!"

"Chorene, I'm proud to be your friend."

Komento nila kaya napatawa naman ako. Tinawag naman ako ng photographer para magpicture picture kasama ng mga gagamitin mamaya at kasama ng mga babaeng ito habang nakaroba.

"Palit na po, queen." sabi naman ng isa sa mga nag- aayos at tumango ako. Inalis naman nila ang wedding gown ko sa mannequin. 

Pinasuot na nila sakin ang gown at napatitig ako sakin sa full length mirror. 

I look good with my dress. It's a satin thin- strapped white dress with very detailed bodice na umaabot ang details hanggang sa waist. Meron ring details mula sa hem pataas. 

"You look very beautiful, queen." nakangiting sabi ng nag- aayos.

"Thank you." sagot ko habang nakatingin pa rin ako sa sarili ko.

The Mafia's Hidden GemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon